Comedian Chokoleit is dead

PHOTOS: @hot_chokoleit on Instagram

PHOTOS: @hot_chokoleit on Instagram

Kay Sylvia Sanchez nalaman ng pikapika.ph ang nakakabiglang balita na patay na ang magaling na komedyanteng si Chokoleit or Jonathan Garcia in real life.

Nasa Abra daw ito for a show kasama ang iba pang ABS-CBN talents gaya nina JM de Guzman at Coleen Garcia nang biglang manghina.

Nasa kalagitnaan ng birthday party ng asawa ni Sylvia Sanchez na si Art Atayde, kung saan this writer is invited, nang makarating kay Sylvia ang balita. Nang malaman ni Sylvia na kasama sa Abra show si JM, agad na tumawag si Sylvia kay JM para kumpirmahin ang balita at ayon kay JM, totoo nga raw. Napansin na raw nila JM during dinner pa lang na hindi na “the usual Chokoleit” ang kasama nila sa dinner dahil mukha itong pagod at hindi makulit at bubbly gaya ng nakasanayan sa komedyante.

Nakapag-perform pa raw sandali si Chokoleit at nagsisisigaw pa sa simula pero sa kalagitnaan ay nakitaan ng panghihina kaya pinatigil at sinugod daw sa ospital.

Si JM daw ang finale na magpe-perform at pagkatapos daw ng performance ni JM ay sinabihan daw si JM na wala na si Chokoleit.

Wala pang makapag-kompirma nang cause of death ni Chokoleit pero hinihinalang inatake ang komedyante.

Chokoleit, who was last seen in Vice Ganda’s MMFF 2018 entry Fantastica, was 46 years old.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

K Brosas named her new puppy after deceased friend Chokoleit

Huling gabi ng lamay para kay Chokoleit, puno ng iyakan at katatawanan

Watch: Bittersweet Moments from Chokoleit’s Necrological Service

Celebrities reminisce the good times they had with Chokoleit

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.