Christine Bermas at Chloe Jenna, nagka-gulatan na may girl-to-girl love scene pala sila; “successful naman,” say ni Christine

Para maitawid ang girl-to-girl love scene with Christine Bermas, iniisip na lang daw ni Chloe Jenna na crush n’ya ang kanyang kahalikan at hindi si Christine.  “Ang funny kasi ng naging process ko. I tried my best na mag-internalize tapos mag-substitute talaga. Like, sabi ko nga kay Christine, ‘Iisipin ko ikaw ’yong crush ko talaga.  “Kasi as much as possible, gusto kong burahin sa isip ko talaga na girl to girl dahil first time ko ’to at hindi ko akalain na gagawin ko ’yong scene that moment.”

PHOTOS: Viva

Para maitawid ang girl-to-girl love scene with Christine Bermas, iniisip na lang daw ni Chloe Jenna na crush n’ya ang kanyang kahalikan at hindi si Christine. “Ang funny kasi ng naging process ko. I tried my best na mag-internalize tapos mag-substitute talaga. Like, sabi ko nga kay Christine, ‘Iisipin ko ikaw ’yong crush ko talaga. “Kasi as much as possible, gusto kong burahin sa isip ko talaga na girl to girl dahil first time ko ’to at hindi ko akalain na gagawin ko ’yong scene that moment.”

Inamin ng sexy-drama actress na si Christine Bermas na nailang s’ya makipag-love scene sa kapwa n’ya babae.

Sinabi n’ya ito sa virtual media conference nitong August 5 para sa upcoming movie n’ya na Lampas Langit, directed by singer-actor and director Jeffrey Hidalgo

Napanood kasi sa trailer ng pelikula na meron s’yang love scene sa showbiz newbie na si Chloe Jenna kaya natanong s’ya ng entertainment press kung paano s’ya naghanda para doon. 

Kung matatandaan kasi, puro lalaki ang mga nakasama ni Christine sa mga nauna n’yang Vivamax movies kaya magiging kakaiba ang eksenang iyon para sa mga manonood. 

Pag-amin ng aktres, iyon daw ang pinaka-unang beses na nagkaroon s’ya ng bed scene na babae ang kanyang katambal.

Ganu’n pa man, naging matapang daw s’ya na gawin ang eksena kahit pareho silang naiilang ng co-star na si Chloe. 

Hindi ako nag-research at hindi ganu’n [ka-establish] ’yong connection namin ni Chloe. Nu’ng ginawa namin s’ya, since first time naman namin ’to pareho, parang nandu’n ’yong ilangan namin ni Chloe. Parang both of us hindi kami prepared d’yan sa girl to girl na ’yan. Pero tinry na lang namin s’ya as new experience para sa aming dalawa din po. Naging successful naman ’yong ginawa namin ni Chloe,” ani Christine. 

Parang sa akin, parang hindi naman s’ya ganu’n ka-intense, ’yong girl to girl [scene]. Parang pine-fake namin ’yong scene. Parang ilang talaga kami sa isa’t isa. 

“Pero ’yon nga, since comfortable naman si Chloe, ginawa na lang namin para ma-experience na din, para sa amin ni Chloe,” pagtatapos ni Christine. 

For Chloe naman, iniisip na lang daw n’ya ang crush n’ya ang kanyang kahalikan at hindi si Christine para maitawid nila ang eksenang iyon. 

Ang funny kasi ng naging process ko. I tried my best na mag-internalize tapos mag-substitute talaga. Like, sabi ko nga kay Christine, ‘Iisipin ko ikaw ’yong crush ko talaga,’” pagtatapat ng baguhang aktres. 

Kasi as much as possible, gusto kong burahin sa isip ko talaga na girl to girl dahil first time ko ’to at hindi ko akalain na gagawin ko ’yong scene that moment,” saad pa n’ya. 

Napuri naman sila ng direktor nilang si Jeffrey dahil sa tapang nila na gawin ang eksena kahit pa hindi daw talaga ’yon kasali sa original script nila. 

Wala naman akong different approach kasi unang-una, ’yong mga artista ko napaka-professional nilang lahat. They did the instructions very well,” pahayag ng Viva director. 

Ang medyo tricky lang was, du’n nga sa girl-to-girl scene namin, first time ni Christine at first time din ni Chloe. Tawa sila nang tawa nu’ng sinu-shoot namin ’yong scene,” pagre-recall pa n’ya. 

Mabuti na nga lang daw at pumayag pa rin si Christine to do that scene kahit pa naibigay at naipakita na nito lahat sa previous film n’ya na Scorpio Nights 3 (na incidentally ay available na for streaming sa Vivamax).

“Special mention to Christine, thank you so much for doing this. Sabi ko nga, nag-revise kami. Wala actually ’yong since na ’yon before,” he said. 

Ni-revise ’yong scene and I think, ’yon nga, napag-usapan namin ni Raquel Villavicencio [the writer] na parang it adds to the darkness and ’yong pagiging mind fuck ng pelikula. It’s really that kind of film, e. Talagang pag-iisipin ka from start to finish, no chill [na pelikula] s’ya,” pagtatapos n’ya. 

Mapapanood ang Lampas Langit, na pinagbibidahan ni Christine Bermas kasama sina Chloe Jenna, Baron Geisler, Ricky Davao, Ivan Padilla, Milana Ikemoto, and Quinn Carrillo simula sa August 19 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

ON-THE-SET LOOK: Direk Joel Lamangan finds his new muse in Christine Bermas, his lead star in Moonlight Butterfly

Exclusive: Vince Rillon at Christine Bermas, mga laking-hirap na nakipagsapalaran at nagtagumpay sa showbiz

Christine Bermas, reserved off-cam, pero palaban sa pagpapa-sexy on-cam: “Kung kailangan mag-transform, go!”

LOOK: Christine Bermas in Peque Gallaga’s Scorpio Nights 3

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.