Celebrities and political figures—Claudine Barretto, Karla Estrada, Arjo Atayde, Tom Rodriguez, Bobby Andrews, and more—file their certificate of candidacy for the 2022 elections (Part 3)

Kabilang sina Kiko Pangilinan, Karla Estrada, Noli de Castro, at Arjo Atayde sa mga humabol sa pagpa-file ng COC sa Comelec ngayong araw, October 8, ang takdang araw ng pasasara ng filing.

Photos: Instagram & FaceBook

Kabilang sina Kiko Pangilinan, Karla Estrada, Noli de Castro, at Arjo Atayde sa mga humabol sa pagpa-file ng COC sa Comelec ngayong araw, October 8, ang takdang araw ng pasasara ng filing.

Ngayong araw, October 8, ang huling araw sa filing ng certificate of candidacy o COC para sa mga nais na kumandidato para sa national and local positions sa gobyerno sa susunod na taon.

As expected, maraming celebrities at mga dati ng pulitiko ang humabol para makapaghain ng kani-kanilang COC. Ito ay sa kabila ng ongoing pandemic sa bansa.

Marami sa nagpahayag ng intension na mahalal ay mga may karanasan na sa pulitika pero meron din namang mga bago na susubok palang sa so-called serbisyo-publiko.

Scroll down to see kung sino-sino pa ang mga celebrities and public figures humabol sa pagpa-file ng COC para sa 2022 elections:

 

DAVE ALMARINEZ

Magbabalik-pulitka ang mister ni Ara Mina, ang President and CEO of the Philippine International Trading Corporation na si Dave Almarinez.

Nagsilbi na noon bilang board member ng Laguna si Dave pero sa ngayon, ang maging representative ng lone district ng San Pedro, Laguna ang tina-target n’yang  posisyon.

 

Usec Dave Almarinez, files his Certificate of Candidacy as he vies to be the first representative of the lone district...

Posted by NewPost on Thursday, October 7, 2021

 

 

RICHARD YAP

Congressman din for the North District ng Cebu City naman ang tatakbuhang posisyon sa gobyerno ni Kapuso actor and entrepreneur Richard Yap.

Ang misis n’yang si Melody Yap ang nag-file ng kanyang certificate of candidacy on his behalf last October 3 bilang isang independent candidate.

 

This night is a for a very personal choice I will be making, and I know I already made to get respect from doing so and...

Posted by RM Rudillas on Monday, October 4, 2021

 

 

LOOK | CEBU VOTE: Melody Yap, wife of actor Richard Yap, files on behalf of her husband a certificate of candidacy for...

Posted by The Freeman on Sunday, October 3, 2021

 

BOBBY ANDREWS

Susuong na din sa mundo ng pulitika ang aktor na si Bobby Andrews na kakandidatong konsehal ng District 4 sa Quezon City.

Pagbabahagi n’ya sa kanyang Facebook post last October 6, “Filed my COC today, proud to be a member of Team Panalo under the guidance of future congressman Marvin Rillo. Together with Councilor Imee Asuncion Rillo, Councilor Nanette Castelo Daza, Councilor Raquel Malangen and Councilor Ariel Inton.”

 

 

Filed my COC today, proud to be a member of Team Panalo under the guidance of future congressman Marvin Rillo . Together...

Posted by Bobby Andrews on Wednesday, October 6, 2021

 

 

DENNIS PADILLA

Nagbabalik-pulitika naman ang komedyante at TV host na si Dennis Padilla.

Naghain ng kanyang COC ang aktor last October 2 para makatakbong muli sa pagka-konsehal sa District 2 ng Caloocan City.

Dati nang nagsilbi si Dennis sa District 2 bilang city councilor mula 1998 hanggang 2007.

 

 

LOOK: Former Councilor and TV host/comedian Dennis Padilla had filed his Certificate of Candidacy on October 2 for...

Posted by Nutshell on Wednesday, October 6, 2021

 

LOU VELOSO

Actor-politician Lou Veloso seeks another term as Manila City councilor.

Last October 1 naghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-konsehal si Veloso.

 

 

TINGNAN: Naghain ng kandidatura sa pagkakonsehal ng Maynila ang reeleksiyonistang si Lou Veloso. #Halalan2022 | via Raya...

Posted by ABS-CBN News on Friday, October 1, 2021

 

JEJOMAR BINAY

Isa si former Vice President Jejomar Binay sa mga nagpahayag na muling papasok sa pulitika after matapos ang termino n’ya bilang bise presidente noong 2016.

Kahapon ay naghain ng kanyang COC si Binay sa pagka-senador sa 2022 elections.

Sa kanyang Facebook post ngayong araw, nanawagan ng suporta ang aspiring senator para maipagpatuloy ang kanyang pagiging public servant.

“Sa mahigit 30 taon ko ng serbisyo sa ating bayan, naipakita po natin ang ating kakayahan sa pagtugon sa iba’t-ibang problemang kinakaharap ng ating mga kababayan,” pahayag n’ya.

“Yan po ang bitbit ko ngayon na ako ay sasabak muli upang hingin ang inyong suporta sa aking pagtakbo bilang Senador.

“Sana po ay samahan ninyo akong muli sa susunod na bahagi ng aking buhay bilang public servant,” pagtatapos ni Binay.

 

 

Nandito na po tayo sa Sofitel para mag-file ng aking Certificate of Candidacy para sa posisyon ng Senador.

Posted by Jojo Binay on Wednesday, October 6, 2021

 

 

NOLI DE CASTRO

Ngayong araw ay inihain na ni ABS-CBN news anchor Noli de Castro ang kanyang COC sa pagnanais na muling magsilbi sa publiko bilang senador.

“Ang pinagkakatiwalaan ninyong boses sa pagbabalita handa nang maging boses ninyo muli sa senado!” pahayag ni Kabayan Noli sa kanyang FB post.

Tatakbo si de Castro sa ilalim ng Partido Aksyon Demokratiko sa pangunguna ni Manila Mayor Isko Moreno na tatakbong pangulo ng bansa.

Matatandaan na naging senador na si Noli noong 2001 at naging vice president ni dating Pangulong Gloria Arroyo mula 2004 hanggang 2010.

 

 

Ang pinagkakatiwalaan ninyong boses sa pagbabalita handa nang maging boses ninyo muli sa senado!

Posted by Kabayan Noli De Castro on Thursday, October 7, 2021

 

 

ALEX CASTRO

Ang pagka-bise gobernador ng Bulacan ang target ngayong upcoming 2022 elections ni 4th District Board Member Alex Castro.

The singer-actor and politician officially filled his COC yesterday bilang running mate ng kapwa aktor na si Daniel Fernando na nagnanasang muling mahalal bilang governor ng Bulacan.

Sa kanyang Facebook post, ibinida ni Castro ang kanyang mga achievements sa larangan ng pulitika.

“Nagsimula sa isang simpleng SK chairman at SK President hangang nahalal bilang pinakabatang konsehal ng bayan ng Marilao naging pinakabatang Bokal na nahalal noong 2016 sa aking 17 taon bilang mambabatas at lingkod bayan alam kong inihanda ako ng Panginoon para sa aplikasyong ito upang maging BISE-GOBERNADOR ng Lalawigan ng Bulacan,” lahad n’ya.

“Naniniwala ako na ang Bulacan ay handa na sa bagong mukha ng sistema ng pulitika at paglilingkod kung saan panahon na, na kapakanan naman ng Bulakenyo ang unahin hndi ang sariling interes at pulitika.”

 

 

1 Timoteo 4:12 Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa...

Posted by Alex Castro on Wednesday, October 6, 2021

 

JOMARI YLLANA

Tuloy ang pagnanais ni actor-politician Jomari Yllana na muling manungkulan bilang konsehal ng Paranaque.

Kahapon ay kasama n’ya ang partner na si Abby Viduya sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy.

Taong 2016 nang unang nahalal si Jomari bilang city councilor at na-re-elect pa noong 2019 sa kaparehong posisyon.

 

 

LEILA DE LIMA

Bagama’t nasa piitan ang senador na si Leila de Lima due to the allegation of using drug money for her senatorial campaign in 2016, muli s’yang nakapaghain ng kanyang COC ngayong araw para makatakbo sa 2022 elections.

Ito ay sa tulong ng kanyang Chief of Staff and Campaign Coordinator na si Atty. Fhillip Sawali, legal counsel na si Atty. Filibon Tacardon, at kanyang legal counsel and spokesperson na si Atty. Dino de Leon.

“Kasama kayo, #LeilabanTayo!” maikling pahayag ng senadora sa kanyang FB post.

 

Kasama kayo, #LeilabanTayo! 🖐️

Posted by Leila de Lima on Thursday, October 7, 2021

 

ALAN PETER CAYETANO

Ang makabalik muli sa senado ang goal ni former House Speaker Alan Peter Cayetano na nag-file ng kanyang certificate of candidacy kahapon as an independent senatorial candidate.

Sa kanyang naging press conference bago tumulak pa-COMELEC, sinabi n’yang nararamdaman n’yang may maitutulong pa s’ya sa bayan bilang senador.

“It is that spirit that I feel I will be able to contribute and help if I run again for the Senate or to run as Senator for the Republic of the Philippines,” saad n’ya.

 

Former House Speaker Alan Peter Cayetano has filed his COC as an independent senatorial candidate. #Eleksyon2022 | via...

Posted by GMA News on Thursday, October 7, 2021

 

ARJO ATAYDE

Kung dati ay usap-usapan lang ang pagtakbo ni Kapamilya star Arjo Atayde sa pulitika, pinatotohanan na n’ya ito ngayong araw.

Kasama ng award-winning actor ang kanyang supportive parents na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde at si Quezon City Mayor Joy Belmonte, nag-file ng kanyang certificate of candidacy para sa pagka-kongresista ng 1st District ng QC.

Bagamat independent candidate si Arjo, ay tila ine-endorso siya ni Mayor Belmonte dahil sa pagiging visible nito sa pagpa-file niya.

 

Naghain ng certificate of candidacy para sa pagka-kongresista ng 1st District ng Quezon City ang aktor na si Arjo Atayde. Kasama niya ang mga magulang at mismong si QC Mayor Joy Belmonte. | via Romel Lopez

Posted by News5 on Thursday, October 7, 2021

 

LENI ROBREDO

Nag-trending kahapon ang #LetLeniLead sa social media kasabay ng paghahain ni Vice President Leni Robredo ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-pangulo ng bansa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Robredo na ibibigay n’ya ang lahat ng kanyang makakaya sa malaking laban na ito sa pulitika.

“Ngayon, sasabak tayo sa mas malaking laban. Panata ko ngayon: Ibubuhos ko nang buong-buo ang aking lakas, hindi lang hanggang sa halalan kundi hanggang sa mga natitirang araw ko, para ipaglaban ang Pilipinas ng ating mga pangarap.”

 

[A] Ito na ang ating simula! Ngayong hapon, nag file na ng certificate of candidacy si Leni Robredo para sa kaniyang kandidatura bilang pangulo sa darating na Halalan 2022. Sama-sama tayo sa labang ito!

Posted by VP Leni Robredo on Thursday, October 7, 2021

 

KIKO PANGILINAN

Kasunod sa paghahain ni VP Leni Robredo ng kanyang COC sa pagka-pangulo kahapon, ang running mate naman n’ya sa pagka-bise president na si Senator Kiko Pangilinan ang nag-sumite ng kanyang COC ngayong araw.

 

ANTONIO TRILLANES IV

Matapos magpahinga ng tatlong taon sa pulitika ay muling kakandidato sa pagka-senador si Antonio Trillanes IV.

“Just filed my COC for Senator under Team Leni 2022,” maikling pahayag n’ya sa kanyang Facebook post ngayong araw.

 

Just filed my COC for Senator under Team Leni 2022. #LabanLeni2022 *Photo courtesy of News5

Posted by Antonio "Sonny" Trillanes IV on Thursday, October 7, 2021

 

Sa inilabas n’yang press release sa muli n’yang pagtakbo, sinabi n’yang ipagpapatuloy daw n’ya ang kanyang anti-corruption and governance reforms advocacy sa senado at tututukan economic recovery, at reporma sa healthcare, education at security.

 

Trillanes eyes Senate return Former Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV filed his Certificate of Candidacy for...

Posted by Antonio "Sonny" Trillanes IV on Thursday, October 7, 2021

 

 

CLAUDINE BARRETTO

Opisyal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy ang Optimum Star na si Claudine Barretto para sa pagka-konsehal ng Olongapo City.

Kasabay n’yang nag-sumite ng COC kahapon ang kanyang manager, ang ALV Talent Circuit boss and Miss World Philippines National Director na si Arnold Vegafria, na tatakbo namang mayor ng lungsod.

 

JB SALIBA

Kasabay din ni Claudine na naghain ng COC ang kapartido n’ya sa PDP Laban at Anak ng Gapo partylist ang actor-model and Mister World Philippines 2019 winner JB Saliba.

Tatakbong konsehal ng Olongapo City si JB na isa rin sa mga talents ni aspiring mayor Arnold Vegafria.

 

ARNOLD VEGAFRIA

Kakandidatong mayor ng Olongapo City si ALV Talent Circuit manager and ng Miss World Philippines National Director Arnold Vegafria for the 2022 elections.

Kasama n’yang nag-file ng COC ang kanyang slate na kinabibilangan ni Claudine Barretto at Mister World Philippines 2019 JB Saliba.

 

SHERWIN GATCHALIAN

Gustong maipagpatuloy ni Senator Sherwin Gatchalian ang nagawa n’ya sa senado kaya nagpasya daw s’ya na muling kumandidato sa darating na election.

“Matapos ang ating pagninilay, napagdesisyunan po natin na sumabak sa re-election sa darating na halalan. Ipagpapatuloy po natin ang mga nasimulan nating trabaho sa Senado para makatulong sa ating mga kababayan. #WINTayongLahat,” pahayag n’ya sa kanyang Facebook post.

 

Matapos ang ating pagninilay, napagdesisyunan po natin na sumabak sa re-election sa darating na halalan. Ipagpapatuloy...

Posted by Senator Win Gatchalian on Thursday, October 7, 2021

Humabol sa filing of certificate of candidacy for senator si Gatchalian ngayong araw.

Sey pa n’ya sa kasunod na FB post, “Naniniwala po tayo na mas kailangan tayo ng lehislatura para magsulong ng mas marami pang mga batas upang makabangon ang bansa mula sa krisis sa edukasyon at ekonomiya na dala ng pandemya.”

 

Naniniwala po tayo na mas kailangan tayo ng lehislatura para magsulong ng mas marami pang mga batas upang makabangon ang bansa mula sa krisis sa edukasyon at ekonomiya na dala ng pandemya.

Posted by Senator Win Gatchalian on Thursday, October 7, 2021

 

SHARIFA AKEEL

Hindi na pageant stage kundi political arena ang bagong papasukin ngayon ni Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel.

Kahapon ay nag-sumite ang beauty queen and aspiring politician ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-gobernador ng Sultan Kudarat.

“This is it! I have formally filed my Certificate of Candidacy as Governor of the province of Sultan Kudarat! Alhamdulillah,” aniya sa kanyang Facebook post.

“Today is a great day to celebrate this opportunity to fight for what I believe in, and in what every Sultan Kudarateño deserves. A better chance for a good life!

“Samahan niyo po ako sa aking bagong tatahakin na landas.”

 

This is it! I have formally filed my Certificate of Candidacy as Governor of the province of Sultan Kudarat!...

Posted by Sharifa Akeel on Thursday, October 7, 2021

 

 

KARLA ESTRADA

Naghain sa COMELEC si Magandang Buhay co-host Karla Estarada ngayong araw ng CONA o Certificate of Nomination and Acceptance para maging 3rd nominee for Tingog Sinirangan partylist.

Pahayag ng mother ni Daniel Padilla sa hakbang n’yang ito, “Hindi ito naging madaling desisyon para sa akin at para sa aking pamilya. Pero dahil nandyan kayo at ang buong Tingog Party List, panatag po ako na kakayanin ko.

“Walang iwanan. Sama-sama tayo! Mamshie Karla po, tubong Tacloban, anak ng Region 8. #MamshieKarlaTingog #TingogmoBosesko,” pagtatapos ni Mamshie Karla.

 

Hindi ito naging madaling desisyon para sa akin at para sa aking pamilya. Pero dahil nandyan kayo at ang buong Tingog...

Posted by Karla Estrada on Thursday, October 7, 2021

 

ROBIN PADILLA & ROMMEL PADILLA

Matapos ang ginawa niyang online survey sa kanyang fans kung ano ang pipiliin niya between pelikula at pulitika few weeks ago, heto't itinuloy ni action star Robin Padilla ang pagtakbo sa pagka-senador under the Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) sa paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Sa Instagram post ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla, sinabi nitong hindi umano power at money-hungry ang kanyang asaswa kaya tumatakbo, bagkus ay “he just wants to make a difference” and “put action to all his complaints.”

 

Samantala, ang kapatid naman ni Robin na si Rommel Padilla, ama ang popular na aktor na si Daniel Padilla, is making another bid para maging  representative ng1st District ng Nueva Ecija.

Maliban sa mga nabanggit, muli ring kumakandidato for his third term as city councilor ng Paranaque ang aktor na si Vandolph Quizon.

Nagbabalik-pulitika naman si Ryan Yllana at tatakbong konsehal ng kaparehong lungsod bilang kapalit ng misis n’yang si Jean.

Maging ang actor-turned-congressman na si Alfred Vargas ay nag-file na din ng kanyang COC para sa QC council.

Si Kapuso actor Tom Rodriguez naman ang first nominee ng Anak Maharlikang Pilipino partylist na nagsusulong ng Karapatan ng mga construction workers.

 

LOOK: Actor Tom Rodriguez is 1st nominee of partylist Anak Maharlikang Pilipino, which claims to advocate for rights of...

Posted by ABS-CBN News on Thursday, October 7, 2021

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.