Cindy Miranda, naging emotional nang sariwain ang minsang pagka-adik niya sa pag-ibig sa isang lalaking ipinagpalit naman siya sa iba

Imbes na kuwestiyunin kung ano ang kulang sa kanya, na-realize daw ni Cindy Miranda na ang ex-boyfriend n’ya ang may pagkukulang at hindi s’ya. Hindi daw kasi nito nakita ang worth n’ya. “And feeling ko [it’s] God’s plan po. After that, you’ll meet someone better, someone who can make you happier, and make you laugh, I think.”

PHOTOS:@CindyMirandaOfficialFanPage on Facebook & Melo Balingit/Anna Pingol

Imbes na kuwestiyunin kung ano ang kulang sa kanya, na-realize daw ni Cindy Miranda na ang ex-boyfriend n’ya ang may pagkukulang at hindi s’ya. Hindi daw kasi nito nakita ang worth n’ya. “And feeling ko [it’s] God’s plan po. After that, you’ll meet someone better, someone who can make you happier, and make you laugh, I think.”

Hindi napigilang maiyak ng beauty queen-turned-actress na si Cindy Miranda nang balikan n’ya ang pag-iwan sa kanya noon ng dati n’yang boyfriend.

Nangyari ang hindi sinasadyang emotional moment na ito sa paunang media conference ng upcoming romantic comedy movie n’yang Adik Sa’Yo kung saan katambal n’ya si JM de Guzman.

Doon ay natanong kasi s’ya ng entertainment press, base sa title ng kanilang pelikula at sa role n’yang si Joy, kung may maibabahagi ba siyang karanasan ng pagka-"adik sa pag-ibig" at kung ano ang ginawa n’ya para sa isang lalaki dahil sa sobrang pagmamahal niya rito.

(Base sa movie trailer, matindi ang pagka-adik o pagkahumaling ng role niyang si Joy sa recovering drug addict na si Paulo, ang character ni JM.)

Dito, umamin si Cindy na naranasan n’ya noong maghabol sa isang lalaki.

Literal, hinabol ko po ’yong lalaki, parang si Joy [character ko sa movie]. Medyo bata pa ako nu’ng mga panahon na ’yon. Ayon, hinabol ko po. Iiwanan [ako], e. Hinabol ko,” matapang na pag-amin n’ya. 

"Sa ganda mong iyan, iniwan ka at pinagpalit sa iba?" giit ng nagtatanong.

Pero ayon kay Cindy, wala naman daw kasing assurance pag dating sa pag-ibig. Hindi daw exempted ang mga magaganda na masaktan at iwanan, kumbaga. 

Ang saklap nga po, e,” natatawang sabi pa n’ya. “I think, sa pagmamahal wala pong pinipili talaga, e. Maganda ka, guwapo ka o kung ano ka man palagi kang masasaktan.

Sa puntong ito ay nagsimula nang maging emosyonal si Cindy, lalo nang mausisa s’ya kung dumaan din ba s’ya sa point na tinatanong n’ya ang kanyang sarili kung bakit s’ya ni-reject o iniwan kahit na ibinigay n’ya sa relasyon ang lahat. 

Palagi kong sinasabi [sa sarili ko], ‘Pangit ka kasi kaya ka hindi gusto.’ Hahaha!” pagbibiro pa muna ng aktres.

Pero pag-amin n’ya, naramdaman umano n’ya that time na hindi s’ya enough kaya s’ya ipinagpalit sa iba. 

Ako naman po, nabubuhay naman po ako sa totoo...sa realidad—maraming mas maganda sa’yo. Maraming mas talented sa’yo. Maraming mas may K sa’yo. Palagi kang papalitan at papalitan,” diin ni Cindy. 

Pero palagi kong sinasabi sa sarili ko, ‘Kahit iwanan ako nang iwanan nang iwanan pa, mag-stick ka lang sa sarili mo,” saad pa n’ya.

At tuluyan na nga siyang napaiyak sa bahaging ito dahil bagama't realistic, aminado siyang nabuhay ang kanyang mga insecurities nu’ng nakita n’ya kung sino ang ipinalit sa kanya ng dati n’yang nobyo. 

S’yempre, masakit. Masakit po. Ang pangit sabihin na mas maganda ako sa kanya o hindi,” aniya. 

Masakit kasi hahanapin mo ’yong mali sa sarili mo kahit ayaw mong ikumpara ’yong sarili mo du’n sa tao. Hahapin mo, ‘Ano ’yong wala ako na meron s’ya?’”

Napagtanto naman umano n’ya later on na hindi s’ya ang nagkulang kundi ang ex-boyfriend umano n’ya dahil hindi nito nakita ang kanyang worth.

“I realized, hindi, hindi ako ’yong may kulang. S’ya lang ’yong hindi nakakalita nu’ng [meron] ako,” pahayag ni Cindy. 

“And feeling ko [it’s] God’s plan po. After that, you’ll meet someone better, someone who can make you happier, and make you laugh, I think,” she continued. 

’Yon lang naman po ’yong sa akin. Palaging, ‘Ah, kaya pala kami naghiwalay kasi may mas mami-meet pa ako.’

At dahil naiyak na at medyo malalim ang kanyang emosyon ay nausisa pa ang aktres kung recent lang ba ang pangyayaring inilahad n’ya.

Ang dating kasi ay parang fresh lang ito dahil sa kanyang pag-iyak. 

“No, no. I’m not even heartbroken this time. It’s just pag binabalikan ko po… Maybe I’m just so thankful na wala na ako sa relasyon na ’yon,” pagtutuwid ni Cindy.

“And thankful ako na…whatever, iniwan ako, pinagpalit ako...I think I’m happy kung nasaan po ako ngayon. Nandito po ako, may movie ako...I am happy,” pagtatapos n’ya. 

Samantala, mapapanood ang pelikula nina Cindy at JM na Adik Sa’Yo starting April 19 in cinemas nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Darryl Yap reveals Cindy Miranda is playing young Imelda Marcos in his Maid in Malacañang prequel

Cindy Miranda, naniniwalang pampa-init ng relasyon ang pagse-sex video between couples: “Basta ingatan n’yo lang ang mga cellphones n’yo.”

Cindy Miranda, gusto na ring makilala si Mr. Right pero matindi ang requirements

EXCLUSIVE: Cindy Miranda, mas pinangarap mag-artista more than maging beauty queen; goal magka-best actress trophy

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.