Chie Filomeno, sinupalpal si Valentine Rosales: “Tumigil ka ng clout chaser ka.”

Nagka-bardagulan sa Facebook si Chie Filomeno at ang online personality na si Valentine Rosales matapos sawayin ng aktres ang huli sa tila ibang pakahulugan sa comment nito sa photo n’ya sa kanyang lisensya.

PHOTOS: Chie Filomeno & @Valentinerosalesofficial on Facebook

Nagka-bardagulan sa Facebook si Chie Filomeno at ang online personality na si Valentine Rosales matapos sawayin ng aktres ang huli sa tila ibang pakahulugan sa comment nito sa photo n’ya sa kanyang lisensya.

Hindi nakapagpigil ang aktres na si Chie Filomeno sa online personality na si Valentine Rosales kaya nasupalpal n’ya ito sa Facebook kahapon, October 6.

Nagsimula ang lahat sa ipost na profile photo ni Chie from her driver’s license na pinick up at ini-repost ng ibang media pages, partikular na ang Manila Bulletin. 

May ilang netizens ang natuwa sa ID picture ni Chie na bagama’t seryoso s’ya sa black and white na photo ay lutang pa rin ang kanyang ganda.

However, may ilan din naman na nagtaas ng kilay at kinuwestiyon kung bakit naka-hikaw ang dalaga sa nasabing photo. 

Usually daw kasi, sa mga ordinaryong mamamayan, ay hindi pinapayagan ang paglalagay ng make-up, lalo na ang pagsusuot ng earings, sa mga photos para sa lisensya at passport. 

Isa sa mga nagkomento sa post ng Manila Bulletin ang online personality na si Valentine Rosales.

(Si Valentine Rosales ang isa sa mga naakusahan sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong December 31, 2020 pero napawalang-sala ng Makati Prosecutors Office noong April 2021.)

“Kala ko si Ano…” nakakabiting pahayag ni Valentine sa kanyang comment. 

SCREENSHOT: @manilabulletin on Facebook

Hindi naman pinalagpas ni Chie ang tila may ibang pakahulugan na comment ni Rosales at pinagsabihan n’ya ito na tigilan na ang pagpapapansin sa social media.

“Valentine Rosales alam mo tumigil ka ng clout chaser ka. Let her rest in peace please,” saway ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate.

Game namang sumagot si Rosales sa sinabi ni Chie kaya nagka-bardagulan sila sa comment section.

“Chie Filomeno haaa? Kala ko si Nadine! Ano ba sinasabi mo?” balik-tanong nito sa aktres.

Bumanat pa ito sa pagsusuot daw ni Chie ng mga hikaw sa kanyang photo.

“Chie Filomeno, mass magaling ka padin naka pag earings ka nga sa Pic Kahit bawal eh,” saad ni Rosales. 

Sagot naman sa kanya ni Chie, “Valentine Rosales ayan na comeback mo? Sa passport BAWAL hikaw. Sa DL [driver’s license] kaya wag lang sa lalaki.”

However, hindi pa rin nagpatalo ang online personality. 

“Chie Filomeno Iba talaga pag may special treatment congratulations! Drive safety,” panunuya nito kay Chie.

SCREENSHOT: @manilabulletin on Facebook

Sa kanya namang Facebook post, kahapon pa rin, iginiit ni Chie na dumaan s’ya sa tamang proseso tulad ng ordinaryong mamamayan at hindi umano n’ya ginamit ang kanyang “celebrity card” para mabigyan ng special treatment. 

“WALANG ARTISTA ARTISTA DITO! KALOKA. Nakakarindi yung mga comment na ‘porket artista ganito ganun.’ Hindi po ganun yun. At hindi gagawin ng mga trabahante ng DFA and LTO ang may pa ‘special treatment,’” pagtutuwid ng aktres. 

Nag-research din daw s’ya sa mga rules kung ano ang puwede at hindi para maging presentable s'ya sa kanyang IDs. 

“Uhm salamat sa tiktok sa mga tips na napanood ko at NAG BABASA ako ng email ng DFA about sa kung ano ang PWEDE at BAWAL,” aniya.

“Sa drivers license pwede naman naka makeup wag lang nakakabulag na makeup at swede mag hikaw wag lang pang Merry Christmas na hikaw. 

“Okay na po ba? Let people enjoy things. Gusto ko presentable ako sa ID photos ko, kaya nag eeffort po ako,” pagtatapos ni Chie. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Chie Filomeno wows in 25th birthday post

Chie Filomeno recalls being called "bayarang babae" on social media; Ricci Rivero recounts rumors of him being spread that he tested positive for drug use

Anak ni Claire dela Fuente na si Gigo de Guzman, depressed, baon sa utang, at laging rejected sa paghahanap ng trabaho

Anak ni Claire dela Fuente na isa sa akusado sa Christine Dacera Rape-Slay Case, itinanggi ang paratang

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.