Cristy Fermin, niresbakan si Kris Aquino dahil sa panlalaglag daw kay Mr. Fu: "Magdi-dildil ako ng asin 'wag ka lang makasama dahil sa pananakit mo sa mga kasama at kaibigan namin...”

PHOTOS: Cristy FerMinute via News5 on Facebook & @krisaquino on Instagram

PHOTOS: Cristy FerMinute via News5 on Facebook & @krisaquino on Instagram

Nireresbakan ngayon ng veteran showbiz writer and radio talk show host na si Cristy Fermin si Kris Aquino dahil sa umano ay pagpa-powertrip at panlalaglag nito sa kasamahan sa trabaho at personal na kaibigan na si Mr. Fu (Jeffrey Espiritu in real life). 

Nag-ugat ang lahat sa offer kina Mr. Fu, talent manager/showbiz writer na si Lolit Solis at showbiz columnist Cristy Fermin na maging part ng digital talk show ng tinaguriang Queen of Talk na si Kris Aquino.  

Ang tatlo ay kasalukuyan ng mga hosts ng successful online show na Take It... Per Minute (Me Ganon?) na naka-Live sa Facebook page ng Pilipino Star Ngayon tuwing Martes ng tanghali.

Nasa 20 minutes umano ang segment kung saan ilalagay silang tatlo na magkakaroon ng interaction with Kris habang nasa ibang studio naman ito. 

Ayon sa pahayag ni Cristy sa radio show n'ya na Cristy Fer Minute, kasama daw sa first meeting si Mr. Fu noong pinaplantsa pa ang project. 

However, after daw na maibigay ang demands nila, nag-text daw si Kris na gusto daw nitong sina Lolit at Cristy na lang ang isama sa show dahil nga nagkasama na rin sila sa mga shows before. Nakasama ni Kris si Lolit sa Star Talk at si Cristy naman sa The Buzz

Ang ikinasama daw ng loob ni Cristy ay ang pahayag ni Kris na ayaw nitong makasama sa show si Mr. Fu dahil hindi n'ya daw kilala ang radio-TV host at hindi nila ito ka-level.

"Sabi ni Kris Aquino, kami lang daw ni Manay Lolit ang gusto n'yang makasama. Hindi daw n'ya kilala si Mr. Fu at hindi namin ka-level," k'wento pa ni Cristy sa radyo last November 4. 

Nanumbalik daw kay Cristy ang ginawa noon ni Kris sa Cristy Fer Minute co-host n'yang si Wendel Alvarez noong 2018, kung kailan hindi rin ito pinasali ni Kris sa programa nang mag-guest ang huli dito.

"Ako po at si Manay Lolit ay nasaktan para kay Mr. Fu," lahad pa ni Cristy. "Kasama namin si Mr. Fu. Alam namin kung paano makipagkaibigan at makisama, team player. At napakasayang kasama ni Mr. Fu. 

"At may naabot na rin naman si Mr. Fu sa linyang kanyang kinabibilangan. 'Yong 'Me Ganon?' nga n'ya ginagaya kahit saan, e. Bakit hindi n'ya kilala si Mr. Fu?"

Kwento pa ni Cristy, pinabasa daw nila kay Mr. Fu ang laman ng text ni Kris kung saan sinabi diumano nito na ayaw s'yang kasama ng aktres sa talk show. 

Tinanggap naman daw 'yon ni Mr. Fu at sinabing: "Nanay, 'wag ka na magalit. Keri ko 'to.

However, halatang nasaktan daw noon si Mr. Fu sa kanyang nabasa.

"Pero ang boses ni Mr. Fu parang naghihintay ng yakap," paglalarawan pa ni Cristy. "Parang ninakawan s'ya ng self-esteem. Parang minenos s'ya. Parang minaliit—na hindi na nga parang dahil 'yon talaga ang kanyang nararamdaman." 

Aware umano si Cristy na naiyak ang radio DJ/host nang magpunta ito sa rest room after nilang ipabasa ang text. At nang tanungin n'ya daw ito ay nagdahilan si Mr. Fu na naghilamos lang daw. 

"Hindi naghihilamos si Mr. Fu sa Take It... Per Minute dahil naka-make up na s'ya pagdating," diin pa ni Cristy. "Ang ginagawa na lang n'ya, nagre-retouch na lang. So, nagsumbong ang puso n'ya sa mga mata. Umiyak 'yong tao, 'di ba? Hindi na ako napakali noon."

At doon na daw nag-decide ang beteranang showbiz news writer and radio host na 'wag nang ituloy ang nakatakda nilang pagsasama-sama nina Kris sa talk show nito. 

"Heto na naman si Kris," pahayag pa ni Cristy. "Minsan na n'yang ginawa kay Wendel Alvarez, heto na naman ang pagiging power tripper n'ya. Power trip 'yon, e. Para sa akin, power trip 'yon. Nandun 'yong tao nu'ng nag-meeting... tapos bigla n'yang ilalaglag?"

At dito na bumwelta si Cristy kay Kris Aquino.

"Ilang ulit ka nang nadapa,” pag-a-address niya kay Kris. “May kasabihan, hindi ito k'westiyon kung ilang ulit ka nang nadapa dahil ang pinakamahalaga ay ang pagbagon. Ilang ulit ka nang sinaktan ng tadhana. Ilang network na ang nilapitan mo at hindi ka tinanggap. Bakit pati 'yong ilang proyektong indibidwal na dapat gagawin mo tulad nu'ng sa amin hindi rin natuloy... 

"Dahil sa pagpa-power trip mo," pagpapatuloy ni Cristy. "Parang ikaw pa rin ang reyna na nakaupo sa pulpito na may trono at korona... Bakit mo sinaktan 'yong kaibigan namin samantalang hindi mo naman s'ya kilala kung ano ang buhay n'ya?

Dagdag pa niya: "Kris, kung alam mo ang buhay ni Mr. Fu baka lumuluhod ka ngayon na lumalapit sa kanya sa pagmamakaawa na patawarin ka. 

"Hindi mo alam kung ano ang papel ni Mr. Fu sa kanyang pamilya. Hindi mo alam kung ilang tao ang tinutulungan n'ya araw-araw. Tapos ilalaglag mo? Sasaktan mo kami?

Madiin ding sinabi ni Cristy na hindi daw sila tatanggap ng trabaho kung si Kris ang kanilang makakasama.

"Sabi nga ni Manay Lolit, kahit bigyan mo pa kami ng tigi-tigisang branch ng PureGold hindi naman gagawin ang proyekto kung ikaw ang kasama. 

"At ako mismo. Kahit ano pa ang gawin mo. Kahit ano pa ang gawin ni Chuck Gomez na panliligaw sa akin, kay Manay at kay Mr. Fu, hindi bale na lang. 

Sey pa ni Cristy: "Magdidildil ako ng asin, Kris Aquino, 'wag ka lang makasama dahil sa pananakit mo sa mga kasama at kaibigan namin na hindi mo kilala kung ano ang papel [nila] sa buong mundo."

 
Nilaglag umano ni Kris Aquino si Mr. Fu sa isang project, ayon kay Cristy Fermin

#CristyFerminute | Naglabas ng sama ng loob si Cristy Fermin laban kay Kris Aquino matapos ilaglag umano niya si Mr. Fu sa isa nilang proyekto. Nasaktan daw si Nay Cristy sa text ni Krissy na nagsasabing sila lang ni Lolit Solis ang gusto niyang makasama sa project at 'di raw nila ka-level si Mr. Fu. "Bakit mo sinaktan 'yung kaibigan namin? Samantalang 'di mo naman siya kilala kung ano ang buhay niya."

Posted by News5 on Wednesday, November 4, 2020

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Lolit Solis, aminadong posibleng na-i-miscommunicate kay Cristy Fermin ang pag-ayaw umano ni Kris Aquino kay Mr. Fu; dahilan para mag-back-out si Cristy

Pika's Pick: Mr. Fu, touched sa hindi pang-iiwan sa kanya nina Lolit Solis at Cristy Fermin sa gitna ng alok na talk show with Kris Aquino

Mr. Fu, malaki ang pasasalamat kay Cristy Fermin sa mga naitulong nito sa kanya noon at sa pagtatanggol sa kanya ngayon

Talk show with Kris Aquino, tinabla nina Lolit Solis at Cristy Fermin dahil kay Mr. Fu

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.