Couple Luis Manzano and Jessy Mendiola transfer to a new buntis-friendly home

“Hopefully, ’yong next house tour natin, ’yon na ’yong pinapatayo nating bahay,” say ni Luis Manzano. Ayon naman kay Jessy Mendiola, baka mangyari daw iyon sa taong 2025 pa.

Photos: @jessymendiola

“Hopefully, ’yong next house tour natin, ’yon na ’yong pinapatayo nating bahay,” say ni Luis Manzano. Ayon naman kay Jessy Mendiola, baka mangyari daw iyon sa taong 2025 pa.

Ipinasilip ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang nilipatang nilang rental home. 

Iyan ang naging content nila sa latest YouTube vlog ng nagdadalang-taong aktres nitong December 11.

Ayon kay Jessy, gustong-gusto nila ni Luis ang dati nilang bahay pero kinailangan daw nilang lumipat dahil sa kanyang pagbubuntis at nalalapit na panganganak. 

“Actually, love na love namin ’yung bahay na nilipatan namin last year. Kung matatandaan niyo, nag-house tour kami last year,” panimulang paglilinaw ni Jessy sa kanyang vlog.

“As much as we loved that house, we had to move to another rental home kasi ito na nga ang aming pinakabagong blessing sa aming buhay...kailangan safe ang bahay,” dagdag pa n’ya habang hawak ang kanyang baby bump.

Paliwanag pa ng aktres, bagama’t maganda ay hindi daw safe para sa mga gaya n’yang buntis ang dati nilang tirahan. 

“E, ang nauna naming rental home… Baka may magtatanong sa akin, ‘Bakit? May problema ba sa high ceiling pagka buntis?’ Pag hollow kasi, may space. P’wedeng malaglag sa stairs.mas mataas ’yong malalaglagan ng tao,” esplika ng soon-to-be mommy.

“At least ito, kumbaga, taas at baba, iisa lang ang daanan,” salo naman sa kanya ng mister n’yang si Luis.

Ipinasilip din ng dalawa ang kanilang dining area, breakfast nook, kitchen, living room, at bedrooms kung saan nakalagay ang mga dati na rin nilang furniture pieces. Bukod pa doon, meron ding, outdoor area, garden, at maliit na swimming pool sa labas, at home gym na sinetup ni Luis.

Ibinida pa ni Luis ang kanyang art collections na naka-display sa iba’t ibang bahagi ng bahay, habang ang kay Jessy naman ay ang koleksyon n’ya ng mga luxury bags. 

“Kaya namin nagustuhan ’yong bahay na ’to kasi sobrang simple lang din niya. At saka malinis,” lahad ni Jessy.

“Well-lit din,” hirit naman ni Luis sa sinabi ng kanyang misis.

“Maganda ’yong lighting sa bahay na ’to, ’no?” pagsang-ayon ng aktres.

Bukod pa doon, peaceful daw ang paligid nila doon. 

“At saka kapag lumabas ka, maaliwalas, mahangin, tahimik sa side na ’to. So, talagang nagustuhan namin ’yong feel...” sey pa ni Jessy.

“’Yong natural juju n’ya,” singit naman ni Luis. 

“Energy, kumbaga,” dugtong pa ng aktres. 

Sa ngayon ay abangan daw ang magiging hitsura ng baby room na inihahanda nila sa pag dating ng kanilang Baby Peanut. 

“Hopefully, ’yong next house tour natin, ’yon na ’yong pinapatayo nating bahay,” pagtatapos ni Luis. 

Ayon naman kay Jessy, baka mangyari iyon sa taong 2025 pa.

As of this writing ay umabot na sa 962K ang views ang bagong house tour vlog nina Jessy at Luis na mapapanood dito: 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.