Cryptic Instagram posts ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig, pinaghihinalaang “promo.”

Maraming pinakabang fans ang mag-asawang Chito at Neri Miranda dahil kapwa sila nag-post kahapon, July 27, ng mga “cryptic messages” sa kanila-kanilang Instagram accounts na tila patungkol sa isang tila gumuguhong relasyon. Naging dahilan para mag-trending pa ang #ChitoNeriForever sa Twitter.

PHOTOS: @chitomirandajr on Instagram

Maraming pinakabang fans ang mag-asawang Chito at Neri Miranda dahil kapwa sila nag-post kahapon, July 27, ng mga “cryptic messages” sa kanila-kanilang Instagram accounts na tila patungkol sa isang tila gumuguhong relasyon. Naging dahilan para mag-trending pa ang #ChitoNeriForever sa Twitter.

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang estado ng relasyon ng celebrity couple na sina Chito Miranda at Neri Naig.

Kapwa kasi nag-post kahapon, July 27, ang dalawa ng “cryptic messages” sa kanila-kanilang Instagram accounts na tila patungkol sa isang tila gumuguhong relasyon. Naging dahilan para mag-trending pa ang #ChitoNeriForever sa Twitter.

May kinukuwestiyon kasi ang Parokya ni Edgar frontman tungkol sa diumano’y pagbabago sa isang samahan.

“Akala ko walang magbabago at sobrang ok na ang lahat...pero bakit parang hindi na tulad ng dati?” tanong ni Chito sa kanyang IG post.

“Bakit may bahong patuloy na sumisira sa pagsasamang nakasanayan natin [Broken Heart and Confused Face emojis].”

Pakiramdam naman ni Neri, base sa kanyang post, na tila hindi appreciated umano ang kanyang mga efforts. 

“Tag ulan na talaga. Maraming pumapasok sa isipan mo kapag ganito ang panahon,” aniya sa IG.

”Minsan napapaisip ka.. kahit ginagawa mo na ang lahat, parang hindi pa rin sapat. May kulang pa ba? [Pensive Face Emoji]”

Kapwa black and white din ang ginamit nilang larawan.

Kanya-kanyang hula ang kanilang followers kung patungkol ba saan ang ipinost nilang messages sa Instagram. 

Pakiwari ng mga netizens na nag-comment sa post ni Chito ay lyrics ito sa bago n’yang kanta. 

SCREENSHOT: @chitomirandajr on Instagram
SCREENSHOT: @chitomirandajr on Instagram

Sey naman ng iba sa ipinost ni Neri, baka parte ’yon ng endorsement o promotion ng kung anong project nilang mag-asawa na ilalabas soon. 

SCREENSHOT: @mrsnerimiranda on Instagram
SCREENSHOT: @mrsnerimiranda on Instagram

Prior to the “cryptic post” kasi ay nag-share pa si Neri ng photos na kuha sa contract signing nila para sa bago nilang business.

July 9 and 10 ay nag-post pa sila Neri at Chito respectively ng couple pics nila na may kinalaman sa #TatayNaMayLaban Facebook Live nila na mukang sponsored ng isang brand. 

July 20 naman nang sabay silang nag-post ng art card na paimbita sa kanilang Jaytee’s Filipino Cuisine restaurant.

Normal-looking naman ang kanilang mga social media pages after those posts. Kaya’t marami ang nagulat nang out-of-the-blue ay may mga gloomy posts sila.

Pakiramdam tuloy ng Netizens ay pampa-ingay lang ang mga cryptic posts nila para sa kung anuman. Something’s “fishy” umano sa magkasabay na post.

Nevertheless, marami pa ring nagdasal na sana ay hindi tungkol iyon sa napipinto nilang hiwalayan; na sana ay maayos nila kung anuman ang gusot dahil  isa sila sa mga iniidolong couples ng karamihan lalo pa’t very open sila sa social media kung paano silang nagtutulungan sa kabuhayan.

Taong 2014 nang magpakasal sina Chito at Neri, and it was in 2016 nang biniyayaan sila ng isang anak, si Miggy. 

Presently ay ipinagbubuntis naman ni Neri ang Baby No. 2 nila ni Chito.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Chito Miranda responds to a Netizen asking who’s better between Parokya ni Edgar and Kamikazee?

Chito Miranda alerts his followers about a fake Twitter account using his name

Neri Miranda on people making fun of her business strategy: “My strategies work for me obviously…”

Neri Miranda shares how she healed after experiencing miscarriage four years ago

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.