Claudine Barretto, nag-hunger strike pala noong araw para lang payagang mag-artista

SCREENSHOT: @EBCfilms on Facebook

SCREENSHOT: @EBCfilms on Facebook

Akalain mong muntik na palang hindi maging artista ang isa sa tinaguriang reyna ng teleserye na si Claudine Barretto dahil tutol pala dito noon ang mga magulang n'ya. 

Kagabi, September 14, sa episode 8 ng online show na PELIkwentuhan hosted by actress-entrepreneur Gladys Reyes na naka-live sa Facebook page ng EBC Films, binalikan ni Claudine kung paano s'ya nagsimula sa showbiz at muntik na pala s'yang hindi maging TV and movie actress. 

Bago pala mapasama sa ABS-CBN's youth-oriented show na Ang TV noong early 90s, una munang sumabak si Claudine sa teatro. 

"Before [Ang TV], nag-Repertory Philippines ako," kwento ng multi-awarded actress sa online tsikahan via Zoom. "So, teatro talaga ang pinasok ko at ten years old. Tapos [noong] eleven years old sa Repertory nakuha ko 'yong lead [role] ng Grease ni Olivia Newton John at John Travolta. Mula noon, nanood si Douglas Quijano ng play ko."

Doon na daw s'ya simulang kunin para maging TV actress na tinutulan that time ng parents n'ya.  

"Ayaw pumayag ng parents ko na mag-artista pa rin talaga ako," pagpapagtuloy ng aktres. "During that time, kinukuha pa lang nila ako for Gwapings the Movie. 'Yong kay Abby Viduya [later known as Priscilla Almeda] na role. [Tutol] 'yong parents ko talaga na mag-artista ako. Ang usapan namin hanggang theater lang talaga. Tapos wala na, wala nang iba."

However, pinasok na din daw ni Claudine ang pagganap sa mga TV commercial bago s'ya tuluyang napunta sa TV and movie industry.  

"Tapos doon na talaga ako pinatawag ni Mr. M [Johnny Manahan of Star Magic]," tsika pa ng aktres. "And then, doon ko na kinulit nang kinulit ang magulang ko. Ayaw lang nila. 

"Gusto lang siguro nila na [for me is] to live a normal life. ‘Since gusto mo naman umarte sa theater, mag-theater ka na lang. Wala namang mga intriga doon. Walang scandals.’" 

K'wento pa n'ya, at the age of eleven, umabot daw sa punto na nagrebelde s'ya dahil nga hindi s'ya payagang mag-artista. 

"Nilinlang ko sila, e," pag-amin pa ni Claudine kay Gladys. "Sabi ko okay na sa akin ang theater. Pero nu'ng dumating na 'yong point na in-offer Ang TV sa akin, hindi talaga ako kumain. Nag-hunger strike ako, Mare. Nagpa-ospital talaga ako para pumayag."

Eventually ay napapayag nga din n'ya ang kanyang Mommy Inday at Daddy Miguel na pasukin ang showbiz. At para sa kanya tama ang desisyon niya dahil na-enjoy daw niya talaga ang pag-arte sa TV.

"Hindi ko talaga na-feel kahit kailan na trabaho s'ya when I was doing Ang TV," paglalahad pa n'ya. "Kasi Saturdays naman [ang taping], e. Walang school. Ganyan. Sa akin laro lang talaga."

Mula doon nagsunod-sunod ang projects ni Claudine sa TV hanggang mapasok na rin n’ya ang paggawa ng pelikula. 

Ayon pa sa kanya, bilang artista, mas fulfilling daw ang magkaroon ng blockbuster na pelikula dahil ramdam n'ya ang effort ng fans. 

"I'm so thankful," pahayag pa ni Claudine nang maungkat ang movie n'ya na Anak kung saan nakatrabaho n'ya si Star For All Seasons Vilma Santos. "Kasi ang soap opera nasa bahay lang sila [viewers], papanoorin ka nila, parte ka na ng buhay nila...

"Pero para lumabas sila ng bahay, mag-commute sila, magbayad sila ng pera na s’weldo nila or baon nila, itatabi nila para manood ng pelikula, iba 'yon. So, mas fulfilling as an actress para sa akin ang magkaroon ng pelikula."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vilma Santos and Claudine Barretto reunite for the 20th anniversary of their film, Anak

Pika's Pick: Claudine Barretto teases fans about her upcoming YouTube channel

Pika's Pick: Claudine Barretto and daughter Sabina grace the DSWD forum on legal adoption consciousness

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.