Chie Filomeno sa nagsabing mukha siyang bakla: “Don’t ever use ‘bakla’ as an insult.”

Kilalang supporter ng LGBTQIA+ community si Chie Filomeno at vocal siya sa pagsuporta n’ya sa mga miyembro nito. Kaya’t pinaalalahan n’ya ang kanyang mga followers na wag gayahin ang inasal ng isang IG user na nagsabing “pangit” siya at “mukang bakla.”  “Wag kayong tumulad dito,” aniya.

Kilalang supporter ng LGBTQIA+ community si Chie Filomeno at vocal siya sa pagsuporta n’ya sa mga miyembro nito. Kaya’t pinaalalahan n’ya ang kanyang mga followers na wag gayahin ang inasal ng isang IG user na nagsabing “pangit” siya at “mukang bakla.” “Wag kayong tumulad dito,” aniya.

Pinalagan ni Kapamilya actress Chie Filomeno ang isang netizen na walang prenong nagkomento sa kanyang hitsura in her latest photo shoot. 

Ipinasilip kasi ng aktres ang isang short clip ng kanyang shoot on her Instagram Story kahapon, June 21, kung saan makikitang fully glammed up s’ya na nagpo-project sa kanyang phone camera.

SCREENSHOT: @chiefilomeno on Instagram

Bigla na lang may isang Instagram user na diretsahang pumuna sa kanyang ayos at hindi maganda ang pagkaka-deliver nito. 

“Ang pangit muna girl Muka ka ng bakla (sad) (sic),” walang pakundangang pagdi-direct message ng netizen sa kanya.

Sinagot n’ya naman ito ng simpleng “Thank you.”

Pero hindi nagustuhan ng aktres ang pagdikit ng netizen sa salitang “pangit” at “bakla.” 

Tila pinalalabas kasi nito na kapag pangit ang isang tao ay mukha na agad s’yang bakla at ito ang hindi n’ya nagustuhan dahil degrading nga naman ito sa mga beki. 

Ini-screenshot ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate ang interaction nila at inilagay ito sa kanyang IG Story din, kung saan n’ya ito sinupalpal. 

“Don’t ever use ‘bakla’ as an insult,” talak ni Chie sa netizen. 

Pinaalalahan din n’ya ang kanyang followers sa inasal ng IG user by saying, “Wag kayong tumulad dito.”

At ang pang-huling bira n’ya sa nasabing netizen, “Nakakasuka ka.”

SCREENSHOT: @chiefilomeno on Instagram

Kilalang supporter ng LGBTQIA+ community si Chie at vocal siya sa pagsuporta n’ya sa mga miyembro nito.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Lea Salonga on what social stigma society should erase: “[T]hinking of LGBT as less than and undeserving of human rights.”

Pika's Pick: Chie Filomeno wows in 25th birthday post

Chie Filomeno urges public to aid displaced jeepney drivers

Chie Filomeno recalls being called "bayarang babae" on social media; Ricci Rivero recounts rumors of him being spread that he tested positive for drug use

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.