Cloe Barreto, ninamnam ang sampal ni Cannes filmfest best actress Jaclyn Jose

Ikinatuwa ng showbiz newbie na si Cloe Barreto ang pagkakasampal sa kanya ni Jaclyn Jose sa isang eksena nila sa pelikulang Tahan.  Tila itinuring na badge of honor ni Cloe ang masampal ng isang Jaclyn Jose.   “Natuwa po ako kasi nasampal po ako ni Ms. Jaclyn. Hahaha! Pag-uwi ko po hanggang bahay ’yong sampal. Hahaha!” natatawang sabi niya.

Photos: Vivamax

Ikinatuwa ng showbiz newbie na si Cloe Barreto ang pagkakasampal sa kanya ni Jaclyn Jose sa isang eksena nila sa pelikulang Tahan. Tila itinuring na badge of honor ni Cloe ang masampal ng isang Jaclyn Jose. “Natuwa po ako kasi nasampal po ako ni Ms. Jaclyn. Hahaha! Pag-uwi ko po hanggang bahay ’yong sampal. Hahaha!” natatawang sabi niya.

Hindi lang pala sampal kundi may halik ding patikim ang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose sa showbiz newbie na si Cloe Barreto sa first-ever movie project nila together.

Ang sampalan ay on-cam at ang halik sa noo niya ay naganap naman daw off-cam.

Inilahad mismo ’yan ni Cloe last July 5 sa naging virtual media conference para sa sexy-thriller film nilang Tahan

In her previous interviews, consistent sa pagsasabi ang newbie actress na si Cannes 2016 best actress Jaclyn Jose ang talagang pangarap n’yang makatrabaho. At ngayong nagka-totoo na, na-kumusta ng entertainment press ang mga naging experiences niya kasama ang premyadong aktres. 

“Sobrang idol ko po si Ms. Jaclyn. ’Yong unang kita po namin sobrang nahihiya po ako na kinakabahan kasi first time ko po s’yang maka-work tapos idol ko pa po,” natatawang pag-amin ni Cloe. 

Ipinagtapat nga daw n’ya ito sa Kapuso actress at naging generous naman daw ito para alalayan s’ya sa pelikula. 

“Nu’ng nag-usap po kami sa make-up area, sabi ko po, ‘Nahihiya po kasi ako sa inyo kasi idol ko po kayo.’ Sabi n’ya, ‘Hindi, ’wag ka mahiya.’ Tapos ang dami n’ya na pong tinuro sa akin,” pagre-recall n’ya.

“Nu’ng una pong eksena namin, kinakabahan ako kasi na-starstruck po ako. Sobrang idol ko po talaga s’ya, as in.,” paulit-ulit na saad niya. “Nu’ng nag-usap na po kami, tinuruan n’ya po ako para hindi daw ako mahiya.”

Tsika pa n’ya, dinampian umano ng seasoned actress ng halik ang kanyang noo para ma-break ang wall sa pagitan nila at nang magawa nila nang maayos ang kanilang mga eksena. 

“Hinawakan n’ya ’yong kamay ko. Tapos hinalikan n’ya po ’yong noo ko para daw po ma-kampante ako kasi kinakabahan po talaga ako,” masayang lahad n’ya. 

Samantala, sa trailer palang Tahan ay makikita na ang lumalagapak na sampal na iginawad ni Jaclyn sa baguhang aktres. Ani Cloe, bagama’t kabado siya noon ay she savored the moment, before and after daw ng sampalan scene.

“Natuwa po ako kasi nasampal po ako ni Ms. Jaclyn. Hahaha! Pag-uwi ko po hanggang bahay [ninanamnam ko] ’yong sampal. Hahaha!” natatawang sagot ni Cloe. 

Isa pa sa mahalagang naituro daw sa kanya ng beteranang aktres ay ’yong pagbibigay ng 100 percent sa mga sexy scenes para daw take one lang.

“Para daw po hindi na ipa-ulit,” patuloy ni Cloe. “Saka maging open daw po, maki-communicate sa mga co-actors para mas mapaganda ang trabaho.”

Maliban kay Jaclyn, kasama rin ni Cloe ang versatile actor na si JC Santos sa pelikulang Tahan na mapapanood simula July 22 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.