Chad Kinis, naglabas ng saloobin matapos “mahusgahan” ang Tililing movie poster nila

PHOTOS: @chadkinis & @vincentimentsofficial on Instagram

PHOTOS: @chadkinis & @vincentimentsofficial on Instagram

Nagpahayag ng kanyang saloobin ang komedyanteng si Chad Kinis hinggil sa online uproar regarding the movie poster ng upcoming movie na Tililing

Isa si Chad sa bida ng pelikula - kasama sina Ms. Gina Pareno, Baron Geisler, Candy Pangilinan, Donnalyn Bartolome at Yumi Lacsaman - na idinerek ni Darryl Yap at co-produced naman ng Viva Films at VinCentiments.

Mula kasi nang i-release ang movie poster sa social media noong February 6 ay umani ito ng samu’t saring reaksyon at nag-spark ng debate online. 

At kabilang sa mga kumukuwestiyon sa poster ay ang aktres at psychology student na si Liza Soberano

Punto ni Liza, seryosong usapin daw ang mental health at hindi dapat ginagawang biro. 

Maayos naman itong sinagot ni Direk Darryl at ng aktor na si Baron Geisler. 

At ngayong araw, February 9, ang comedian and vlogger naman na si Chad ang naglabas ng kanyang saloobin sa social media sa mga tinangap nilang panghuhusga sa kanilang pelikula. 

“Sinasabi niyo na MENTAL ILLNESS IS NOT a joke and yes I strongly agree,” pamimula n’ya sa kanyang mahabang Facebook post. 

“Pero hinusgahan niyo agad ang pelikulang TILILING dahil sa poster pa lamang. Dahil ang tingin niyo dyan ay JOKE.”

Sey pa n’ya, seryoso daw sila at hindi nagpapatawa sa kanilang inilabas na movie poster.

“Well, we are not joking sa poster na yan. Nasa inyong pag iisip at interpretation ang problema dahil kayo mismo ang nagsasabi na joke at katawatawa ang poster namin,” matapang n’yang pahayag. 

Bwelta pa ni Chad, marami daw ang bumabatikos sa movie poster pero ang mga ito rin mismo ay ginagawang biro ang mental illness.  

“Yung iba ang hilig magsabi na MENTAL ILLNESS is not a joke pero mismo sila din ang mahilig magsabi sa ibang tao na ‘nababaliw ka na ata,’ ‘hala nasiraan na,’ ‘nawalan na ng bait’ at iba pa. 

“You won't see the poster funny or even a joke if you really care for those who are suffering from mental illness because you look at them as equals.”

Paghahalimbawa pa ni Chad ay ang pagtangkilik at panonood ng foreign movies na may kinalaman sa mental illness at violence at wala namang sey tungkol dito pero ganu’n na lang kung husgahan ang kanilang upcoming film  gayong hindi pa ito naipapalabas. 

“Many people watched JOKER and yet they are ok with it,” lahad n’ya. “A person with mental illness dressed as a clown and doing random violence to terrorize Gotham city. Some even dresses up as him. 

“Some are fans of Suicide squad specially Harley Quinn who is also suffering from mental illness. But then others judged the poster as if they already know the entirety of the film.”

Pagtitiyak pa n’ya, hindi daw sila tatanggap ng project na alam nilang makasisira o makasasakit sa mga taong na-diagnose na may mental illness.

“Kami po kasama ang mga artista na nasa pelikulang TILILING ni Darryl Yap ay hindi tatanggap ng isang proyekto na alam naming ikakasira ng mga taong nagdadaan sa MENTAL ILLNESS.

“Ako po mismo ay dumaan na din dati sa depression,” pag-amin pa n’ya. “Ganun din ang iba kong kasamahan ay may pinagdaanan o pinagdadaanan na may kaugnay sa MENTAL HEALTH. Pero we accepted to do this film because we strongly believe in the message that it will convey.”

Kung may dapat man daw ayusin sa issue na ito, 'yon ay ang pagiging judgmental ng mga tao. 

“Isa lang po ang dapat matigil na MENTALIDAD dito sa ating banda ang JUDGEMENTALITY,” dagdag litanya ni Chad. 

“Yung mga JUDGEMENTAL people ang nagpapalala ng mga situation by getting offended with something they don't truly understand or not even related to something. 

“Before you criticize a film and be offended make sure to see the whole thing. Haven't you learned anything from the cliché ‘DON'T JUDGE A BOOK BY ITS COVER’[?] 

“You want awareness. This is a film that you should see. Try to shut your mouths first and try to open your minds while watching the movie then analyze everything. Weigh them. Then you'll understand the true message of DARRYL YAP's masterpiece, TILILING.”

Paglilinaw naman n’ya, ang mga sinabi n’ya sa kanyang post ay para lamang sa mga taong ginawang basehan ang kanilang movie poster para i-judge kaagad ang kanilang pelikula na set to be released pa lang. 

“This post is for those who judged the content of the film by our poster. Not for those who are looking forward to see the content and see the message of the film,” sey pa ni Chad. 

 

Sinasabi niyo na MENTAL ILLNESS IS NOT a joke and yes I strongly agree. Pero hinusgahan niyo agad ang laman ng...

Posted by Chad Kinis on Monday, February 8, 2021

Nilinaw din n’ya sa comment section na hindi si Liza ang pinatutungkulan n’ya ng kanyang FB post. May isa kasing Netizen na nagsabing ang aktres daw ang binabanatan ng komedyante.

“I never mentioned her, this is a general post for those who are judging the content of the film by its poster. Basically, its not Liza. She is looking forward sa content ng film,” lahad ni Chad. 

SCREENSHOT: @chadkinis on Facebook​​​
SCREENSHOT: @chadkinis on Facebook

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Liza Soberano, hindi natuwa sa movie poster ng “Tililing”; Direk Darryl Yap, may sagot sa aktres

Baron Geisler pleads to netizens not to bash Liza Soberano for her statement on “Tililing” poster

Beks Battalion na sina Lassy Marquez, MC Muah, at Chad Kinis, niregaluhan ni Megastar Sharon Cuneta ng living room, dining room, at bedroom showcase!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.