Hindi daw naniniwala ang showbiz news columnist and host na si Cristy Fermin na prank lang ang naging ganap nina Allan K at Ahron Villena sa Boracay.
Nitong mga nakalipas na araw kasi ay pinag-usapan sa social media ang dalawa matapos mag-post si Allan K ng mga tamis-tamisan photos nila ni Ahron sa Instagram na kinunan habang nagbabakasyon sila Boracay.
Maraming netizens tuloy ang nagkaroon ng espikulasyon na may tila may relasyon ang Eat Bulaga co-host at ang model-actor. May photo pa kasi ang dalawa na nakangiti habang nagtititigan.
However, matapos kagatin ng media ang paandar nilang ito ay kaagad ding shinut down ni Allan ang rumor at sinabing prank lang ang lahat.
“And now the reveal- it's a prank!!!! Thank you sa mga pumatol sa earlier posts namin. Isa lang siyang malaking playtime. Peace everyone,” sey ni Allan sa kanyang Instagram post last December 18.
Kalakip nito ang isang short video kung saan makikitang orchestrated ang posing nila Allan at Ahron dahil nakapaligid sa kanila ang kanilang mga kasamang kaibigan na siyang nagsu-shoot ng video at photos.
Pero hindi daw kumbinsido si Manay Cristy na prank lang ito.
“Tantanan ako ng dalawang baklang ’yan at baka pagbuhulin ko sila,” pahayag n’ya sa kanyang radio and online show na Cristy Ferminute kahapon, December 20, nang mahingi ang reaksyon n’ya tungkol dito.
Direktang pag-a-address pa n’ya sa dalawa, “Hoy, mga bakla, lokohin n’yo na ang iba ’wag lang kami. Unang-una, sasama sa inyo si Ahron Villena sa Boracay? E, hindi n’yo naman s’ya ka-close, hindi n’yo s’ya ka-tropa. O, kelan naisulat na barkada n’ya [ni Ahron] si Allan K at Paolo Ballesteros? Wala. Pero bakit kasama n’yo ngayon sa Boracay? Ibig sabihin nagkaroon ng pag-uusap ’yan.”
Pagsisiwalat pa n’ya sa show, ugali daw talaga ni Ahron na pumatol sa sinumang nagbibigay ng offer dito.
“Itong Ahron Villena na ’to… Hindi lang naman ngayon ’yan, e. Ang dami-daming nali-link sa kanya na pinapatos n’ya, mga rich gay businessmen. Pupunta sila ng ibang bansa. Picture-picture sila, kunwari magkahiwalay, iisa naman ang background. So, sino ang niloloko mo? E, ’di kayo lang, ’di ba?” dire-diretsong banat n’ya without mincing her words.
Maging si Allan din daw ay mahilig mag-offer kapag alam daw nitong tumatanggap ang lalaki, at sa scenario ngang ito ay si Ahron ang tinutukoy n’ya.
“Alam mo naman si Allan K, magaling din sumisid sa issue ’yan. Kapag nalaman n’ya na game ang lalaki, why not coconut, ’di ba?” aniya.
Nadamay pa sa isyu ang basketbolistang si James Yap na binigyan din daw noon ni Allan ng sapatos.
“Unang-una, Allan K, idini-deny mo lang pero, ’di ba, ikaw din naman ang unang nagbigay ng sapatos ni James Yap? Dini-deny mo na lang ngayon ’yan pero dati pang usapin ’yan,” sabi pa ni Manay Cristy.
“Sa totoo lang, ang dami-dami mo naman talagang tinutulungang lalaki tapos itong kay Ahron ‘it’s a prank’? Playtime? Naku, ’day, hindi kami ipinanganak kahapon. Hindi namin paniniwalaan ’yan, Allan K,” patuloy pa n’ya.
“Magalit ka na sa akin hangga’t gusto mo, magtampo ka na hanggang gusto mo, wala akong pakialam pero hindi ako magpapaloko sa’yo.”
Bahagya namang kumambyo ang beteranang showbiz news writer kay Ahron na isa daw sa mga mahal n’yang artista pero hindi daw s’ya sang-ayon sa mga ginagawa nito pagpatol.
“Mahal ko si Ahron. Mahal na mahal ko si Ahron. Kasama s’ya sa listahan ng mga mahal kong artista. Pero hindi ko gusto ’yong ginagawa n’ya. Ang dami-dami n’yang ginagawa na ewan kung saan n’ya pinag-aapuhap ’yang mga ganyan n’yang ginagawa,” pagtatapos ni Manay Cristy.
At press time ay wala pang sagot sina Allan K at Ahron sa mga naging pahayag ni Manay Cristy.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber