Coco Martin, napaka-istrikto palang director—bawal ang cellphone, di p’wede ang late, pinapaki-alaman pati medyas ng artista, at nagpapalit ng script on the spot!

“Sabi ko nga kung bakit ako mahigpit sa mga co-actors ko—especially sa mga boys—kasi lagi kong tinitignan ’yong sarili ko sa kanila no’ng nagsisimula ako...Hindi ako naglalaro sa set.”

Photos: Instagram

“Sabi ko nga kung bakit ako mahigpit sa mga co-actors ko—especially sa mga boys—kasi lagi kong tinitignan ’yong sarili ko sa kanila no’ng nagsisimula ako...Hindi ako naglalaro sa set.”

Kilala si Coco Martin sa pagiging magaling makisama, bukod pa sa mahilig itong magbigay ng breaks sa mga talented newbies o kaya naman ay mga inactive stars na alam niyang may ibubuga pa.

Kung PR at PR lang, maraming dapat matutunan sa kanya ang mga taga-showbiz. Pero nag-iiba pala ang pagkatao ni Coco once he wears na the director’s hat, both sa FPJ’s Ang Probinsyano at sa MMFF 2019 entry niyang 3Pol Trobol Huli Ka Balbon.

Nang tanungin kasi ang buong cast ng 3Pol Trobol kung paano ba maging director si Direk Coco, ay halos iisa ang sinabi ng lahat—na karamihan ay plucked din from the roster of Ang Probinsyano support cast: na Coco, as a director, ay very strict at ma-disiplina. Work hard and play hard daw ito. Kumbaga, iba ito pag oras ng kulitan at iba rin pag oras na ng trabaho.

“Si Direk Coco, very straight,” say ng nagbabalik-Probinsyanong si Pepe Herrera. “Pero mabilis kami. At gusto naman namin ’yon. Pag sinabing ala-singko, alas singko start talaga. Very productive ang buong maghapon.”

Para naman sa anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sancho delas Alas, “mahusay na leader” daw si Coco at hindi takot ang mararamdaman mo dito kundi respeto. Kay Direk Coco daw niya natutunang kumalas sa cell phone kapag nasa set dahil ito raw ang pinaka-ayaw ni Coco, ang nadi-distract ang artista niya ng cell phone. Na tama naman.

Say naman ng komedyanteng si Noong Ballinan, very strict nga daw si Direk Coco pero binibigyang-laya naman silang atakihin ang role nila sa diskarteng gusto nila.

Si Joven Olvido naman na galing ng Pilipinas Got Talent, 

ay malaki ang pasasalamat kay Coco hindi lang sa break na binibigay sa kanya kundi lalo na sa pagiging matiyaga at matiisin nito sa pag-alalay sa mga baguhang gaya niya kahit nakaka-take 8 daw siya.

Ang rapper naman na si Bassilyo, na three years na pala sa Ang Probinsyano, ang nagsabi na si Coco ang nag-set ng boundaries na iba ang pagka-kaibigan sa professional lives nila. Pag trabaho daw ay trabaho; pag playtime, playtime.

Si Anghel Marcial naman, na kilalang Happy sa Probinsyano, ay very appreciative sa mga disiplinang turo ni Coco sa set dahil lahat daw ay applicable maski sa tunay na buhay.

Bilib na bilib naman si Smugglaz, na isa ring rapper, sa dedication ni Coco sa trabaho at sa pagiging metikuloso nito sa kalidad. Di bale na raw mahirap, basta maganda ang kakalabasan. Isa rin si Happy sa nagbisto na nang-i-scrap ng script si Coco at pinapalitan ang eksena at batuhan ng linya.

Three years na ring taga-Probinsyano si PJ Endrinal na tila package deal sa mga iba pang proyekto ni Coco. Pansin lang daw ni PJ, mas istrikto si Coco sa movie set. Marahil daw siguro ay dahil siya rin ang producer ng project.

“Very giving” naman ang description ni Bianca Manalo kay Coco; habang “generous” naman ang adjective ni Carmi Martin sa kanya. Hindi pa raw director si Coco ay “nabubulungan” na siya nito ng mga suggestions sa ibang project niya. Observant nga daw kasi. “Gusto niya talaga mag-shine ka sa mga eksena mo,” dagdag pa ni Carmi.

Si Sam Milby naman, na first time maka-trabaho si Coco, ay aminadong nanibago nang husto dahil hindi raw siya sanay na ang ka-eksena niya mismo ang sumisigaw ng “cut!” Nanibago din daw siya sa style ni Coco nang pagpapalit ng script at dialogues on the spot kaya windang siya noong mga first shooting days niya.

Pero gaya ng lahat, bilib na bilib si Sam sa disiplina at dedication ni Coco. Tila hindi raw ito napapagod samantalang siya daw, at 35 years old, ay parang madali nang mapagod. “I was wondering how does he keep his sanity?” dagdag pa ni Sam who is playing contravida sa 3Poln Trobol. “Palagi siyang masaya, e.”

Touched naman ang leading lady ni Coco na si Jennylyn Mercado sa pagiging maalaga ni Coco sa kanya. “‘Jen, okay ka lang? Jen, okay ka lang?’” panggagaya ni Jen kay Coco. “Sabi ko naman, ‘Ikaw, okay ka lang ba? Hindi ka pa natutulog, ah!’ Grabe talaga ang energy niya.”

“Bawal ang bobo” naman ang sagot ni Ai-Ai delas Alas sa tanong kung paano ma-handle ni Coco as director. “Kasi nga, pag binago niya ang dialogues, erase-erase mo na ’yong minemorize mo. Hahaha! Dapat sharp ka pag artista ka niya. Pag Bobita Mirasol, nganga! Gingko Biloba ang katapat, Ning!”

Among everyone that spoke, however, it was Joey Marquez who laid out the behind-the-scenes persona of Coco best. 

“Nabanggit niya na, ‘dapat mahal mo yong trabaho mo, bigyan mo ng oras ’yong trabaho mo...kahit pagod ka, basta ang trabaho mo gawin mo.’ 

“Doon ako humanga sa kanya, e. Despite the fact na ang dami na niyang opportunity na nandyan, hindi niya pinapakawalan dahil alam niya habang nandyan, mainit kagatin natin nang kagatin. 

“Ang isa pang hinangaan ko sa kanya: he makes the rule as a director, he also follows that rule as an actor.”

Samantala, nabigyan naman nang pagkakataon si Coco na ibigay ang side niya, kumbaga, kung bakit siya naghihigpit sa set. And

Everyone adheres to his disciplinary rules dahil nakita naman nilang ito din nang mismong puhunan ni Coco sa tagumpay na ine-enjoy nito ngayon sa kanyang career.

Basta ang pinaka-ano ko diyan, gusto ko ’yong ginagawa ko, mahal ko yong ginagawa ko” panimulang paliwanag ni Coco, the actor/director/writer/editor/producer. 

“Sabi ko nga kung bakit ako mahigpit sa mga co-actors ko—especially sa mga boys—kasi lagi kong tinitignan ’yong sarili ko sa kanila no’ng nagsisimula ako...Hindi ako naglalaro sa set.

“Kasi s’yempre gusto kong mangyari rin sa kanila ’yong nangyari sa akin, e, na parang ang trabahong ito hindi laro-laro ito...’yong pagiging artista natin hayaan sa mga tao yan diba ’yong tawagin kang idol, tawagin kang whatever kung anuman tinatawag sa’yo hayaan mo sa kanila ’yon...nandito tayo para magtrabaho...

Kaya napakahigpit ko sa oras kasi sabi ko nga gusto ko—lalong lalo na ’yong mga nagsisimula—matutunan nila ’yong pagiging professional. Kasi ako naniniwala ako na maraming magagaling na artista, maraming mga sikat na artista, pero iilan lang ’yong mga artista na professional sa trabaho nila at sa palagay ko ’yon ang mga artista na nagtatagal sa industriyang ito. Kaya habang nagsisimula palang sila, ’yon ang nilalagay ko sa isip nila. 

“Sa Probinsyano po kahit ’yong medyas nila tsini-check ko. Gano’n po kami ka-higpit sa Probinsyano. Bawal ma-late... kahit ma-late ka lang ng five minutes, magpa-penalty ka, papakainin mo ang buong set. Kapag hindi ka naka-black na medyas, papakainin mo ang buong set...

“Basta, kumbaga, ngayon palang turuan mo na silang maging tama ’yong attitude doon sa trabaho...hindi tayo dito nagpapa-sikatan. Pag nandito na kayo, pantay-pantay tayo. Nagtatrabaho lang tayo, gano’n ka-simple.

“Kung bakit ako maaga sa set? Ba’t gusto ko on time? Kasi po naniniwala ako na gusto kong maka-uwi nang maaga para sa mga...ang pinaka-ano ko po kasi, dahil artista din ako, gusto kong makauwi nang maaga kasi para magkaroon din ako ng time para sa family ko. At kung meron man akong ibang trabaho bukas meron pa rin akong lakas para sumegwey.

Ang ina-achive ko agahan natin, bilisan natin, mag-focus tayo, at the same time, ma-pack up tayo nang maaga...para lahat masaya. Hindi lang mga artista kung di pati ’yong mga staff and crew.”

Now, that’s one concrete lesson there from a guy whose life is a testimony in itself that success in any field is achievable if one has discipline.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Coco Martin, nabulol sa isang word dahil sa kaba; naitawid naman

Coco Martin confirms Hollywood actors joining Ang Probinsyano in 2020

Coco Martin praises Mayor Isko Moreno for Manila’s rapid transformation

Coco Martin thinks his friend Vice Ganda is deliberately delaying introducing Ion Perez to him

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.