Cindy Miranda, naniniwalang pampa-init ng relasyon ang pagse-sex video between couples: “Basta ingatan n’yo lang ang mga cellphones n’yo.”

May paglilinaw ang Viva actress na si Cindy Miranda sa mga nag-nenega sa online series nilang Iskandalo na puro lang umano sexy scenes.  “Unang-una, mali po ’yong haka-haka nila,” pagtutuwid ni Cindy. “Kailangang panoorin nila ’yong Iskandalo dahil hindi mas marami ’yong hubaran dito. Kailangan nilang panoorin. “This is a roller coaster of emotions. Lahat ibibigay namin hindi lang ’yong nasa isip nila. Sana panoorin nila bago nila i-judge itong Iskandalo. Napakaganda po nito.”

PHOTO: @cindy on Instagram

May paglilinaw ang Viva actress na si Cindy Miranda sa mga nag-nenega sa online series nilang Iskandalo na puro lang umano sexy scenes. “Unang-una, mali po ’yong haka-haka nila,” pagtutuwid ni Cindy. “Kailangang panoorin nila ’yong Iskandalo dahil hindi mas marami ’yong hubaran dito. Kailangan nilang panoorin. “This is a roller coaster of emotions. Lahat ibibigay namin hindi lang ’yong nasa isip nila. Sana panoorin nila bago nila i-judge itong Iskandalo. Napakaganda po nito.”

Ayos lang daw para sa beauty queen-turned-actress na si Cindy Miranda na magkaroon ng private video ng mga intimate moments nila ang mga couples kung naisin nila. 

Inilahad n’ya ito sa digital media conference ng Vivamax Original series n’ya na Iskandalo kamakailan. 

Dahil umikot ang k’wento ng serye sa pagkalat ng isang private video sa internet at ang pagha-hunting kung sino ang nasa likod nito, natanong ang aktres kung ano ang papanaw n’ya sa mga couple na nire-record ang kanilang mga intimate moments. 

Bukas daw ang isip dito ni Cindy lalo pa’t kung magka-relasyon naman daw ang gumagawa noon. 

“Agree po ako dahil couple naman sila, dahil exclusive naman sila sa isa’t isa. Yes, why not, ’di ba? Ite-tape mo lang naman ’yong sarili mo so wala pong problema,” lahad n’ya. 

One way din daw kasi ’yon para mas painitin pa ang pagsasama ng dalawang magkarelasyon. 

“Sometimes [it’s] for fun to do something different, to make the relationship…you know. Sometimes, ’di ba, kapag repetitive ang ginagawa ng mga couple nagkakasawaan so maybe that’s why they’re doing that, ng ibang couples,” paliwanag pa n’ya. 

Hindi naman lahat ginagawa ’yan. Para lang may maiba lang or para pag magkahiwalay sila, napapanood nila ang isa’t isa.

However, kailangan daw ng mga mahilig sa ganitong activity na mas maging maingat pag dating sa kanilang gadgets dahil isang pagkakamali ay maaaring makasira ito sa kanilang pangalan. 

Pero sana alagaan nila ang mga cellphones nila. Kasi s’yempre, baka mawala ’yan, mapanood ng iba,” paalala ni Cindy.

Natanong din ang Viva actress sa kung ano ang masasabi n’ya maraming nanenegahan sa kanilang serye dahil marami daw itong sexy scenes. 

Unang-una, mali po ’yong haka-haka nila,” pagtutuwid ni Cindy. “Kailangang panoorin nila ’yong Iskandalo dahil hindi mas marami ’yong hubaran dito. Kailangan nilang panoorin.

Maliban daw kasi sa mga maiinit na eksena ay maganda rin ang kuwento nito lalo pa’t detective ang role na ginagampanan n’ya. 

“This is a roller coaster of emotions. Lahat ibibigay namin hindi lang ’yong nasa isip nila. Sana panoorin nila bago nila i-judge itong Iskandalo. Napakaganda po nito,” pagbibida pa n’ya. 

Hindi po natin kailangang i-judge agad ang isang series at hindi natin kailangang papangitin ang image agad. Ang gagaling po ng mga kasama ko dito, pinaghirapan namin ’to, so sana ma-appreciate n’yo po,” pagtatapos ni Cindy.

Kasama ni Cindy sa online series na Iskandalo ang mga tinaguriang bagong pantasya ng bayan na sina AJ Raval, Ayanna Misola, Jamila Obispo, at Angela Morena. Kabilng din dito sina Sean de Guzman, Jay Manalo, Arnold Reyes, Rocky Salumbides, and more. Nagsimula na itong mapanood sa Vivamax noong April 10 at patuloy na mapapanood every Sunday.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.