Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Hindi pinalagpas ni Claire Castro ang pambabatos ng isang basher sa kanyang kapatid na si Raffa.         To the rescue ang daughter ng aktres na si Raven Villanueva and actor-turned-broadcaster Diego Castro sa comment section at tinawag na “bastos” ang nasabing basher.

PHOTOS: @clairevcastro & @elluhh.bear on Instagram; INSET: @jdomagoso on Instagram

Hindi pinalagpas ni Claire Castro ang pambabatos ng isang basher sa kanyang kapatid na si Raffa. To the rescue ang daughter ng aktres na si Raven Villanueva and actor-turned-broadcaster Diego Castro sa comment section at tinawag na “bastos” ang nasabing basher.

Ipinagtanggol ng Kapuso aktres na si Claire Castro sa kapatid niyang si Raffa mula sa isang bastos na basher.

Kasunod ito sa naglabasang ulat na ito umano ang ina ng two-month-old baby ni Joaquin Domagoso, ang actor at anak ni outgoing Manila City Mayor Isko Moreno

Naganap ang pangba-bash kay Raffa nang mag-post ito ng selfie photo sa Instagram nito lang June 27.

“Addicted to car selfies,” maikling caption n’ya sa kanyang IG post. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Raffa Castro (@elluhh.bear)

Dito umatake nang out of context ang basher at walang pasintabing pinukol si Raffa ng mga below-the-belt at malalaswang comments na may kinalaman sa kanya at kay Joaquin. 

Hindi pinalagpas ni Claire ang pambabatos na ito ng basher sa kanyang kapatid. To the rescue ang daughter ng aktres na si Raven Villanueva and actor-turned-broadcaster Diego Castro sa comment section at tinawag na “Bastos” ang nasabing basher.

SCREENSHOT: @elluhh.bear on Instagram

Kasunod nito ay isa pang basher ang nagkomento sa thread at sinabing aksidente lang umano kung bakit nabuntis daw ni Joaquin si Raffa.

Hindi na sumagot dito si Claire o kahit na si Raffa pero ipinagtanggol naman s’ya ng kanyang followers sa kabastusan ng basher. 

SCREENSHOT: @elluhh.bear on Instagram

Matatandaang ibinalita ng veteran showbiz news writer and insider na si Cristy Fermin last June 24 sa radio and online show n’yang Cristy Ferminute na ganap nang ama si Joaquin sa edad na bente.

Itinuro naman sa mga naglabasang report si Raffa bilang girlfriend umano ni Joaquin at s’yang ina ng anak nito.

Bukod pa roon, ipinanganak daw n’ya ang baby nilang si Scott Angelo Domagoso noong April 28 sa FEU Medical Center sa Quezon City.

Wala pang pahayag sina Joaquin at Raffa tungkol sa ulat na ito.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.