Maraming supporters ni VP Leni Robero ang hindi nasiyahan sa nakaraang The 2022 Presidential One-On-One Interviews ni Boy Abunda sa kaisa-isang babaeng aplikante sa pagka-pangulo. Mapapanood sa kanyang YouTube channel na The Boy Abunda Talk Channel ang nasabing interview na in-upload kahapon, January 26.
Karaniwang puna ng mga Leni supporters ang panay na pangka-cut umano ng TV host sa kanyang kausap at maraming pagkakataon umano itong nag-“mansplaining, which merriamwebster.com defines as “to explain something to a woman in a condescending way that assumes she has no knowledge about the topic.”
Akusa pa ng iba ay tila biased ito sa nanuna na niyang na-interview na si former senator Bongbong Marcos na hinayaan lang umano niyang magsalita nang magsalita. Blatant umamno ang pagkaka-iba ng istilo niya pag-iinterview niya sa pinakamahigpit na kalaban ni VP Leni.
Naging trending topics tuloy ang mga hashtags gaya ng #LetLeniSpeak at #AbundaBiased sa Twitter dahil dito.
At habang nakasalang pa si VP Leni interviews ay nag-Number 1 trending topic naman sa buong mundo ang #LeniAngatSaLahat na humamig ng 166,000 tweets.
Bukod sa mga karaniwang netizens, nagpahayag din ng kani-kanilang pagka-dismaya sa interview ang ilang celebrities gaya nina Rita Avila, Nikki Valdez, Jim Paredes, at Gabe Mercado.
“Mr. Boy Abunda, I love you but I feel something heavy while you are talking to VP Leni. You keep on cutting her and you act like you are against what she is saying,” direktang pahayag ni Rita sa kanyang IG post kagabi.
“Mas respectful and decent ka kala Sen Ping and BBM. Sorry friend, I am not the only one who felt this,” akusa pa n’ya.
Himutok pa n’ya sa TV host sa kasunod na IG post, “WHY?!!! Parang ayaw mo na pasagutin. Parang ayaw mo sha mag-expound. Ang sad Boy. Pinagtanggol pa kita na professional ka and respectful sa sinumang guest mo.”
Protestang tweet naman ni Nikki Valdez habang nagaganap ang interview: “Ang dami gusto sabihin ni VP… Hindi siya natatapos!!! Tito Boy, patapusin niyo naman. Let Ma’am speak please!!!”
Ang dami gusto sabihin ni VP… Hindi siya natatapos!!! 🥺🥺🥺 Tito Boy, patapusin niyo naman…
— NVG (@nikkivaldez_) January 26, 2022
Sinita rin ni Jim Paredes (formerly of the Apo Hiking Society) ang mga ginagawang pagputol umano ni Boy Abunda sa mga sagot ni Robredo, malayo sa “malambot” umano niyang trato sa guest na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tinawag nitong “Belng2.”
“LENI was great. Boy Abunda was wanting. Always interrupting. Too soft kay Bleng2, practically feeding him,” tweet nito.
LENI was great. Boy Abunda was wanting. Always interrupting. Too soft kay Bleng2, practically feeding him.
— Jim (@Jimparedes) January 26, 2022
Napa-instrospect naman si Gabe Mercado dahil sa nasaksihan niya umanong pagma-“mansplaining” ni Boy.
Tweet niya: “For the times I have interrupted women while speaking, I apologize. Seeing Boy Abunda’s interview tonight was my magic mirror moment in realizing how offensive and infuriating mansplaining is. Let’s do better, men. You too, Boy.
“For the record, I do not think Boy Abunda was biased at all against the VP. I do think he was biased for taking the spotlight and hearing himself. That’s what male privilege is about. Men interrupting and feeling entitled to the spotlight at the expense of women.”
For the times I have interrupted women while speaking, I apologize.
— Gabe Mercado (@gabemercado) January 26, 2022
Seeing Boy Abunda’s interview tonight was my magic mirror moment in realizing how offensive and infuriating mansplaining is.
Let’s do better, men.
You too, Boy.
Samantala, sinentro lang ni Edu Manzano ang papuri sa bise presidente sa magandang pakita niya sa panayam ni Boy Abunda. But he left the online host out of it.
“Leni deserves a lot more credit… Good job!” tweet ng aktor.
Leni deserves a lot more credit …. Good job!
— Edu Manzano (@realedumanzano) January 26, 2022
Samantala, para kay Manay Lolit Solis ay pinuri niya ang panayam ni Boy.
Iba naman ang pananaw ng talent manager at veteran showbiz writer na si Manay Lolit Solis dahil para sa kanya ay “bongga” ang over-all rating ni Boy Abunda as an interviewer base sa mga napanood na niyang presidential interviews nito.
Sa Instagram account niya ay panay ang papuri niya sa TV-turned-online talk show host.
“Bongga si Boy Abunda sa kanyang Presidential interview ng mga kandidato, Salve. Cute ang mga tanong at parang at ease na at ease ang mga tinatanong.
“Eversince naman mahusay talaga sa interview si Boy Abunda kaya nga siya ang King of Talk. Magalang siya sa mga guest niya, at na-research niya talaga ang mga dapat itanong sa kanila.
“No wonder comfortable ang lahat ng invited niya. At no wonder open sa invitation niya ang mga guest niya. Palagay ko malakas din ang dating ng Boy Abunda interview dahil lahat na invite niya. Bongga talaga ngayon mga kandidato, lakas ng dating, type sila panuorin ng tao talaga. Sabagay, importante dahil susunod na Pangulo natin ang nakataya kaya excited ang lahat. Congrats Boy Abunda for a job well done, bongga!! #classiclolita #takeitperminutemeganun #74naako
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber