Ngayong araw, December 1, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nag-post si Kapuso Primetime Queen na si Marian ng isng glam shot niya kasama ang maikling caption na: “Honored.” Kasunod nito ang isang crown emoji at picture ng tila kalawakan. Tinapos niya ang post with a hashtag na “Grateful.”
Dahil dito ay mas lalong umugong ang spekulasyon na siya nga ang sikat an aktres na tinutukoy sa mga blind items na magda-judge sa nalalapit na Miss Universe 2021 na gaganapin sa bansang Israel on December 12.
Ang isa sa mga unang nag-like ng Instagram post na ito ni Marian ay ang kanyang Mister, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Isang “Miss u…” kasunod naman ang mga winking face at kissing face emojis.
Double meaning ang dating ng reply na ito ni Dingdong, na kasalukuyang nasa lock-in taping pa rin. Ang Miss U, can stand as as shortened Miss Universe at p’wede rin namang shortened version ng “I miss you.”
Pati ang mga kapwa celebrities ni Marian, na tila may alam sa napipino niyang pagda-judge sa Miss U, ay nakibunyio by sending either warm greeting of applause or heart emojis. Kabalikang doon sina Julie Anne san Jose, Kim Molina, Chynna Ortaleza, Boobay, Aira Bermudes, Rajo Laurel, at ang beauty queen na si Lara Quigaman.
Wala pang direaktang kumpirmasyon mula sa GMA-7 at sa kampo ni Marian tungkol sa balitang ito. Pero kung tama ang ilang impormasyon na nakararating sa amin, tila sa December 5 na ang lipad ni Marian papuntang Israel kasama ang kanyang glam team.
Ang balitang pag-alis na ito ni Marian ang masasabing unang out-of-the-country trip niya maula nang mag-pandemic.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber