Cindy Miranda, naniniwalang hindi lang katawan niya ang bentahe ng first starring role niya

On bastos commenters: “Actually po hindi natin maiiwasan yang mga ganyan na talagang babastusin ka. May mga nababasa akong ganyan na bold movie daw, na puro kabastusan daw, kalaswaan...sana lang ’yong mga tao na nag-comment na ’yon, sana po panoorin muna nila.”

Photos: Vivamax

On bastos commenters: “Actually po hindi natin maiiwasan yang mga ganyan na talagang babastusin ka. May mga nababasa akong ganyan na bold movie daw, na puro kabastusan daw, kalaswaan...sana lang ’yong mga tao na nag-comment na ’yon, sana po panoorin muna nila.”

Sa story conference palang noong June ng pelikulang Nerisa, nadulas na ang bidang si Cindy Miranda na may love scene siya sa halos lahat ng lalaking cast ng pelikula at hindi lang sa leading man niyang Aljur Abrenica.

Bahagi raw iyong ng masalimuot na istorya ng sexy-drama’ng pelikula na kinuhanan sa Alabat island sa Quezon Province.

Kaya naman ngayong pino-promote na si Cindy ang pelikula ay napa-amin siyang hirap na hirap siya sa pelikulang Nerisa. Tila na-drain ang bida both emotionally and physically.

Daring at palabang Cindy ang binebenta ng pelikula na sa pakiramdam namin, kung si Cindy ang masusunod ay parang mas gusto niyang wag masyadong mag-capitalize sa mga love scenes at sexy scenes niya sa movie dahil beyond that naman daw ang mai-o-offer ng Nerisa lalo’t gawang Ricky Lee ang istorya nito.

Hindi naman first time magpaka-daring ni Cindy. At sa gaya niyang sumusugal sa mga ganoong roles, tanggap na niyang bahagi ng gamble ang maka-likha ng samu’t-saring pananaw ng publiko sa kanya.

Bukod sa maging laman ng pantasya ng mga kalalakihan, pwede ring maging mitsa ito ng mga pambabastos ng mga makikitid o sarado ang isip or simply pambabastos just for the heck.

“Actually po hindi natin maiiwasan yang mga ganyan na talagang babastusin ka,” sagot ni Cindy. “May mga nababasa akong ganyan na bold movie daw, na puro kabastusan daw, kalaswaan...sana lang ’yong mga tao na nag-comment na ’yon, sana po panoorin muna nila.

“Kasi s’yempre po ako as an artista, ayoko pong ma-tag lang as a sexy star or kung anuman kasi nandito ako hindi para maging sexy star lang.

“Kung kasama po ’yon, walang problema. Gusto kong maging  aktres po talaga na kahit ano’ng role...lesbian yan [in Adan], eto [Nerisa]... hindi po kasi sa pagiging sexy lang ’yong Nerisa...but let’s see...After po nilang mapanood ’yong Nerisa.”

When asked kung paano niya ite-train, so to speak, ang audience na iba ang mga roles sa tunay na Cindy...

“Binibigay ko po ’yong best ko...hindi lang po katawan po ang ipapakita ko dito. Sana...sana makita nila na, ‘Ah, hindi, nagawa niya ’yong role niya kasi kailangan ng role hindi lang dahil gusto lang niyang maghubad.’

“To me po talaga, ’yong pagiging effective naman po sa...may mga kontrabida nga po na galit ’yong mga tao sa totoong buhay. Imagine that. Kasi ganoon sila ka-galing na talagang napapaniwala nila ’yong mga tao na kontrabida sila. 

Then kung mapaniwala ko sila sa character ko, masaya po ako do’n. At least nagawa ko po ’yong character ko. So, bahala sila. Kung interesado sila sa akin, search nila ko sa social media ko or whatever.

“Ako naman po, sa akin, ako po ’yong tao na feeling ko po...siguro habang...nagiging ano ka [mature], I really don’t care po kung ano ’yong tingin sa akin ng tao. Pero po eto ’yong pinangarap ko, kung ayaw po nila akong kilalanin sa totoong buhay, wala pong problema. It’s okay po. Gusto ko lang po na suportahan nila si Nerisa. Kahit hindi na nila kilalanin si Cindy Miranda. I’m okay with that.”

Samantala, amaze na amaze si Cindy na ang dating napapanood lang niya na si Aljur Abrenica ay leading man na niya ngayon. At sana raw hindi iyon ang maging huli.

Nagagalingan siya sa morenong aktor kaya nagtataka siya kung bakit five years ago pa umano ang last movie nito. Sana raw ay mas mabigyan pa ito ng break.

She has the same wish for herself actually na sana raw, ang Nerisa ay magbukas pa ng mga pintuan sa kanila ni Aljur dahil hindi naman daw sila mapapahiya.

Ayaw magbigay ng detalye ni Cindy tungkol sa character niyang si Nerisa dahil “spoiler” daw. Pero may chance na tayong kilalanin si Nerisa today, July 30, dahil simula na ng global streaming nito sa Vivamax at iba pang streaming platforms.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Cindy Miranda, tiniyagang magbura ng mga negative comments sa social media niya matapos madawit sa hiwalayang Aljur-Kylie

Exclusive: Cindy Miranda, hindi kinayang panoorin ang playback ng mga love scenes nila ni Aljur Abrenica

Kanino ba mas nahirapan sa love scene si Cindy Miranda, sa lalaki o sa babae?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.