Chad Kinis, inaming na-karma nang niloko ang jowang straight na lalake noon!

Chad Kinis, na-karma nang niloko ang straight na jowa noon? Paano kaya? Alamin by scrolling down below!

PHOTO: Adam Laurena

Chad Kinis, na-karma nang niloko ang straight na jowa noon? Paano kaya? Alamin by scrolling down below!

Nang dumating ang komedyanteng si Chad Kinis sa Viva Office para pumirma ng kanyang film contract sa Viva Films noong Huwebes, December 12, hindi napigilan ng mga miyembro ng press na tanungin siya tungkol sa kanyang love life! 

Itinanong sa kanya kung pangarap niya rin bang magkaroon ng isang Ion Perez—ang lantarang boyfriend ni Vice Ganda ngayon—sa buhay niya.

Lahat naman po siguro tayo, kahit ikaw, ’di ba? Nangangarap tayo ng isang taong magmamahal talaga ng totoo sa atin,” sagot ni Chad. “’Yong ’di ka ikahihiya na ipagsigawan sa mundo na mahal ka, ’di ba? Lahat tayo, siyempre, nangangarap na magkaroon ng taong ganoon. ’Yong aagapay sa’yo, magpapasaya sa’yo.

Kasi, ’di ba, karamihan [ng] katulad nating mga third sex, lagi tayong nagpapasaya ng ibang tao, pero gusto rin natin maranasan na tayo naman ’yong pasayahin, ipagsigawan sa buong mundo na ’Mahal ko ’to’, ganoon.” dagdag niya.

Minention din ng M&M: The Mall, The Merrier star ang stigma na ang pagmamahal sa isang tao ay may kinalaman sa gender, which is not the case para sa kanya.

Sa totoo lang, meron po talagang lalake na magmamahal, kasi minsan ang pagmamahal, hindi naman ’yan sa kasarian, eh,” paliwanag ni Chad. “Hindi talaga sa gender, pero may mga lalakeng totoo, may mga kaibigan ako na napo-fall ang mga lalake sa kanila, dahil sa kabaitan, sa kagandahang loob, sa pinapakita kung paano sila alagaan, totoo ’yan.

Meron talagang taong ganoon. Ang gusto nila ’yong minamahal sila pabalik. May mga taong niloko na dati [at] ayaw ng masaktan at nakikita nila ’yong security sa mga katulad natin na dito secured kami. Hindi pera-pera, ha? Kundi dahil mahal kita,” sabi pa niya.

Kwento naman ni Chad na nangyari na daw sa kanila may straight na lalake na nahulog sa kanya. Noong 19 years old siya, nagkaroon siya ng boyfriend na straight at three years din inabot ang kanilang relasyon. Ngunit siya daw ang nagloko dahil bata pa daw siya noon.

Wala akong trabaho noon, siya ang may trabaho. Siya ’yong nagbabayad ng bahay, pagkain. Older po [siya] sa akin. 23, mga ganoon siya. Four years older,” kwento ng komedyante. “Straight po siya. [...] Nag-live in kami that time.

Subalit, dala ng kabataan, hindi daw napigilan ni Chad na magloko noong mga panahong iyon.

May isa pang guy. Parang feeling ko--siyempre ganoon, ’di ba? Feeling mo ang ganda-ganda mo, ’di ba? [Long hair ako], ’di ba? Kaya siguro ako na-kalbo, karma ’yon,” patawang kwento ni Chad. “Siguro, na-karma ako na ang tagal ng walang nagmamahal sa akin, lagi akong niloloko. After that relationship, lahat ng naging relationship ko, niloko na ako.

Ngayo’y visible na si Chad sa media, mas lalo na nang hirangin siyang 2nd runner up ng Miss Q&A InterTALAKtic 2019 ng It’s Showtime, na-curious ang press kung meron na bang nagpaparamdam na mga manliligaw para sa kanya.

Meron naman pong nagpaparamdam, kaya lang po ang worry nga lang nila po sabi nila ‘Paano ba ’yan? Baka kung ano ang isipin sa akin ng tao?’ which is ’yon naman ang lagi nating nagiging problema talaga,” sabi niya. “Kasi iniisip nila na ‘Baka isipin lang ng tao ginagamit kita’, ganoon, ’diba? ’Yon ang worry nila kaya nagkakaroon ng factor na hindi talaga nagtutuloy o nagpo-flourish ’yong something.”

“Might as well stay as friends na lang,” kwento ni Chad na sinabi ng kanyang mga possible suitors.

Dagdag na kwento naman niya na totoo rin naman kasi minsan na nakaramdam siya na ginamit lang siya ng lalake. Gaya nalang noong isa niyang ex-boyfriend na pinatira siya sa bahay ng pamilya nito. 

Aniya, libre nga ang bahay pero halos sagot naman niya lahat ng gastos.

“So, ayun. Parang ako ’yong bumuhay ng buong family,” kwento niya. “Tapos nahuli ko din siya [na nagloko]. Karma ko.”

Di man ka-kinisan ang naging past ni Chad, mukang ang parating na 2020 ang magpapatotoo sa pangalan niyang Chad Kinis.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.