Coco Martin, hindi pa hupa ang galit at panlulumo dahil sa pagsasara  ng ABS-CBN; mga trolls at bashers, nireresbakan

PHOTOS: @mr.cocomartin on Instagram

PHOTOS: @mr.cocomartin on Instagram

Galit na galit na Coco Martin ang bumungad sa kanyang followers sa social media noong May 5, ang araw ng pagpapatupad ng NTC (National Telecommunications Commission) sa pagpapasara sa ABS-CBN. Sunod-sunod mga mahahabang posts ni Coco na naglalaman ng kanyang galit at saloobin sa pagsa-shutdown ng TV Station na naging tahanan niya ng maraming taon.

Paliwanag ng NTC, nitong May 4 ay natapos na ang 25-year broadcast franchise na nagbibigay-pahintulot sa TV station sa pagbo-broadcast at hindi nila ito mabibigyan ng Provisional Authority to operate dahil hindi umano na-ipasa sa kongreso ang batas para mabigyan ng lisenya ang ABS-CBN.

Dahil dito, itinigil ng management ng ABS-CBN sa kanilang pagbo-broadcast sa lahat ng TV and radio stations nila sa buong bansa. 

Kaya naman ganun na lamang ang sama ng loob ng lead actor ng top-rating Kapamilya TV series na FPJ's Ang Probinsyano, hindi lang dahil sa hindi na mapapanood ang kanyang teleserye na ngayon ay nasa ikalimang taon na; kundi dahil din sa 11,000 empleyado na nawalan ng trabaho.

"NAPAKASAKIT NG GINAWA NINYO SA MGA PILIPINO!!!" sabi ng aktor in all caps sa kanyang Instagram post that came with the logo of his home TV network.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Panimulang post lang pala iyon ng 38-year-old award-winning actor dahil bumubwelo lang pala ito. 

Sa mga sumunod na IG post ng aktor, mas mahahabang mensahe na puno ng galit at frustrations ang ipinaabot nito sa NTC at sa publiko. 

Sa naturang post, ini-highlight ni Coco na ang pagsasara ng istasyon ay pagkawala ng trabaho para sa libo-libong manggagawa sa panahon na kailangang kailangan ng mga ito ng hanapbuhay dahil sa umiiral na krisis sa ekonomiya due to coronavirus disease pandemic.

Kaya naman natanong n'ya: "Talaga bang nagawa niyong unahin ang pagpapasara ng isang istasyon na bumubuhay sa napakaraming Pilipino?

Ibinida din ng Kapamilya actor ang mga naiambag ng ABS-CBN sa lipunan, mula sa mga taong nangangailangan ng tulong, hanggang sa mahahalagang balita at impormasyon, entertainment, maging sa mga outreach programs nito.  

"Napakalaki ng iniambag at patuloy na nagaambag upang umabot ang tulong sa lahat ng nangangailangan. Sila ang inaasahan ngayon ng maraming tao para maghatid ng balita sa bawat araw, sila rin ang daan para maiparating ng mga tao ang kanilang saloobin at pinagdadaanan sa krisis na ito."

Bumuwelta din ang aktor sa NTC at hiniling na nawa ay maging proud ang mga ito sa kanilang naging hakbang upang maipahinto ang TV operation ng ABS-CBN.

"Sana sa wakas ay makatulog kayo ng mahimbing at maipagmalaki niyo ang naggawa ninyo!" paglalahad ni Coco. "Sana ipagkapuri kayo ng pamilya ninyo sa tagumpay ninyong gutumin at yurakan ang mga buhay ng ilang libong pamilya!"

Dagdag pa n'ya: "Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag ma panatag na ang kalooban niyo. NTC sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan!!!"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

At hindi pa 'yon nagtapos doon dahil sa kasunod na post ng aktor ay isang mahabang litanya na naman ang kanyang inilahad na malinaw na patungkol sa NTC. Sarkastiko n'ya itong pinasalamatan kabilang na si Solicitor General Jose Calida na itinuturong nag-pressure sa NTC para mag-issue ng cease and desist order sa ABS-CBN.

Sa huli, binitiwan ng galit na galit na aktor ang mga katagang "TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

At dahil sumugod ang mga bashers ng network sa kanyang mga nagdaang posts regarding the ABS-CBN shutdown, hindi na napigilan ng Kapamilya actor na patulan ang mga ito. 

Ngayong araw, Coco started his tirades on his bashers and trolls by reposting infographics of "Fake News" and "The Truth" behind ABS-CBN closure. 

Sa caption, direktang in-address ng ABS-CBN Primetime Bida star ang trolls at bashers by saying:"PARA SA LAHAT NG MGA TROLLS AT BASHERS NAMIN, WAG NIYO NANG BASAHIN YAN HINDI NIYO MAIINTINDIHAN!!! PAREHO LANG TAYO ENGLISH YAN, MARAMI LANG NAGPOST KAYA NAKIPOST AKO!!!"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Nag-repost din si Coco ng ilang IG photos mula sa ABS-CBN news tungkol sa ilang politiko gaya nina Sen. Joel Villanueva, Cong. Joey Salida at Sen. Manny Pacquiao na tutol sa inihaing cease and desist order ng NTC sa ABS-CBN.

Sa magkasunod na post, muling naglabas ng patutsada ang actor sa mga bashers and trolls at sinabing hindi umano maiintindihan ng mga ito ang sinasabi sa post lalo na't nasa wikang Ingles ang iba dito, lalo na sa photo kung saan kasama si Sen. Villanueva.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Pinasalamatan naman ni Coco si Senator Manny Pacquaio sa sinabi nito na "Wala naman sigurong mawawala kapag nabigyan ng Provisional Authority to operate ang ABS-CBN." Binatikos din n'ya ang NTC dahil "nagmarunong" umano ito at "binalewala ang kongreso" at ang kawalan umano nito ng "pakialam kung ano ang pinagdadaanan ng ating bansa at ng buong mundo."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Sa kanyang pinakahuling IG post, nag-share ang aktor ng isang video kung saan makikita ang isang bata na umiiyak dahil hindi na nito mapapanood ang mga paborito nitong programa ng ABS-CBN.

Dito, tinawag ng aktor na "demonyo" ang mga may kinalaman kung bakit hindi na nakakapag-ere ng mga programa ang TV station.

Nagbanta rin ang Ang Probinsyano lead star, once makakuha ng prangkisa o provisional authority, ay sisipain umano n'ya ang mga taong natutuwa ngayong nag-off-air ang Kapamilya network.

"Try nyo manood ng Probinsyano sisipain ko muka nyo!!!" sey pa ng galit na aktor.

Pinagsabihan n'ya rin ang mga bashers na huwag nang mag-comment pa sa kanyang post dahil hindi rin umano n'ya 'yon babasahin.  Aniya pa, tutal ay wala na rin silang trabaho kaya pantsu-pantay na. Panahon na raw na mang-bash na rin sila para hindi naman panay artistang gaya nila ang biktima ng bashing.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.