Matagal din na hindi nagpo-post ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa kanyang social media account, particular na sa kanyang Instagram.
Pero sa nagdaang araw ay naging aktibo ito sa pagpo-post ng mga cryptic photos and messages na kalaunan ay kanya namang dine-delete. Kasamang nade-delete ang mga komento ng kanyang mga followers na ang ilan dito ay kanya pa ngang sinasagot.
Ang kanyang unang cryptic post, via IG Story, noong June 1, ay larawan ng isang nakaposas na kamay, bagamat pigtas ang posas na ang pwedeng pakahulugan ay paglaya. Kasabay noon ay ang paglilimas niya ng mga larawan nila ng kanyang estrange wife na si Carla Abellana at ang muling pag-a-unfollow niya dito and this time, mukang final na.
(Nauna nilang i-un-follow ang isat isa noong Enero.)
Noong madaling-araw naman ng Sabado, June 4, nag-post muli si Tom ng isang larawan ng tila nuclear blast at saka naglagay ng isang makahulugang tula bilang caption.
It read:
“Mutually Assured
Mushroom clouds
No one’s left around
Money bought
Power talked
But no one’s listening now
And empires claimed
Up in flames
Burnt to the ground
History repeats
Video reels going
Round and round”
Ang naturang Instagram post ay hindi na makikita sa IG ni Tom dahil tila ilang oras pa lamang pagka-post ay dinilete na rin niya.
Pero bago pa mai-delete ni Tom ang post niya, may ilang nakapag-screenshot na nito kabilang ang inyong lingkod. Na-screenshot din namin ang ilan sa mga nireplayan niyang comments ng mga tagahangang naghahanap din ng linaw sa kung ano talaga ang nagaganap sa kanila ni Carla.
Kung pagbabasehan ang mga reply ng actor, madaling mabibigyan ng interpretasyon na talagang malala ang problema sa pagitan nila ni Carla.
Ang may IG handler na @tattoootttt ay nag-comment kay Tom na: “hopefully you will fight for Angeline… Ipaglaban mo sya paps. Dahil mahal ka nun. Believe me.”
Negatibo ang tugon ni Tom sa comment na ito ng netizen at kinontra rin ang sinabing mahal siya ni Carla.
Ani Tom: “@tattoootttt not true. And you all know a tiny fraction of an entire story. But one day the whole TRUTH will prevail!”
Inusig naman ng netizen na may IG handler na @ilovemuffin8 kung bakit daw sinaktan ni Tom si Carla.
“Why did you hurt @carlaangeline?”
Tila hindi ito mapalampas ni Tom at sinabi dito na: “@ilovemuffin8 there’s WAY more to the story… and plenty of hurt going around from everyone. Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat lahat.”
May nakapag-screenshot din nang sagutin ni Tom ang tanong kung bakit daw hindi pa nito sabihin ang buong katotohanan.
Ayon kay Tom: “gag order… ask them why.”
Kasabay nito ay ang paglalabas din niya sa IG Story ng larawang ng isang lalaking may tapal ang bibig na ang ibig sabihin nga ay bawal siyang magsalita.
Hindi malinaw kung may mga abugado at korte ng sangkot para palitawin niyang may gag order siya.
If it’s true, marahil ay kasali ito sa hiling ng kampo ni Carla Abellana na balitang nag-aayos na mga dokumento para mag-file ng case para mapawalang-bisa ang kanilang kasal na kanilang sinelyuhan noong October 2021 lamang.
Mula nang maamoy ng mapagmatyag na netizens noong January 2022 na tila wala na silang posts na mag-asawa sa social media ay umugong na ang mga ispekulasyon na may pinagdadanang mabigat ang kanilang then three-month-old wedding.
Pero lahat ng pangit na balita ay nakaturo kay Tom—na kesyo na-involve umano sa one-night stand, na kesyo nakalustay ng joint savings nila ni Carla, at meron pang usap-usapang beki umano ito at nabisto ni Carla.
Nanatiling tikom ang bibig nila pareho, lalo na si Tom na siyang bugbog-sarado sa issue.
At sa kasalukuyan ay sa cryptic posts nila naka-antabay ang publikong lalo lamang nagiging curious sa kung ano ang puno’t dulo ng kanilang marital discord.
Pero ayon nga sa reply ni Tom sa isang commenter, baka daw ikagulat nating lahat pag lumabas lahat ang totoo.
Mukang ready namang magulat ng lahat.
YOU MAY ALSO LIKE:
Tom Rodriguez at Carla Abellana, malabo na raw magkabalikan?
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber