Constant reminder ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez sa abroad-based nilang kambal: Always be kind, [but] not trusting.’ Wag tayong basta-basta magtitiwala.”

Kapwa nag-aaral sa ibang bansa ang Muhlach twins na sina Atasha at Andres—nasa UK si Atasha; habang nasa Spain naman si Andres. Kaya’t kahit hindi pa nagsisipag-asawa ang mga anak ay nakakaranas na ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez ng tinatawag na empty nest na sila nalang ulit mag-asawa ang magkasama sa bahay. Pero ayon kay Aga, matagal na raw nilang napaghandaan ni Charlene ang bagay na ito. “Honestly, it wasn’t hard for us. Hindi naging mahirap para sa amin ni Charlene na umalis ’yung mga anak namin para sa kolehiyo dahil mula nang mag-asawa kami ni Charlene pinag-uusapan na namin yan na at the end of the day, tayong dalawa ang magkasama talaga.”

Photos: @agamuhlach317 / @itsmecharleneg

Kapwa nag-aaral sa ibang bansa ang Muhlach twins na sina Atasha at Andres—nasa UK si Atasha; habang nasa Spain naman si Andres. Kaya’t kahit hindi pa nagsisipag-asawa ang mga anak ay nakakaranas na ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez ng tinatawag na empty nest na sila nalang ulit mag-asawa ang magkasama sa bahay. Pero ayon kay Aga, matagal na raw nilang napaghandaan ni Charlene ang bagay na ito. “Honestly, it wasn’t hard for us. Hindi naging mahirap para sa amin ni Charlene na umalis ’yung mga anak namin para sa kolehiyo dahil mula nang mag-asawa kami ni Charlene pinag-uusapan na namin yan na at the end of the day, tayong dalawa ang magkasama talaga.”

Kapwa nag-aaral sa ibang bansa ang Muhlach twins na sina Atasha at Andres. Nasa United Kingdom si Atasha; habang Spain naman ang napiling bansa ni Andres. Kaya’t kahit hindi pa nagsisipag-asawa ang mga anak ay nakakaranas na ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez ng tinatawag na empty nest na sila nalang ulit mag-asawa ang magkasama sa bahay.

Pero ayon kay Aga, na nakausap ng press during his NET 25 virtual media conference kahapon, March 3, matagal na raw nilang napaghandaan ni Charlene ang bagay na ito. 

“Honestly, it wasn’t hard for us,” panimula ni Aga.  “Hindi naging mahirap para sa amin ni Charlene na umalis ’yung mga anak namin para sa kolehiyo dahil mula nang mag-asawa kami ni Charlene pinag-uusapan na namin yan na at the end of the day, tayong dalawa ang magkasama talaga. 

“Ang mga anak natin ay nilikha natin, nilikha ng Panginoon pero ang ibig kong sabihin, ang anak natin paglaki niyan mag-aasawa, iiwan din tayo, at magkaka-pamilya. Ang importante sabi ko tayong dalawa magkasama talaga. So, nasanay kami nang ganu’n.”

Pero malaki ang pasasalamat ni Aga sa modern technology dahil nakaka-video call naman nila ang mga bata kaya’t hindi sila ganu’n ka-nangungulila sa mga ito.  

“And also the same time napakaganda na rin ng nangyayari ngayon because of internet also [dahil] hindi mahirap, puwede kayong mag-usap araw-araw, puwede kayong magkita through face time. There are apps na puwedeng magkita-kita at magkausap ang mga pamilyang malalayo sa isa’t isa. So, nandiyan lahat. 

“Plus, again nu’ng kalagitnaan ng pandemya sa Europa at Amerika...medyo bukas sila nang kaunti, so, mas nakakaikot ang mga anak ko ro’n kaya masaya kami dahil kaysa nakakulong sila rito mas mabuting nadoon sila, nakakagala sila.”

Priceless daw ang mga natututunan ng mga anak nila sa labas ng bansa at hindi nila iyon ipagkakait sa mga ito. 

“Pangalawa, masaya rin kami more than malungkot dahil alam namin ‘yung anak namin nagiging independent dahil sila lang ang nandoon natututo silang kumilos mag-isa, magluto mag isa, mag-ayos ng kuwarto nila, mag-ayos ng gamit nila, mag-budget ng pera nila lahat.  

‘So, habang nangyayari ‘yan alam namin na mahirap sa kanila sa umpisa pero alam namin na sa ikabubuti nila at maganda ang pakiramdam ng puso naming mag-asawa.  Nagiging responsable ang mga anak namin,” mahabang paliwanag ni Morning, pet name ng aktor.

Natanong din sa proud dad nina Atasha at Andres kung papayagan din ba nitong mag-showbiz ang kambal? 

“Yeah!” mabilis na sagot ni Aga. “I think I said this before na I just wanted them to finish college and because...kaya gusto ko silang patapusin [mag-aral] kasi gusto ko silang mag-desisyon. Sila ang mag-desisyon kung gusto nilang pumasok sa industriya ng entertainment.

“I want to come from them. Hindi manggagaling sa akin, hindi manggagaling sa publiko.  At parang napupusuan na talaga nila...’yung anak kong babae nagugustuhan niya talaga and sabi ko, ‘You still have a year in college.’ And pag balik niya, ‘It’s really up to you. I can introduce you to some people I know din who can manage you and then go ahead, it’s your call.’ Kasi hindi ako talaga makikialam din sa kanila,” paliwanag ni Aga. 

At dahil nasa ibang bansa nga sina Atasha at Andres, hindi raw sila nagkukulang ni Charlene ng pangaral at pagpapa-alala sa mga ito. 

“‘Be slow to react and always treat people with kindness and respect—ALWAYS. No matter what,’” pa-sample ni Aga sa mga reminders nila.  

“Be slow to react meaning anger, alisin natin ’yung galit na inisyal. Social media people are reactionary and I don’t think it’s nice.  It’s not healthy.  That’s what I tell my kids growing up. 

“So, my kids were so quiet and behave. ‘And always be kind, not trusting. You never trust, wag tayong basta-basta magtitiwala.’ Pero it doesn’t mean na pag hindi tayo nagtitiwala masama na ang pakitungo natin. 

“Ibig kong sabihin p’wede kang maging mabait...parang hati, pero huwag mong ibibigay lahat ang tiwala mo. Always be kind. ’Yun lang ang sinasabi ko talaga.”

Samantala, dalawa na ang shows ni Aga ngayon sa NET 25, ang Tara Game, Agad Agad, na nagsimulang umere noong November 2021 at ang Bida Kayo Kay Aga, na mapapanood na sa March 26, Sabado 7PM.       

Mga ordinaryong tao ang bida sa Bida Kayo Kay Aga dahil magpi-feature sila ng mga taong tumutulong o nakatutulong sa kapwa nila kahit sila mismo ay may mga pinagdadaanan din sa buhay.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.