Chad Kinis, naiyak sa thought na mawawala ang Beks Battalion

Sakali man daw magkawatak-watak silang beks Battalion, sinisiguro ni Chad Kinis na may maiiwan silang magandang legacy as a group.  “Kami po p’wedeng mawala sa mundong ito pero sinisigurado po namin, gusto namin we want our legacy bilang Beks Battalion will not be lost forever.”

PHOTOS: Pikapika Showbiz on YouTube & Melo Balingit

Sakali man daw magkawatak-watak silang beks Battalion, sinisiguro ni Chad Kinis na may maiiwan silang magandang legacy as a group. “Kami po p’wedeng mawala sa mundong ito pero sinisigurado po namin, gusto namin we want our legacy bilang Beks Battalion will not be lost forever.”

 

Hindi naiwasang mapaluha ng komedyanteng si Chad Kinis sa thought na mabubuwag ang grupo nilang Beks Battalion ng mga kaibigan n’yang sina MC Muah at Lassy Marquez

Naganap ang hindi inaasahang pagtulo ng luha ni Chad sa ginanap na media conference nila last July 22 para sa upcoming August live concert nilang tatlo na Beks 2 Beks 2 Beks

Masasabing matibay na nga ang samahan ng beki trio na nagsimula pa noong active pa sila as stand-up comics sa mga kilalang comedy bars.  

Kaya naman natanong sila ng entertainment press kung ano ang sasabihin nila sa isa’t isa kung bukas, hypothetically, ay wala na ang Beks Battalion. 

Unang sumagot dito si Lassy at sinabing magpapasalamat s’ya sa pagkakaibigan nilang tatlo nina Chad at MC. 

Maraming salamat sa kanilang dalawa dahil napakalaking bahagi n’yo sa puso ko, sa buhay ko,” mensahe n’ya sa dalawang co-members. 

Maliban sa friendship, nakakuha daw ng support system itong si Lassy mula kina Chad at MC pag dating sa pagpapakita ng kanyang talent on stage, online, at sa pelikula.

Maraming salamat sa pagmamahal na hindi n’yo ipinagkait sa akin, sa tiwala na ibinigay n’yo sa akin, sa kakayanan ko, sa talento ko na kaya ko palang gawin ito, na hindi lang ako basta komendyante kundi bilang tao at bilang kaibigan. At hindi ko makakalimutan ito hanggang sa pagtanda ko. Maraming salamat,” patuoy na lahad n’ya. 

For MC naman, hindi daw n’ya maisip na mawawala ang grupo nila, at kung mangyari man ’yon, mananatili s’yang grateful sa pagkakaibigan nila. 

Parang hindi ko maisip kasing wala ’yong Beks Battalion… Pero laging s’yempre, pasasalamat, hindi mawawala ’yon,” aniya. 

Marami daw kasi silang na-achieve nang magkakasama. Isa na dito ang pagsisimula ng trend sa mga komedyante na mag-set up na din ng kani-kanilang YouTube Channels. 

Parang ’yon lang ang p’wede kong masabi sa Beks Battalion dahil ang Beks Battalion ang nagmulat sa mga stand-up comedians na mag-vlog din,” pagbibida ni MC. 

Parang kami ang naging pamantayan at nagturo sa kanila na hindi lang pagiging komedyante sa comedy bar ang p’wede natin pagkakitaan at maging buhay. 

P’wede rin itong channel na ito, itong vlog na ito, itong YouTube na ito. Meron din tayong space o lugar para dito.

Dagdag pa n’ya, “Kaya ako siguro, walang katupasang pasasalamat. Salamat sa kanilang dalawa [Chad and Lassy] in many ways. ’Yon lang siguro ang masasabi ko. Salamat talaga.

Gaya ni MC, hindi rin daw maisip ni Chad na mabubuwag silang tatlo nina MC at Lassy. 

Hindi ko maisip talaga na [mawawala ang Beks Battalion]. Para sa akin, ’yon din ang masasabi ko, pasasalamat. Pero ako, naniniwala ako na kahit ilang bukas pa ang dumating hindi po mawawala ang Beks Battalion,” sagot n’ya. 

At sa puntong ito na s’ya napaluha. 

P’wede po kami mawala pero… Naiyak ako,” saad n’ya. 

Hindi daw kasi talaga pumasok sa isip n’ya na darating ang panahon na magkawatak-watak silang tatlo dahil ang pagkakabuo daw nila ang itinuturing n’yang isa sa happiest phase ng buhay n’ya. 

“’Yong pinakamasayang parte ng buhay ko kasi nu’ng nakasama ko sila at nabuo ang Beks Battalion,” ani Chad.

And if ever man daw na dumating nga ang araw na madi-disband sila, sisikapin daw nila ngayon pa lang na may maiiwang tatak ang kanilang grupo. 

Kami po p’wedeng mawala sa mundong ito pero sinisigurado po namin, gusto namin we want our legacy bilang Beks Battalion will not be lost forever,” pagtitiyak n’ya.

At dahil napaiyak nga nang hindi sinasadya, inasar pa ni MC si Chad. 

Pupunta sa mga butas-butas mo ’yan [luha],” natatawang pang-aalaska ni MC. 

Natatawang gatong naman ni Lassy, “Baka pumasok ’yan ha. ’Wag kang yuyuko baka maging pandilig.

Natawa tuloy ang press people sa hirit ng dalawa.

Depensa naman ni Chad, “Hindi po ako iyakin sa amin. Si MC po talaga. Natiyempuhan lang po talaga ako. May mga pagkakataon po kasi ’yong mga ganyang bagay na ayaw kong maisip tapos nasasagi.”

Pag-uulit pa n’ya, “Ayon po, lagi ko sinasabi, ’yong Beks Battalion kailangang mag-leave ng marka na p’wedeng sundan ng iba.”

Dagdag naman ni MC, si Chad daw kais ang pinaka-bunso nila at pinaka-clingy talaga sa kanilang tatlo kaya daw siguro ito napaluha.

Samantala, ang riot live concert ng Beks2Beks2Beks concert ng beks Battalion ay magaganap on August 26, 8PM, sa New Frontiers Theater. So far ay labing isa na ang naka-line up na guests nila including Vice Ganda at Zeinab Harake.

For more infos and ticket inquiries, please visit the Viva Live Facebook and Instagram: @vivaliveofficial

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

MC Muah, may mabigat na dahilan kung bakit hindi nagse-celebrate ng birthday

Chad Kinis, naglabas ng saloobin matapos “mahusgahan” ang Tililing movie poster nila

Lassy Marquez, excited na ipakilala ang fresh-from-Saudi’ng d’yowa na si “Habibi” kina Chad Kinis at MC Muah

Komedyanteng si Chad Kinis, napaiyak matapos magka-COVID dahil sa paghiram ng lip balm

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.