Cristy Fermin, hindi kumbinsido na sina Paolo Contis at Yen Santos ang nasa kumakalat na video; nalalabuan din sa “paliguy-ligoy” na kuwento ni LJ Reyes

Komento ng radio and online show host na si Cristy Fermin sa naging interview ni LJ Reyes kay Boy Abunda: “Kapag lumuha ang babae, nakukuha ang otsenta porsiyento ng simpatya. Natural lamang ’yon. Pero kapag hindi diretso ang mga isinasagot at paliguy-ligoy nakakaramdam ng kalabuan ang mga nanonood, nakikinig.”

PHOTOS: @wonderwomom_janice, @lj_reyes, @paolo_contis on Instagram

Komento ng radio and online show host na si Cristy Fermin sa naging interview ni LJ Reyes kay Boy Abunda: “Kapag lumuha ang babae, nakukuha ang otsenta porsiyento ng simpatya. Natural lamang ’yon. Pero kapag hindi diretso ang mga isinasagot at paliguy-ligoy nakakaramdam ng kalabuan ang mga nanonood, nakikinig.”

Nalalabuan daw ang veteran showbiz news writer and radio/online host na si Cristy Fermin sa mga inilahad ng aktres na si LJ Reyes tungkol sa hiwalayan nila ni Paolo Contis.

Aniya sa kanyang radio and online show na Cristy Ferminute with Rommel Chika nitong nakalipas na Biyernes, September 3, naging paliguy-ligoy daw si LJ sa kanyang mga inilahad sa virtual interview nito with Boy Abunda hinggil sa paghihiwalay nila ni Paolo. 

Kapag lumuha ang babae, nakukuha ang otsenta porsiyento ng simpatya. Natural lamang ’yon. Pero kapag hindi diretso ang mga isinasagot at paliguy-ligoy nakakaramdam ng kalabuan ang mga nanonood, nakikinig,” panimula ni Cristy sa kanyang komentaryo.

Hindi daw kasi naging straight to the point ang Kapuso actress sa interview kaya tila masalimuot ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Paolo after being together for six years. 

Siguro ang inaasahan po ng ating mga kababayan, ‘Ganyan lang din at nagsalita ka na, bakit hindi mo pa tinumbok ’yong tunay na problema?’ Parang ganu’n. Lalo na ’yong tanong kung totoong may third party,” pagpapatuloy pa n’ya. 

Hindi rin daw s’ya kumbinsidong si Paolo nga ang lalaki na may kasamang babae na nakunan sa video na kumakalat ngayon sa social media. 

Meron po kasing ilang miyembro ng Maritess [makabagong bansag sa mga tsismosa] na naglabas ng video na nakatalikod ang isang babae at isang lalaki na naglalakad, parang sa park,” aniya. 

Ipinagpalagay po nila at napaniwala nila ang ibang tao na si Paolo Contis ’yon at saka si Yen Santos. Pero sa unang tingin pa lang, Romel, ako mismo ang nagsabi, hindi. 

Bulto pa lang ng pangangatawan at paglakad… Kilala natin sila, e, ’di ba? Hindi lang po dahil napapanood natin sila sa serye at mga pelikula kundi kilala natin sila ng personal. Nakikita natin ang galaw nila. Hindi po si Yen ’yong babae. Lalong hindi po si Paolo ’yong lalaki.

Mukhang ito daw ang nakarating at pinaniwalaan ni LJ kahit unverified kung sino talaga ang mga tao sa nasabing video. 

At ang sabi nga mga Maritess, ’yon daw ang ipinagpapalagay nila na ‘sighting’ na nakararating kay LJ Reyes. Parang ganu’n. E, hindi naman kasi sapat ang mga ganu’n,” pagpapatuloy pa ni Manay Cristy. 

Kaya nga tanong ng aking mga kaibigan, ‘Ganu’n pala ang nararamdaman n’yang lumalayo na ang loob ni Paolo sa kanya dapat naglaan na s’ya ng panahon na naupo sila habang tulog na ang kanilang mga anak para hindi marinig ang kanilang konbersasyon at kanilang argumento. Naglaan na dapat sila ng panahon para upuan kung ano ang mga problema.

Dagdag pa n’ya, hindi daw si Yen Santos ang babaeng naka-face mask at ka-holding hands ng lalaki sa video dahil hindi daw ganu’n ang katawan ng aktres. 

E, kung ang sightings naman na ipinadadala sa’yo, e, ganyan na ang katawan ni ‘Yen’ doon sa video ay walang hubog… Hindi po ganu’n ang katawan ni Yen. Nakikita naman po natin si Yen sa kanyang mga palabas na talagang kurbado ang katawan,” ani Manay Cristy. 

Kung ’yon daw ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ay parang nagpadala lang daw si LJ sa sulsol sa kanya ng mga nagpapadala ng video. 

E, kung ganu’n lang ang nakakarating sa’yo na mga sightings dapat hindi mo pinaniwalaan,” pag-oopinyon pa n’ya. “At dapat ’yong mga kaibigan mo na sinasabi mong nagmamalasakit at nagmamahal sa’yo… Ako, kapag nakipag-komprontahan ako kay Paolo Contis sasabihin ko ang mga pangalan. Mas maganda ’yon. Mas malinaw. Cards on the table.

P’wede naman natin ipaliwanag na, ‘Kasi nagmamalasakit sila sa akin. Nagmamahal sila sa akin. Kaya ’yan ang sinasabi nila.’ E, wala, e. Basta sinasabi n’ya mga sightings, may mga nakararating sa kanyang mga k’wento na hindi daw inaamin ni Paolo pero ramdam n’ya na totoo.

At kung nagsimula na daw na kutuban si LJ ay dapat daw nag-usap na silang mag-partner nang masinsinan para maliwanagan agad ang mga bagay-bagay. 

Ramdam mo na pala. Sana hindi mo na sinayang ’yong pagkakataon. Nagkomprontahan na dapat kayo, ’di ba?” sey pa ng showbiz talk show host.

Isa pa sa ipinunto n’ya ang hindi pagsagot ng direkta ni LJ kung may kinalaman ba ang pera sa paghihiwalay nila ng aktor na karaniwang mitsa ng misunderstanding ng mga mag-asawa ngayong may pandemic. 

Tinanong s’ya tungkol sa pera pero hindi rin s’ya sumagot,” lahad pa ni Manay Cristy. “Samantalang ito na nga at naglalabasan na ang mga k’wento na ngayong panahon ng pandemya na maraming showbiz couples talaga ang problemado. Una, matumal ang kanilang trabaho. Ang talent fee nila binawasan. 

Natural lamang na kung tayo ay namumuhay na mayroong pamilya magkakaroon ng pinansyal na hindi pagkakaunawaan dahil ’yong dati nilang kinagawian kinakapos sila ngayon.  Dapat ganu’n, ’di ba? E, hindi s’ya kumibo. So, very vague. Wala na namang malinaw na tinutumbok. Wala, e. 

’Yon siguro ang hinahanap ng ating mga kababayan na, ‘Bakit si ganito, kung magsalita dire-diretso?…’”

Unfair din daw na bansagang babaero si Paolo dahil sa pagkakakilala n’ya dito ay never daw itong namangka sa dalawang ilog muna pa noon.

Ako kasi ang natatandaan ko mula ng magkaroon ng relasyon si Paolo, maghihiwalay muna sila ng babae bago uusbong ang isang bagong pakikipagrelasyon,” pagre-recall ni Manay Cristy. 

Mula kay Nancy Castiglione at sa mga sumunod pa…wala kasi akong alam na pinagsabay n’ya. Kaya hindi naman po nararapat sigurong sabihin na ‘[ang] hilig-hilig [ni Paolo] sa babae. Napaka-playboy.’”

Nauunawan naman daw niya ang pananahimik ng Kapuso actor at ito ay dahil sa naging kaugalian na dito sa atin na sa tuwing may break up, mas pinipili ng lalaki na manahimik na lang bilang respeto sa babae at sa kanilang pinagsamahan.  

Sabi nila, ‘Bakit nananahimik si Paolo? Bakit ayaw n’yang sagutin ’yong mga binubweltang masasakit na salita sa kanya nitong ex n’yang si LJ?’ Ito lang po ’yon, sa kaugaliang Pilipino, mas tanggap po natin ang isang lalaking hindi madaldal,” paliwanag n’ya.

Ayaw po natin sa masyadong madaldal na lalaki dahil mababawasan ang grado n’ya bilang isang lalaki kapag sobra ang kanyang mga sinasabi at putak nang putak.

Hindi naman daw ’yon nangangahulugan na dahil tahimik s’ya ay hindi na s’ya nasasaktan. Sinasarili daw nito ang nararamdaman n’yang sakit. 

Pero sabi nga ni Manay Lolit Solis [talent manager ni Paolo], ‘hindi ngayon na nagsasalita ang lalaki ay hindi na s’ya nasasaktan. Hindi ngayon na hindi s’ya nagsasalita ay s’ya na ang lahat ang mga kasalanan.’ Di ba? Ganu’n lang ’yon,” aniya. 

Siguro si Paolo bilang isang ama, nirerespeto n’ya ang mga babaeng nakakarelasyon n’ya. Kahit kay Lian [Paz] naman hindi naman s’ya nagdadadaldal noon. Ngayon kay LJ wala rin tayong naririnig [mula sa kanya].”

Kung may makakaayos man daw ng problema nina Paolo at LJ ay silang dalawa lang ’yon. 

Saka tama ’yong katwiran ng lalaki na batuhin man s’ya nang batuhin ni LJ ng kung ano-anong argumento o kung anu-anong kasalanan, silang dalawa pa rin ang tanging nakakaalam ng kanilang problema. Kaya ang solusyon hawak nilang dalawa ’yon, wala kanino mang malapit sa kanila.

At meron bang nakipaghiwalay na manhid? Natural, anim na taon silang nagsama, meron silang anak, hindi po ba aaray ang lalaki sa pagkabigo ng isang relasyon. Hindi totoo ’yon. Pareho silang nasasaktan. Pareho silang may dinadala sa kanilang dibdib ngayon.

Pagbibigay-diin pa n’ya sa pananahimik ni Paolo ngayon, “Dapat, hinay-hinay lang sa pagsasalita. Alam n’yo naman kapag dumarating ang mga araw na ang daming natuklasan ng publiko, hindi ba, ikinukumpara ang madadaldal na artista sa pusa. Kinakain ang sariling suka. 

Kaya mas safe na ’yong wala kang sasabihin. At bilang respeto na rin siguro kay LJ at kay Lian Paz, mga ina ng kanyang mga anak, talagang hindi n’ya ito sasagutin nang punto por punto,” pagtatapos ni Manay Cristy.


 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Paolo Contis gives partner LJ Reyes his 100 percent support: “Ako na bahala mag-assistant sayo…”

Celebrity mom LJ Reyes faces the challenge of online schooling; breaks down in frustration over internet service problems

Showbiz colleagues and Netizens lavish Paolo Contis and Alessandra de Rossi with praises after viewing their Through Night & Day on Netflix

Pika's Pick: LJ Reyes, masayang-masaya sa online success ng Through Night & Day film ni Paolo Contis; finally raw ay alam na ng mga tao kung gaano ka-galing na aktor ang partner niya

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.