Cristy Fermin, nagdadalawang isip paniwalaan na malala ang sakit ni Kris Aquino matapos umano nitong makapag-text ng “kilo-kilometrong” mensahe ng pagbibintang at panunumbat sa kanya

Cristy Fermin to Kris Aquino: “Kung ikaw ay may matinding sakit, kung ikaw ay masyado nang nasasaktan sa sakit mo, kung hindi mo na alam kung paano ka mabubuhay dahil sabi mo nga, umaasa ka na lang panalangin at biyaya ng Diyos...bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya, kilo-kilometriko para lang sumbatan mo ako na birahin at tirahin na kita huwag ko lang idadamay ang dalawang anak mo dahil kapag nawala ka ay paano na sila? “Never kong pinag-usapan si Josh at si Bimby sa isang negatibong aspeto. Kaming tatlo [nina Romel at Morly], mag-usap man kami tungkol sa dalawang anak mo, ’yun ay kakambal nang panalangin namin para sa iyo!”

Photos: @akosilolitsolis / @krisaquino

Cristy Fermin to Kris Aquino: “Kung ikaw ay may matinding sakit, kung ikaw ay masyado nang nasasaktan sa sakit mo, kung hindi mo na alam kung paano ka mabubuhay dahil sabi mo nga, umaasa ka na lang panalangin at biyaya ng Diyos...bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya, kilo-kilometriko para lang sumbatan mo ako na birahin at tirahin na kita huwag ko lang idadamay ang dalawang anak mo dahil kapag nawala ka ay paano na sila? “Never kong pinag-usapan si Josh at si Bimby sa isang negatibong aspeto. Kaming tatlo [nina Romel at Morly], mag-usap man kami tungkol sa dalawang anak mo, ’yun ay kakambal nang panalangin namin para sa iyo!”

Nagpupuyos ang damdamin ng beteranang manunulat at online show host na si Cristy Fermin nang humarap siya sa audience ng dalawa niyang online shows—ang Cristy Ferminute sa Radyo5 92.3 News FM at Showbiz Now Na (SNN) sa YouTube—kahapon, Hulyo 7.

Sa panimula ng manunulat at vlogger sa Showbiz Now Na, ipinagtanong pa muna umano niya ang numerong lumabas sa kanyang telepono dahil hindi ito naka-rehistro sa kanya. Ayaw umano niyang patulan agad dahil baka raw kasi ma-fake news siya.

Nang ma-beripikang kay Kris nga mismo nanggaling ang “pagkahaba-habang” text, at saka na nagbigay ng kanyang side ang manunulat.

Ayon daw kasi kay Kris, pinakitaan daw siya ng anak niyang si Bimby ng isang video na naglalaman ng mga ayon kay Cristy ay pinagtagpi-tagping opinyon niya sa kanyang mga online shows na may kinalaman kay Kris at sa mga anak nito.

Dahil sa napanood ay tila lubos na naapektuhan si Kris kung kaya nakapag-text siya kay Cristy na ang dating sa manunulat ay naninita na hindi naman ikinatuwa ni Cristy, partikular ang patanong na linya umano ni Kris na: “Ano ang atraso nina Joshua at Bimb sa’yo?”

“Pumasok siya sa laban na hindi niya alam kung ano ang laman!,” saad niya sa viewers at sa mga co-hosts na sina Morly Alinio at Romel Chika.

“Binasa ko ng dalawang ulit [ang text]. Isang araw mayroon daw pong ipinapanood na video sa YouTube sa kanya si Bimby, pinagtagpi-tagpi raw iyon, sinamarize, pinagdikit-dikit at pinag-ipon-ipon ang aking mga komento. Yun ang kanyang ikinagagalit at talaga namang matatalim ang mga salita niya.”

Sabi pa raw ni Kris sa manunulat: “Birahin at tirahin mo na ako hangga’t gusto mo, huwag mo lang idamay ang dalawang anak ko.”

Ipinakita sa SNN ang bahagi ng text message ni Kris na ipinadala niya kay Cristy na nagsasaad na: “You can never like me again, super gets na gets ko ‘yun but Kuya Josh and Bimb wala silang atraso sa’yo, so please tita Cristy spare my sons.”

Ang punto ng mama nina Joshua at Bimby ay napag-usapan daw kasi nina Cristy, Romel Chika, at Morly Alinio ang mga anak niya sa vlog nila na walang komunikasyon sa mga ama nilang sina Kuya Phillip Salvador at James Yap.

“Sabi niya (Kris), bakit siya pa rin daw ba ang nagkulang? Siya pa rin daw ba ang mali? Siya pa rin daw ba ang dapat sisihin?” saad ni Cristy, interpreting Kris’s message.

Sa pagpapatuloy ni Crisy: “Unang-una niyang sinabi, si Robin Padilla panay-panay ang pangungumusta sa akin, sila raw ni Mariel [Rodriguez-Padilla], ito naman daw si Kuya Ipe [Salvador] ay bestfriend ni Senator Bong Go at isa pa nilang kaibigan na si Jonathan So. Alam daw ng dalawang ito ang kanyang number.

“Si James Yap naman daw ay alam ang kanyang numero ng mayor ng San Juan, si Francis Zamora at mayroon din daw silang abogado na si Atty. Sigfried Fortun na alam din ang kanyang telepono.

“Pero kahit alam daw alam ni kuya Ipe at ni James,  walang komunikasyon sa kanilang mga anak, hindi raw nagre-reach out.  Napakadali raw po ng paraan para makapag-communicate si kuya Ipe at si James Yap kina Josh at Bimby pero hindi nila ginagawa.”

At dito na nagtanong si Cristy sa mga co-hosts kung may natatandaan ba ang mga to na episode nila kung saan nila pinag-usapan ang dalawang anak ni Kris at sa kawalan ng komunikasyon ng mga ito sa kanilang mga ama.

“Never napag-usapan ’yung ganu’n!” sabi ni Romel.

“Ang naalala ko Ate Cristy ’yung sustento,” sabi naman ni Morly. “Sabi ko nga, bilang isang ama dapat nandoon ka para magbigay ng sustento.”

Sundot ni Cristy, “Sabi mo [Morly] pa nga kahit mayaman si Kris obligasyon ni kuya Ipe na sustentuhan kasi anak niya ’yun.”

“So, nakinig po siya [Kris] doon sa sinamarize na ‘Ayon kay Cristy Fermin, sabi ni Cristy na ganito, ganyan-ganyan,’” balik ni Cristy kay Kris. “Pumasok siya sa laban na hindi niya alam kung ano ang laman!

“Kulang na lang po ay magtayo kami ng kulto o relihiyon para mang-imbita ng mga miyembro sa Pilipinas para ipagpatuloy ang pananalangin kay Kris Aquino para maligtasan niya ang kanyang sakit ngayon,” pagpapatuloy ni Cristy, addressing her viewers.

“Sina Josh at Bimby ay ikinakambal natin sa panalangin!  Ang iniisip natin ay paano kung mawala si Kris kawawa naman ang dalawang bata...”

“Ang nakapagtataka bumira na naman siya ngayon, nagsalita na naman siya ngayon ng hindi man lang niya inaral kung ano ba talaga ‘yung puno’t dulo,” singit ni Morly.

“Dapat ang Showbiz Now Na o Cristy Ferminute ang kanyang pinanonood o ipinanood ni Bimby sa mommy niya para wala tayong maitatago pag andiyan na ’yung video.”

“Saka ’Nay, si Kris Aquino ’yun!  Alam niya ang takbuhan ng mga gossip dito sa Pilipinas at mga vloggers,” saad naman ni Romel.

“Tayo ang kino-content ng mga vloggers, Ate Cristy, na in a way nagkakaroon ng mga negatibo [na inputs] para mapansin sila at makakuha ng viewers,” katwiran naman ni Morly.

“Kurek! Tinataytelan ng iba!” susog ng beteranang manunulat.

Ipinagtataka ni Cristy ay kung bakit mas pinili pa ni Kris paniwalaan ang mga spliced videos kesa sa mga aktwal niyang online shows. At mas ipinagtataka umano niya ay kung saan pa kumuha ng lakas ang tinaguriang Queen of All Media para makapag-text nang mahaba gayung panay ang inda nito sa mga pinagdadaan dala ng kanyang mga sakit.

“Ito po ay ibabalik ko kay Kris Aquino,” patuloy ni Cristy. “Kung ikaw ay may matinding sakit, kung ikaw ay masyado nang nasasaktan sa sakit mo, kung hindi mo na alam kung paano ka mabubuhay dahil sabi mo nga, umaasa ka na lang panalangin at biyaya ng Diyos...bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya, kilo-kilometriko para lang sumbatan mo ako na birahin at tirahin na kita huwag ko lang idadamay ang dalawang anak mo dahil kapag nawala ka ay paano na sila?

“Never kong pinag-usapan si Josh at si Bimby sa isang negatibong aspeto. Kaming tatlo [nina Romel at Morly], mag-usap man kami tungkol sa dalawang anak mo, ’yun ay kakambal nang panalangin namin para sa iyo!”

“Tapos sabi niya [Kris], ‘Alam ko namang fair ka!’” natatawang dagdag ni Cristy. Matapos niya akong pakainin ng paghusga ng wala namang katiyakan” 

“Ang basa ko rito, mayroon siyang gustong sabihin kay kuya Ipe at kay James Yap bilang mga ama nina Josh at Bimby na hindi niya madiretso!” pag-aanalisa ni Cristy.

“Idadaan pa sa akin dahil siguro ayaw niyang ibaba ang kanyang pride, ayaw niyang ibaba ang kanyang pagkatao na kokontakin niya ’yung dalawang ama ng anak niya para lang magkaroon ng komunikasyon.

“Pupuwede naman niyang gawin ‘yun!  Sabi niya kay Senator Bong Go at Jonathan So at kay Atty. Sigfried Fortun na ang number niya ay alam ni James at ni kuya Ipe at alam ni Robin ‘yung kay kuya Ipe, bakit hindi pa niya diretsuhin?”

“Maling-mali. Unang-una, walang atraso sa akin ang mga anak mo!  Saan mo ba kinuha ang tanong na ’yan?” iritadang hirit muli ni Cristy kay Kris.

“Dalawang bata bibirahin ko? Dalawang bata na hindi na nga malaman ngayon ang gagawin kung paano sila magdarasal mabuhay ka lang para huwag mo silang iwanan.

“Kris, kung alam mo lang, may mga pagkakataon nga na mas mahaba pa ang dasal ko para sa iyo at para sa mga anak mo kaysa sa personal kong mga kailangan sa Diyos.”

Sa isang punto ay deretsahang ding in-address ni Cristy ang binatang anak ni Kris na si Bimby.

“Bakit Bimby binigyan mo pa ng video ang mommy mo na pinagtagpi-tagpi at sinamarize para maka-apekto sa kanya? Di ba dapat iniiwas na natin ang ating magulang sa sobrang sama ng loob at mga bagay-bagay na ikinaapekto ng kanyang pagkakasakit, itinatago na natin ’yun?”

May pagkakataon din na nagbalik-tanaw ang manunulat sa naging relasyon nila ni Kris through the years.

“Sa maraming pagkakataon, alam mo ito Kris, hindi kasi ako mahilig manumbat, sa rami ng giyerang pinasukan mo sa karera at buhay mo, ako ‘yung unang-unang sumasalag ng bala na tatama sa’yo.

“Nu’ng one time tinext mo pa si Willie Revillame, ‘Please say thank you to nanay Cristy.  Hindi naman niya anak si Bimb pero siya pa ‘yung nagtanggol sa anak ko nu’ng pinagbintangan ni Jay Sonza na bakla si Bimby.’ Nagpa-thank you pa siya sa akin sa pamamagitan ni Willie Revillame. 

“At sa marami pang ibang giyera, ako ‘yung pinaka-matapang mong sundalo, Kris, pero ako rin ang pinaka-matapang mong sundalo na hindi kumakampi sa’yo kapag mali ang mga ginagawa mo gaya nito!”

Para kay Cristy, mas lalo umano siyang nakaramdam ng awa kay Kris dahil sa huling actuation nito sa kanya. In short, tingin niya ay pathetic na ang actress-host.

“Awang-awa ako sa iyo, isipin mo nakalugmok ka na, me sakit ka na pinapaniwala mo kami at ang buong sambayanan na napakatindi ng sakit mo na kailangan kang dalhin sa Houston na sabi mo, ‘Time is my enemy.’

“Nag-pribadong eroplano ka na para lang makahabol sa gamutan sa Houston pero ano’ng ginawa mo? Sa isang napakaliit na bagay na hindi mo pa sigurado kung tama ka, hinusgahan mo na ako!

“Walang atraso sa akin ang mga anak mo! Ikaw paminsan-minsan meron, pero pusong ina ako. Minsan isang panahon, anak kita at nanay mo ako. Minsan isang panahon may maganda kang nagawa sa akin, minsan isang panahon binigyan o ako ng importansiya hindi ko ’yun malilimutan Kris Aquino.

“Kung paano mo ako hinusgahan ngayon, kung paanong sinabi mo na huwag na huwag kong bibirahin ang mga anak mo at ikaw na lang... sana wala kang stiff neck, sana maalala mo rin ang mga panahong nagpapasalamat ka sa akin na ako ang pinakamatapang mong sundalo sa lahat ng laban na pinapasok mo.

“Sa puso ko mahal ko si Kris, ipinagdarasal ko siya palagi. Alam n’yo ba may mga pagkakataon na may mga kailangan akong personal sa buhay ko, katawan ko, ang mga anak ko, ang mga apo ko, ang buhay sa pangkalahatan mas mahaba pa ‘yung panalangin ko para kay Kris at para kay Josh at kay Bimby. 

“Naniniwala ako sa mga pino-post niya na parang ito na ’yung huling biyahe ng buhay pero ngayon nagdadalawang-isip ako [dahil] sa ganito kaliit na bagay tungkol sa mga ama ng mga anak mo, nagawa mo akong sulatan, nagawa mo akong husgahan at pagbintagan samantalang lugmok ka na sa pagkakasakit, ayon sa’yo. 

“Paano mo ako mapapaniwala ngayon na dapat kitang kaawaan dahil sa mga pino-post mo na parang wala ng bukas sa buhay mo?  Nakakalungkot!” litanya ni Cristy kay Kris.

Dagdag na tanong pa niya: “Ano ang motibo mo sa akin para ibagsak mo ang lahat ng sama ng loob mo kay Phillip Salvador at kay James Yap?  Kawalan ng komunikasyon?  Hindi ko problema ‘yan.  Hindi tinatawagan ng dating karelasyon mo ng dalawang anak mo? Lalong hindi ko problema yan.

“Bakit ako?  Ako ba ang nakarelasyon mo?  Ako ba ang nakapareha mo sa paglipad sa kaligayahan? Never! Si kuya Ipe ’yun at si James Yap.”

Suhestiyon pa niya:

“Kung nakaya mong makipagrelasyon at magmahal, Kris, hindi lang laway ang nilulunok, pati ang pride. Kung totoong ang malasakit mo ay para sa mga anak mo, kausapin mo ang mga tatay nila.  Ikaw mismo ang dumiretso. Huwag mo na akong gamitin. Ikaw ang dumiretso para magkausap kayo. huwag kang manggamit ng ibang tao.”

Payo pa ni Cristy, imbes umanong i-stress-in ni Kris ang sarili sa mga ganitong panunumbat at pagte-text nang mahaba ay ipahinga nalang ang katawan para sa lubusang paggaling.

Bukas ang pikapika.ph sa panig ni Kris o ng kampo niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mga dagdag-sakit ni Kris Aquino, “life threatening” na; pakiusap sa bashers: “Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao…please don’t punish kuya & bimb for being my sons.”

Cristy Fermin, ipinagtanggol si Ella Cruz mula sa mga bumabatikos dahil sa kanyang “History is like chismis” statement

Kris Aquino, may mensahe sa mga “pumapatay” sa kanya: “Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because kuya Josh & Bimb still need me.”

Cristy Fermin, nauunawaan ang pagbawi ni Rey “PJ” Abellana sa mga nasabi sa programa niya; pero mensahe niya kay Carla at Tom: “Umayos kayo. Lalo ka na, Carla.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.