Condo unit ni Tekla, iniwang nanggigitata ng naka-alitang live-in partner

PHOTOS: @doneklaintandem on Instagram, Donekla in Tandem on YouTube

PHOTOS: @doneklaintandem on Instagram, Donekla in Tandem on YouTube

Dinalaw ng komedyanteng si Donita Nose ang ka-tandem n’yang si Super Tekla—Romeo Librada sa tunay na buhay—sa inuupahan nitong condo unit for the first time mula nang pumutok ang issue sa kanila ng kinasama nitong si Michelle Lhor Bana-ag. 

Matatandaang noong October 20 ay nagsumbong si Michelle sa Wanted sa Radyo program ni Raffy Tulfo at ini-reklamo ang Kapuso TV host-comedian sa mga diumano’y pang-aabusong sekwal at kalaswaan nito towards her.

Aniya, ginugutom umano siya, ang kanilang anak at kanyang mga pamangkin tuwing hindi n’ya ito napagbibigyan sa kama. 

Dahil sa ‘di pagkakamabutihang ito between them, umalis na si Michelle at mga kamag-anak nito sa condong tinututuyan nila ni Tekla/Romeo.

Nasa taping umano si Tekla nang lisanin nina Michelle ang condo. At sa pagdalaw ni Donita Nose sa kaibigan,  inabutan niya doon si Tekla na nasa gitna ng marumi at nanggigitatang condo unit.

Ipinakita ni Donita Nose sa vlog niya—sa joint YouTube channel nila ni Tekla na Donekla in Tandem—ang latest kaganapan sa buhay ng kaibigan at in-upload ito last last October 25.

Inikot ni Donita ang unit at ipinakita na nanlilimahid nga iyon. Madaming basura, mga panis na pagkain, at naglipana ang mga ipis. 

Kaya naman nagpatulong na din sina Donita sa mga janitors ng building na inuupahan ni Tekla para mailabas lahat ng kalat. 

Ipinakita pa ni Tekla ang kalderong may panis na kanin na naiwan buhat nang umalis sina Michelle at kapatid nito at mga pamangkin.

“Kung meron mang nagugutom sa totoo lang, ‘yong totoong pamilya ko kasi hindi ko nasusuportahan, ‘yong totoong pamilya ko dahil sa kanila,” pahayag ni Tekla sa video.

Sa part 2 naman ng vlog na in-upload naman last October 26, ipinakitang habang naglilinis sa kwarto si Tekla ay nagpahayag ito na nagwo-worry s’ya para sa kanyang baby kay Michelle.

“Natatakot lang din ako sa kalagayan ni Angelo kung sa kanilang poder. Maselan po ‘yong [kondisyon] ni Angelo, e,” aniya. 

Isinilang nga kasi na may anorectal malformation si Baby Angelo na naipa-opera naman ni Tekla sa tulong ng mga tagasuporta at kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

“Grabe. Haggard. D’yos ko po. OMG,” pabirong reklamo naman ni Donita. “Grabe. Ang laman pala ng unit mo basura lahat, no? Asan na ‘yong mga sapatos mo na binili natin sa America?”

“Wala na,” tugon na standup comedian. “Kung saan-saan… Wala kasing nag-aasikaso…nagmi-maintain ng ligpit…”

“Okey. Ganito, a. Usapan natin. Meron akong ia-ano sa’yo na magme-maintain ng gamit mo lahat na kasama mo dito sa bahay,” pagsa-suggest ni Donita kay Tekla. 

Pumayag naman si Tekla sa proposal ng kaibigan. 

Sey pa n’ya. “Hindi po namin pinapakita ‘tong [condo unit] just to aim sympathy. Pinapakita po dito ‘yong realidad kung paano sila mamahay. Hindi ko naman maasikaso ‘yan kasi ako ang nagba-vlog, ang naghahanap-buhay. Pag-uwi ko sana maaliwalas man lang ‘yong bahay.

“Teh, alam mo naiiyak ako,” may kurot na pag-amin ni Tekla. “Kasi bago ako tumuntong ng 40, ikakasal ako. Wala na.”

At dahil sobrang dumi na nga ng unan at bed sheet ni Tekla, nagpasya na si Donita na itapon at palitan na lang ang mga ‘yon. 

Paliwanag pa ni Tekla, marami s’yang mga gamit na kailangang palitan sa condo. Kailangan din n’ya ipaayos ang naisirang cabinet. 

“P’wede naman natin ‘tong ipa-repair, e,” suggestion pa ni Donita sa mga sirang drawer.

“’Yan po ang pangarap ko talaga,” tugon naman ni Tekla sa kanya. 

“Bakit hindi ako ang dyinowa mo?” pabiro at may pandudurong tanong ni Donita sa kanyang ka-tandem. “Tanga! Kung ako dyinowa mo, ito malinis lagi.”

“Taken na kasi ikaw,” ani Tekla.

“A, oo nga pala,” sakay naman ni Donita.

“Kaya mo bang talsikan?” pabirong hamon ni Tekla na ikinatawa nilang lahat. 

Isa kasi ‘yon sa reklamo ng dating live-in partner ni Tekla sa kanya na “nagpapatalsik” umano s’ya sa harap nito kapag nagsasarili ito at nadadamay pa ang kanilang baby. 

Namili din sila ng ilang gamit para sa condo ni Tekla para mapalitan na ‘yong mga itinapon nila.

“Napagod na ako. Pagod na pagod na ako. Haggard kung haggard. Pero para sa ka-tandem ko, okey lang ‘yan,” masayang pahayag ni Donita vlog. 

Inabot na kasi ng gabi ang kanilang paglilinis at pagbili ng mga gamit. 

At ipinakita na nga ni Donita ang room nila Tekla na malinis at may bagong bed sheet at mga unan na nabili nila dahil may nagmagandang loob at nagbigay ng donation para sa komedyante. 

“Nakita n’yo naman po kung gaano kadumi. Pero at least, ngayon, kahit paano, ‘di ba, matatawag na natin s’yang kwarto,” pagbibida ni Donita. “At makakatulog ka na nang maayos, ‘di ba? Dalawa ‘yong unan. Nandito ka. Isa na lang ‘yong kulang. Ay sino kaya ‘yon?”

“S’ya,” sagot ni Tekla sabay turo kay Donita. “Joke lang. Moving on, ibibigay naman ni God ‘yan, e, ‘yong tamang tao.”

“Nagustuhan mo?” tanong ni Donita kay Tekla.

“Oo naman,” sagot ng comedian-vlogger. “Alam mo simula nu’ng nangyari, nagmumukmok lang ako dito sa loob. Hindi ko alam ‘yong gagawin ko. Gulong-gulo ‘yong isip ko. Pero eto, talagang makakapag-umpisa [ako]… Nakakapag-isip nang maayos. 

“‘D’yos ko,” pagpapatuloy ni Tekla. “Si Donita po talaga ‘yong nagkikiskis [ng dumi sa kwarto at CR]. Nahihiya ako. Nakakahiya naman pong gawin ni Donita pero sige, sige lang. Thank you.

Tugon n’ya naman ni Donita kay Tekla: “Okey lang ‘yon kasi magka-tandem [tayo]. At saka parang hindi lang kita ka-tandem. Partner kita. Saka parang… Sa vlog oo, sa trabaho magkasama tayo. Pero iba na rin kasi ‘yong samahan na nabubuo natin.”

Kung may napulot man daw si Tekla sa nangyari, ito ay pagtatama sa mga mali sa kanyang buhay. 

“Good thing na nangyari ‘to para ‘yong mali dapat nating itama. We are public [figure]. S’yempre pinapanood tayo,” paliwanag n’ya. 

“Ang kaibigan talaga masusukat mo ‘yan in times na nangangailangan ‘yong kaibigan mo,” salo naman ni Donita sa pasasalamat sa kanya ni Tekla.

“Buti na lang [kasi] wala akong pamilya dito. Mag-isa lang ako,” ani Tekla. “And thank you, Donits, sa mga kaibigan ko, at sa mga nag-donate dito… S’yempre, wala pa akong pera.” 

Hamon pa ni Donita, itsi-check daw nila weekly ang condo ni Tekla para malaman kung nami-maintain nga ba ang paglilinis dito. 

PANOORIN ang naging make over sa condo unit ni Tekla sa tulong ni Donita Nose at kanyang mga kaibigan dito:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tekla, pinasinungalingan lahat ng paratang ng live-in partner kay Tulfo: "Hindi totoo 'yan... Nasa tamang katinuan pa naman ako.”; balikwas niya, pabayang ina ito

Tekla, ginugutom umano ang live-in partner, anak, at mga pamangkin ng ka-live in kapag hindi ito napagbibigyan sa kama

Donita Nose at Ogie Diaz, dinipensahan si Tekla matapos itong ipa-Tulfo ng live-in partner; ebidensyang video, “planted” umano sabi naman ng manager ni Tekla

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.