Cristine, kinailangang mag-explain sa anak kung bakit siya nagpapa-iyak ng ibang bata

PHOTOS: Anna Pingol & @cristinereyes

PHOTOS: Anna Pingol & @cristinereyes

Mukhang nasa change mode ngayon si Cristine Reyes dahil bukod sa pagtanggap sa isang hard-action role sa upcoming female-centric flick na Maria ay hindi rin siya nagdalawang-isip na i-overhaul ang look niya para sa isa pang kakaibang role sa sinu-shoot niya palang na thriller naman, ang Untrue with Xian Lim.

Tila graduate na si Cristine sa sexy-drama genre, kung saan siya umalagwa for the past several years. 

At ngayon, even sa mga TV roles, mas prefered na ni Cristine ang mag-kontrabida kumpara sa maging api-apihan. In fact, personal daw niyang ni-request kay Direk Ruel S. Bayani (also know by his initials RSB), na isa sa mga business unit heads sa ABS-CBN na kung bibigyan siya ng next role ay kung p’wedeng kontrabida naman.

“Two years ago, ginagawa ko palang ’yong Tubig at Langis sabi ko kay Direk Ruel, ‘Direk Ruel gusto ko naman ano gumawa ng bago… na hindi siguro yong inaapi, gusto ko naman yong something new na, alam mo ’yon na ma-explore ko naman ’yong other side of acting world na ako naman ’yong kontrabida, ako naman yong mang-aapi,’” kwento ni Cristine sa mga members of the press sa grand media conference ng bagong afternoon drama show ng ABS-CBN na Nang Ngumiti Ang Langit.

Hindi naman siya binigo ni Direk Ruel dahil siya na nga ngayon ang kontrabida sa nabanggit na drama show kung saan aaapi-apihin niya ang batang aktres na si Sophia Reola na gaganap bilang MikMik.

Pero noong tine-testing palang daw ang mga characters nila through VTR (video tape recording) ay nagkataong kasama niya ang four-year-old daughter niyang si Amara. Pina-akting daw sila ng isang “apihan” scene.

Pagkatapos daw noon ay tinanong siya ng anak kung bakit niya ginawa ’yon. “Sabi niya, ‘Mommy, why are like that?’” Cristine recalls. “’Yong [scene na] tinatapakan ko ’yong plant ni Mikmik?’ Sabi ko, ‘Baby, it’s just acting. Mommy’s just acting. Look at Mikmik (Sophia), she’s smiling. We’re just pretending.’”

Naiintindihan naman daw ni Amara at naka-tulong daw na nakita nitong naka-ngiti si Sophia pagkatapos. 

Pero ayon kay Cristine, may sariling bubog (or pain) din ang character niyang si Katrina kaya niya nagagawang apihin ang batang si Mikmik na lalabas na bale ay anak ng father-in-law niya (played by Dante Rivero) sa labas. Si Dante ang ama ng asawa ni Cristine, na in turn ay mapapatay ng ama ni Mikmik na gagampanan naman ni RK Bagatsing. Magku-krus ang landas ni Katrina at Mikmik matapos mamatay ang ina nito (played briefly by Kaye Abad) at dito na magsisimula ang bonggang pagko-kontrabida ni Cristine.

Sa ngayon ay hindi pa alam ni Cristine kung aabot sa puntong ia-arte niya na sinasaktan niya ng pisikal si Mikmik. Harsh pa rin daw ito para sa kanya. Puro kung hihingin ng eksena ay paniguradong keri naman ni Cristine tutal, sabi nga niya kay Amara, “we’re just pretending.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

WATCH: The Making of 'MARIA'

Self-made Cristine Reyes says: "Nobody really helps me financially."

WATCH: Cristine does a Thai accent

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.