Chienna Filomeno, kinailangan magpa-nose job

PHOTO: @chiefilomeno on Instagram

PHOTO: @chiefilomeno on Instagram

Inamin ng young artist na si Chienna Filomeno na nagpa-nose job ito habang guest sa isang Filipino talk show “Tonight with Boy Abunda” kamakailan.

Paglinaw ni Chie, ilong lang daw ang pina-enhance ng artista at hindi for vanity ang pag-undergo niya ng plastic surgery dahil kinailangan niya talaga ito.    

Nakapanayam namin ang aktres sa media conference ng kinabibilangan niyang girl group sa “It’s Showtime” na kilala as GirlTrends, na ngayon ay tinatawag ng GT para sa launch ng kanilang debut single dubbed “Breakthrough” na ginanap sa Quezon, City noong May 10.

Kwento niya, “There’s a story behind it [nose job] kasi noong pinanganak ako. I was born in Japan, gusto ni mommy normal delivery. It took her siguro whole day mag-labor, hindi kaya, 50-50 na kailangan ko na lumabas, so emergency CS (Caesarean Section) ako.

“Since emergency, ‘yung doctor paghiwa niya, natamaan ang ilong ko. Tapos sabi nila magre-regenerate daw kasi baby pa din naman ako so okay sige, tapos 14 [years old na ako], wala, hindi pa din tumubo ‘yung buto. Si mommy ko, daddy ko, lahat matangos ang ilong so ‘yun sa akin tinamaan. If you can see there‘s a scar here. ‘Yun ang tama ng scalpel.” banggit niya.

Dagdag pa ng 22-year-old na modelo, very open and brave siya sa pag-amin sa publiko dahil mas naging confident pa siya at mas nakatanggap siya ng projects after the surgery.  

Nagbitaw din ng mensahe si Chienna kung bakit hindi dapat ikahiya ang plastic surgery, “We live in the world na some people are close-minded when it comes to surgery, enhancing sa face mo na gusto mong maging confident. Kung nagawa mo man yun, it doesn’t make you less of a person. Kung ikaka-confident mo yun, why not do it? Kasi yun yung magpapasaya sayo and alam mo what’s best for you.”

15 years old ang race car driver ng mapagdesisyon niyang ipaenhance ang kanyang ilong.  

Watch GT’s first-ever single down below:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.