Couple Ronnie Alonte and Loisa Andalio lost 1B worth of cryptocurrency after falling victim to basag-kotse gang

Tatlong iPhones daw ang natangay mula sa sasakyan nina Ronnie Alonte ng mga miyembro ng basag-kotse gang. Ang mga nasabing phones ay naglalaman ng details ng kanilang cryptocurrency account na naglasman ng more or less ay 1B peso digital currency.

Photos: @iamandalioloisa

Tatlong iPhones daw ang natangay mula sa sasakyan nina Ronnie Alonte ng mga miyembro ng basag-kotse gang. Ang mga nasabing phones ay naglalaman ng details ng kanilang cryptocurrency account na naglasman ng more or less ay 1B peso digital currency.

Nanlulumo ang magkasintahang Ronnie Alonte at Loisa Andalio dahil nawalan sila ng halagang P1 billion pesos in cryptocurrency nang manakawan ang kanilang sasakyan kamakailan last December 1.

Mabilis ang naging pangyayari dahil sandali lang nilang ipinark ang kanilang Wrangler Jeep Wagon sa harap ng isang building sa Bacoor, Cavite, kung saan naroroon ang coffee shop ng aktor.

Bibisitahin lang daw nila ang coffee shop that time nang maganap ang basag-kotse'ng krimen.

“Bale galing kami sa isang ganap tapos dumaan kami sa cafe namin, tutal naman 'yun na 'yung way namin malapit lang, e. Parang dumating kami 8pm, pasara na 'yung café,” salaysay ng aktor nang makapanayam ng press during their contract signing for Cathy Valencia clinic.

Dagdag naman ni Loisa: “Tapos balak namin mag-picture lang ng mga products, mga food, para may ma-post kami sa social media. And umalis na kami kagad siguro mga 9pm. Saktong-sakto papasara na 'yung cafe. Pag baba namin basag na 'yung sasakyan.”

“Ang nakakatakot pa du'n is tumambay ako sa terrace sa may labas," patuloy mi Ronnie. "May terrace dun, e. Naka-titigan ko pa 'yung bumasag ng sasakyan namin. Nakita ko 'yung mukha. Hindi ko nakitang binasag....kaya nu'ng nagka-police, nu'ng lumapit sa amin, hindi ko ma-explain sa kanila kung 'yun ba talaga 'yung bumasag.

"Na-confirm lang nung ni-review na sa CCTV. And hanggang ngayon iniimbestigahan pa rin nila. Hindi pa nahuhuli. Pero sana mahuli kasi ayaw namin na may mabiktima pa siyang iba.”

Tatlong iPhones daw ang natangay mula sa sasakyan nina Ronnie, kung saan naroon ang details ng kanilang cryptocurrency account. Sa tantiya niya ay hindi na niya mababawi pa ito.

Ang cryptocurrency ay digital currency na puwedeng ipambayad at ipambili.

“Bangko kasi namin nandun," saad pa rin ni Ronnie. "'Yung mga naka-save namin. Meron pa kaming crypto sa phone na nawala na may malaking halaga din. Kaya medyo nakakalungkot din. Ngayon wala na 'yung na-save namin. More or less, siguro 1B. Pag crypto mahirap kasi once na nawala, wala na talaga. So, hindi na mabablik."

“Hindi na siya nabubuksan kasi nasa cellphone talaga siya, e," dugtong naman ni Loisa. "Pag nawala na, kasama na 'yung value. Feeling ko hindi na nila makukuha kasi may password. Ire-report na namin sa bangko pero pag crypto kasi baka wala na kasi."

Feeling ni Ronnie ay nabenta na ng mga magnanakaw ang kanilang phones.

"Nabenta na ‘yun feeling ko. Kasi na-locate ‘yung cellphone namin sa Find My Phone, nandun na sa Festival Mall. Wala na, nabenta na ‘yun. May nakabili na. Pero okay lang. Safe na. Huwag na lang maulit.”

Pero ang nakakalungkot ay muling naulit ito sa bang tao.

"Kasi kinabukasan na nangyari sa basag-kotse namin, may binasagan ulit sila."

As preemptive measure, naglagay na raw sila ng security guard sa kanialng cafe.

“Nagkaroon na sa cafe namin ng security at naglalagay na rin sila ng CCTV para safe na. Tapos kinausap na rin nila kami na pag pupunta kami d'un may barangay [tanod] na nandun para safe.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: LoiNie couple—Loisa Andalio and Ronnie Alonte—celebrate their 67th monthsary in Dubai

Pika’s Pick: Kapamilya couple Ronnie Alonte and Loisa Andalio mark their 5th anniversary

Ronnie Alonte at Loisa Andalio, nag-live-in nga ba during the lockdown?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.