Nasa bucket list ng tinaguriang Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga ang makatrabahong muli ang comic icon na si Joey de Leon.
Ito ay sa kanila ng hindi naman maikakailang pagkaroon sila ng di pagkakaunawaan noon bungsod ng pag-alis niya sa Eat Bulaga at pag-o-ober da bakod sa ABS-CBN.
Gayunpaman, masaya raw siya dahil naresolba na ang kanilang conflict noon ng beteranong TV host. Katunayan, nang buuin niya ang kuwento ng My Teacher, wala raw siyang ibang nasa isip na makapagbibigay sa hustisya sa role ni Solomon kundi ang nag-iisang Joey de Leon.
Aware naman daw siya na isang seryosong aktor si Joey na masyadong mahal ang kanyang craft.
Dagdag pa ni Toni, ito raw ay masasabi rin niyang ehemplo ng pagiging propesyunal.
Bilang katrabaho, saludo raw siya work ethic nito.
“Sobrang excited kami sa set pag dumarating si Tito Joey. Si JDL, si Sir JDL na siya ngayon. Unang-una, very professional siya. Lagi siyang dumarating 30 minutes before call time. Sobrang aga niya sa set. Tapos, pag labas niya ng tent, alam na niya iyong lines niya, memorized na niya. Nahihiya pa nga kami kasi kaming mga bagets, minsan kami pa ang nakakalimot ng lines. Pero si JDL, two pages memorized niya, tapos take one pa.
"Then change camera, take one pa rin,” kuwento niya. “Pero ang dami nang natutunan namin sa kanya sa set. Lagi ngang sinasabi ni Paul after the shoot, sabi niya, iyan daw ang baunin namin sa kanya. Iyong professionalism at passion na meron si Sir Joey sa set...doon mo makikita why he’s an icon. That’s why he’s an icon, he’s a legend...Kung bakit tumagal siya sa industry because of the respect that he gives hindi lang sa mga katrabaho, but to the work itself. Iyon ang masarap pag katrabaho si Sir Joey,” pahabol niya.
Ang My Teacher ay inspired daw ng tunay na kuwento ng isang security guard na nagtapos na magna cum laude na nakapanayam niya sa kanyang online talk show na Toni Talks.
Dagdag pa ni Toni, gusto rin daw niyang bigyan ng pagpupugay ang mga guro kaya iprinudyus nila ang My Teacher para magsilbing inspirasyon sa lahat.
"Kasi sila 'yong unsung heroes ng society na parang ang gandang bigyan ng tribute dahil for several years nagturo sila from online to face-to-face and now going back to the new normal.
"Ang laki rin ng adjustment na ginawa nila. Kaya wish ko na magkaroon tayo ng pelikula ng magigiting na mga ina at guro natin sa ating bansa," paliwanag niya.
Sa My Teacher, binibigyang-buhay ni Toni ang papel ni Emma Bonifacio, isang OFW na naging mailap ang kapalaran abroad. Sa pagbabalik niya sa bansa, tatanggapin niya ang hamon na turuan ang mga mag-aaral ng San Roque National High School na kinabibilangan ng senior citizen na si Solomon. (Joey de Leon)
Ang pelikulang ito na hitik sa puso, komedya, at drama ay mapapanood na simula sa Disyembre 25, Araw ng Pasko sa mga sinehan sa buong bansa.
Mula sa direksyon ni Paul Soriano, kasama rin sa MMFF movie na ito ang kilig na loveteam na LoiNie nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.
Kasama rin sa cast sina Rufa Mae Quinto, Carmi Martin, Kakai Bautista, Pauline Mendoza, Kych Minemoto, Hannah Arguelles, at Isaiah Dela Cruz.
YOU MAY ALSO LIKE:
Toni Gonzaga, hoping na masundan na si Seve next year
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber