Cherie Gil, handang harapin ang consequences ng pagba-back out sa isang teleserye

PHOTOS: @cheriegileigenmann on Facebook

PHOTOS: @cheriegileigenmann on Facebook

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagba-back out ni Cherie Gil sa kinabibilangan n’yang teleserye. Ito ay kahit umano nasa kalagitnaan na sila ng production at nakunan na ang marami nilang eksena sa kanilang mga naging lock-in tapings.

Sa kanyang verfied Facebook page nitong Sabado, May 8, nagkaroon nang mahabang post ang beteranang aktres na tila tungkol sa pag-alis n’ya sa isang project.

“There comes a time in your life when you have to make a very important decision albeit difficult and even painful,” panimula n’ya sa kanyang FB post . “Finding a balance is crucial especially when held back by circumstances that don't foster mental, emotional and spiritual growth.”

Aniya, hindi raw impulsive decision ang kanyang ginawa. Bagkus ay pinag-isipan niya nang malalim at matagal at sinamahan pa umano ng dasal para humingi ng signs or guidance.

“I found myself in such a situation. And believe me, it wasn't impulsive as I tend to be in the past,” she went on. “It took a long excruciating process to look at the whole situation through the lenses of critical thought, analysis, neuroses, counsel, reflection, meditation and most of all prayer.

“Finally, the signs were everywhere and it couldn't be any clearer.”

Pag-amin nang mahusay na aktres, gusto daw sana n’yang magampanan ang kanyang karakter hanggang sa matapos ang kanilang project pero marami daw s’yang naging tanong sa kanyang sarili. 

“To my deep sadness, I finally had to leave a soap half way through,” aniya. “And to be honest, for a committed actor such as myself, I would have wanted to see my character within the story till its end.

“It is during these most uncertain times that propelled me in fact to revisit and question my WHY in all that I do from here on.”

Dagdag pa ni Cherie, mahal niya ang pag-arte lalo pa’t 48 years na niya itong ginagawa. Pero tila may pahiwatig ang actress sa hindi umano pagmi-meet ng mga expectations.

“Was It all really worth it, I ask myself,” tanong ng ace actress sa sarili. “The time, the energy, the heart, the tears , the sleepless nights and long hours, the devotion, the dedication, the respect and reverence invested to the work?

“It is disheartening and blatantly frustrating when it isn't seen and met in the same light and given equal energy. I have always believed that any form of creativity blossoms from collaboration and a unified goal. 

“The whole process of this work is SACRED to me. Without this process, there is no joy to be found, no minds to learn from and no point!”

Hindi na tinukoy ng repetadong aktres kung ano tunay na naging problema sa loob ng production. Pero aniya, naniniwala siyang walang shortcut sa anumang bagay sa buhay.

“As I have always been told, THERE ARE NO SHORT CUTS. In anything. Otherwise, we limit ourselves from our potential and will only lead to chronic mediocrity.”

Gayunpaman, wala daw s’yang nararamdamang pagsisisi sa kanyang naging pasya. 

“But the one thing I am sure, is that I HAVE NO REGRETS,” ani Ms. Cherie. “Is it now all worth it? Well... It better be. I have to constantly remind myself that it was. 

“Just as the layers of the many characters I have had to shed each time I ended a film, a play or a tv series before, this is that one more layer I am shedding. Perhaps, the most necessary and important one.”

Nakahanda rin daw s’yang harapin ang consequences ng kanyang ginawang hakbang.

“I know I will be paying the price for this as there may be a lot at stake,” aniya. “But I am willing and ready now to settle the deal and move forward. Towards what, I am still figuring out but it is the uncertainty that makes it all the more exciting and l am looking forward. 

“I am now leaving those pieces behind that don't serve anymore. I have held on too long for reasons that were good until this moment. Am I going to loose my shirt along the way being single and middle aged ? Perhaps I will. 
BUT....

“I am BECOMING. For better or for worse, I AM,” pagtatapos ni Cherie. 

 

There comes a time in your life when you have to make a very important decision albeit difficult and even painful....

Posted by Cherie Gil on Friday, May 7, 2021

Bagama’t walang binanggit ang aktres kung anong project ang kanyang iniwan, usap-usapan online na ito ang upcoming Kapuso teleserye na Legal Wives na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Ayon sa post ng Legal Wives Facebook page last March, ginagampanan dito ni Ms. Cherie ang role na Zaina, isang babaeng Maranao na s’yang ina ng character ni Dennis na si Ismael. 

 

Ang mag inang Ismael at Zaina. Kaisa isang anak ni Zaina at kaniyang pinaka mamahal si Ismael. Tunghayan kung hanggang...

Posted by Legal Wives on Thursday, March 25, 2021

As of this writing ay wala pang inilalabas na statement ang pamunuan ng upcoming cultural series o ang GMA Network hinggil sa bali-balitang pag-alis ni Cherie Gil sa Legal Wives.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dahil sa dami ng mga pabaon ng girlfriend na si Jennylyn Mercado para sa lock-in taping niya, Dennis Trillo, nag-reak: "Parang ayaw na nga n'ya akong pauwiin."

Andrea Torres, aminadong may pinanghihinayangan sa taong 2020

Bianca Umali, thankful na tawaging “Epik-serye Princess” ng Netizens

Alice Dixson gets first dose of COVID-19 vaccine in Canada, has plans to get second shot in PH

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.