Cristine Reyes, bad-ass ding manakot

Cristine Reyes (as Maya) is fated to be creeped out in “Hukay,” the pilot episode of Kagat ng Dilim, which premieres tonight at 9:30 PM on TV5.

Exclusive Photos courtesy of SariSari Channel

Cristine Reyes (as Maya) is fated to be creeped out in “Hukay,” the pilot episode of Kagat ng Dilim, which premieres tonight at 9:30 PM on TV5.

Sa dalawang magkasunod niyang pelikula last year, ang female-centric heavy action na Maria (directed by Pedring Lopez) at ang mystery thriller na Untrue (under Sigrid Andrea Bernardo), parehong bad-ass characters ang ginampanan niya.

As Maria, isa siyang retiring assassin na hinahabol ng kanyang past; while as Mara in Untrue, isa naman siyang enigmatic character. In both, para siyang dual characters and she can flawlessly shift from sweet to kick-ass sa Maria; and from lovable to demonic sa Untrue.

In both movies, napatunayan ni Cristine na malaki na talaga ang ini-unlad ng kanyang acting.

This time, isang horror project naman ang ibinigay sa kanya ng Viva, ang “Hukay,” na siyang pilot episode ng bagong horror anthology ng Viva at TV5 na Kagat ng Dilim.

We were privileged to have seen the finished product bago pa maipalabas sa TV.

In “Hukay,” Cristine plays as Maya—(coincidental lang kaya na magkaka-rhyme at nagi-start sa letter “M” ang mga nagiging character names niya?)—ang representative ng pamilya para bisitahin at asikasuhin ang mga papeles ng isang lumang-lumang resort na nasa isang liblib na bayan.

With the usual horror mechanism na nasiraan ng sasakyan at walang signal, napilitan si Maya at ang kanyang driver na mag-overnight sa resort, where she begins to encounter mga kakatwang happenstances.

Turns out, the townsfolk are worshippers of Sitan, na in Filipino mythology ay “the guardian of hell.” May nagsasabi naman na he is not just the guardian but the god of the afterlife himself.

In one of her aligaga scenes, aksidente niyang na-discover ang isang tunnel—the “hukay” —which is supposedly the gateway to hell.

Hindi na naming ibibisto kung ano ang naganap sa “hukay,” but we just wanted to say na Cristine Reyes once again delivered. This time, hahawahan ka naman niya ng takot niya. 

At in fairness, magaling din ang pagkaka-atake ni Sheree sa kanyang naïve-naïve-an probinsyana role. 

Ang gaganda din ng shots at ng mga pa-texture ni Direk Lawrence Fajardo. “Hukay” can stand as a movie at hindi lang isang TV episode.

Kagat ng Dilim is a very promising alternative sa mga formulaic drama shows at mga nakakautang contents ng mga nausong digital shows.

It premieres tonight, 9:30 pm, on TV5, with “Hukay” as the first of the 13 panakot episodes.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Heart Evangelista advocates for normalizing conversations about mental health at the Global Town Hall 2020

Sunshine Cruz, nagtataka sa “no more hot words” na payo ni Lolit Solis sa kanila ni Cesar Montano: "My ex husband is none of my business."

Joshua Garcia, aminadong "kinalawang" sa pag-arte sa pagbabalik-MMK niya

Jhong Hilario, girlfriend Maia Azores expecting first child

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.