Chito Miranda, bilib na bilib sa misis na si Neri Naig na nagpapabakod na sa nabili nitong bukid

PHOTOS: @chitomirandajr on Instagram

PHOTOS: @chitomirandajr on Instagram

Proud na ibinida ni Chito Miranda ang kanyang asawang si Neri Naig sa bago nitong achievement despite of the ongoing pandemic. 

Sa Instagram post ng Parokya ni Edgar vocalist kahapon, April 7, pinuri n’ya si Neri dahil natupad at napanindigan nito ang desisyon na bumili ng lupa. 

Kasunod ito ng IG post n’ya last October 2020 kung saan sinabi n’yang na-inspire s’ya sa kanyang asawa matapos nitong mabili ang 6,000 square meters na lote at ngayon ay pinababakuran na nito. 

“Binabakuran na ng babaeng binakuran ko yung bukid na binili nya,” pa-kwelang pagbabandera ni Chito sa kanyang asawa. 

“Naaalala ko pa nung una nyang sinabi sa akin na balak nyang bilin yung lupa sa likod ng resthouse namin.”

His IG post came with a photo of Neri na nakatayo sa isang bakanteng lote.

Pag-amin pa ng singer-songwriter, naging skeptical daw s’ya sa planong ito ng kanyang asawa noon dahil ayaw daw n’yang mapasubo sila sa malaking bayarin, or worst, mabaon sa utang. 

“Initially, I was honestly unsure kung kaya nya bang bayaran ito,” pagre-recall ni Chito. “And I kept on reminding her to really think about it first, at aralin nya muna yung financial capacity at capability nya, at wag syang pabigla-bigla kasi ayokong mapasubo sya na tipong magda-down sya tapos di na nya mababayaran yung remaining amount."

Diin pa n’ya, “Ayokong mastress sya, at mas lalong ayaw ko na mabaon sya sa utang.”

Naging firm naman daw si Neri sa desisyon nito at talagang tinarget na mabili ang lote.

”Ang sabi nya lang is pangarap nya talaga ito bilin, and ibubuhos nya yung buong energy nya para matupad ito,” k’wento pa ni Chito.

”And even though I was hesitant, we sat down and discussed her plan, tapos pinag-aralan namin yung kakayahan nya magbayad based sa kinikita mula sa iba't-ibang mga negosyo't online businesses nya.”

Tsika pa n’ya, naging maganda daw ang kinalabasan ng pag-uusap ni Neri at ng may-ari ng lupa kaya naging smooth ang naging business terms and transaction nila. 

“Kinausap nya yung may-ari ng lupa, and naki-usap sya na kung pwede ba daw na hulugan, and I was pleasantly surprised na pumayag sila sa terms ni Neri.”

Kaya naman ganu’n na lang daw ang bilib ni Chito sa wais n’yang misis. 

“Again, she showed me how it should be done: Dream big. Work hard. Focus on your goals, and Never give up,” share pa n’ya. “Bilib na bilib talaga ako. Naalala ko nga parang pinost ko pa yun eh.”

October last year, kahit may ongoing pandemic, ay na-fully paid ng aktres ang bayad sa farm at napasakanya ito.

Excited na din daw si Chito sa mga plano ni Neri sa nabili n’yang lote. 

“Anyway, balak nya daw ito gawing farm, tapos magtatanim daw sya ng sili at carrots para sa gourmet tuyo nya (para di na daw sya bumili), tapos lalagyan nya daw ng kubo para may bago kaming tambayan. Bibili din daw sya ng mga manok at hopefully daw ay mangitlog,” lahad pa n’ya sa IG post.

“Sobrang excited talaga ako sa mga binabalak, pinaplano, at mga pinapangarap nitong babaitang 'to...basta ako steady lang, at todo support lang palagi hehe!”

Pahabol na biro pa ni Chito sa kanyang misis, “Bahala ka na sa buhay ko.”

Congratulations, Neri and Chito!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Neri Miranda gives inspiring words on starting a business, denies getting capital from husband Chito as accused by netizen

Chito Miranda responds to a Netizen asking who’s better between Parokya ni Edgar and Kamikazee?

Neri Miranda on people making fun of her business strategy: “My strategies work for me obviously…”

Neri Miranda shares how she healed after experiencing miscarriage four years ago

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.