Celebrity couple na sina Andrea Torres at Derek Ramsay, hiwalay na nga ba?

PHOTOS: @andrek_fanpage on Instagram

PHOTOS: @andrek_fanpage on Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media na diumano’y hiwalay na ang Kapuso couple na sina Andrea Torres at Derek Ramsay

Nagsimula ang issue ng mapansin ng Netizens na burado na ang photos nila together sa kani-kanilang Instagram accounts. 

SCREENSHOT: @ramsayderek07 & @andreaetorres on Instagram

Palaisipan din ang pag-unfollow ng sexy Kapuso actress sa IG account ng aktor, habang, as of this writing, ay naka-follow pa naman si Derek sa account ni Andrea. 

SCREENSHOT: @ramsayderek07 & @andreaetorres on Instagram

Sa ngayon ay wala pang nagkukumpirma sa magkabilang kampo kung totoo ba ang issue. 

Nito lang kasing September 23, sa morning show na Mars Pa More hosted by Camille Prats and Iya Villania, inamin ng Kapuso couple na ready na silang i-level up ang kanilang relasyon. 

Sa latest vlog naman ng celebrity doctor na si Vicki Belo na in-upload last November 5, kung saan dumalaw sila ng daughter n’yang si Scarlet Snow sa bahay ni Derek, tinanong n’ya ang dashing actor kung iyon na ba ang dream house nito. 

“Yeah. I want to start my family here,” sey naman ni Derek. 

Nagtanong pa ang doktora ng kanyang “million dollar question” tungkol nga sa pagpapakasal nila ni Andrea. 

“Are you planning [to get married] soon?” tanong ni Dra. Vicki sa aktor.

“Soon,” tugon naman ng 43-year-old British-born Filipino actor-model sa kanya. 

“Like this year? Next year?” pangungulit pa ni Dra. Vicki.

“Let this year ends,” sey naman ni Derek para kompirmahing walang kasalang magaganap this year.  

September 2019 nang umamin sina Derek at Andrea sa kanilang relasyon matapos silang magtambal sa primetime series na The Better Woman. Nag-launch din ng joint YouTube channel ang dalawa na tinawag nilang AndRek Vlogs kung saan magpahanggang ngayon ay naka-up pa ang mga videos nila.

Early this year naman nang napabalitang muling magtatambal sina Derek at Andrea sa upcoming Kapuso action series na Sanggang Dikit na nakatakdang ipalabas ngayong papasok na 2021.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Andrea Torres, “sobrang saya” sa relasyon nila ni Derek Ramsay

Pika's Pick: Andrea Torres pulls off a birthday surprise for her “answered prayer” Derek Ramsay and post the sweetest birthday message after

Andrea Torres says “yes” to boyfriend Derek Ramsay’s proposal... to put up their vlog

Pika's Pick: Andrea Torres dedicates sweet birthday message to boyfriend Derek Ramsay's mom

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.