Chris Hemsworth, iiwan muna ang Hollywood

(Right Photo:) Chris with wife Elsa Pataky

PHOTOS: @chrishemsworth on IG

(Right Photo:) Chris with wife Elsa Pataky

Mukhang magla-lie low muna sa paggawa ng pelikula ngayong taon ang Marvel film star na Chris Hemsworth.

Pagkatapos ng mega-blockbuster na Avengers: Endgame, ang upcoming sci-fi action-comedy na Men In Black: International at ang Netflix film na Dhaka, tumanggi muna si Chris na tumanggap ng iba pang movies dahil mas gusto niyang makasama ng matagal ang kanyang wife na si Elsa Pataky at ang mga anak nila na sina India Rose (7), Sasha (5) and Tristan (5).

Ayon sa Australian actor, na nakilala bilang ang Marvel superhero na si Thor, higit na isang taon siyang nasa movie set at iba't ibang film locations. Gusto niyang magpahinga naman kasama ang kanyang pamilya sa Byron Bay, New South Wales.

"This year I probably won't shoot anything. I shot (Netflix movie) Dhaka at the start of the year. I just want to be at home now with my kids. They are at a very important age. They are still young and they are aware when I leave more than before," sey ni Chris.

Sa isang naging interview ni Chris with GQ noong August 2018, sinabi niya na nahihirapan siyang magpapaalam sa kanyang mga anak tuwing aalis siya for a film shoot abroad for several months. Nakikita raw niyang nalulungkot ang kanyang panganay na si India Rose na sobrang attached sa kanya.

"She's normally like, 'Yeah, see you, Daddy. Cool.' This time she was like, 'Papa! Papa! Papa!' She doesn't always call me Papa, either," diin pa ng aktor.

Dahil parating sa North America ang shoot ni Chris noon, dinala niya ang kanyang pamilya sa Los Angeles, California para mas malapit na sila. 

Pero after na ma-purchase ni Chris ang isang  property worth $7.2 million sa NSW coastal town in 2014, bumalik sila sa Australia dahil sa pagtapos ng kanilang mega-mansion in 2017.

Inabot ng $20 million ang pag-construct ng multi-level hilltop complex ng Hemsworth Family. 

Ang pinakamaganda raw sa palatial property ni Chris ay ang stunning panoramic view over the idyllic Broken Head Nature Reserve.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Avengers: Endgame, second highest-grossing film of all time na!

#DontSpoilTheEndgame

GoT star Kit Harington, naka-rehab

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.