Dahil brutally honest, Rita Daniela, pinuna ang foundation makeup ni Ken Chan

Photos: Anna Pingol

Photos: Anna Pingol

Kahapon ay ikalawang Sunday na nang pagpapalabas ng All Out Sundays, ang pinakabagong Sunday noontime variety show ng GMA.

Pero noong pilot episode ay nag-imbita ang GMA-7 ng mga members of entertainment press—kabilang ang pikapika.ph— para makapanood ng live sa Studio 7 ng Kapuso network.

And right after that ay nagkaroon kami ng pagkakataong ma-interview ang ilang sa mga mainstays ng show, including the #RitKen tandem nila Rita Daniela at Ken Chan.

Sa kaswal na tsikahan, ipinagmamalaki ni Rita ang solo song number ng ka-loveteam niya na noon ay paparating palang na next episode. Hindi kasi kasing-confident ni Rita si Ken pagdating sa kantahan pero para kay Rita at pasado siya.

“Abangan ninyo ’yong ano, ’yong next Sunday, maganda ’yong kakantahin niya,” proud na say ni Rita patungkol kay Ken. “Pa-kabog ito, e. Pa-kabog siya. Oo, galing-galing mo doon, tigilan mo ako.”

Medyo uneasy si Ken sa tabi ni Rita. But Rita assured him na nagsasasbi siya ng totoo dahil lagi naman daw silang honest na dalawa sa isa’t isa, even sa mga pagki-critic nila sa ugali, gawi, at maging sa mga creative choices nila.

“Uy, pag sinabi kong hindi maganda, sinasabi ko,” depensa ni Rita. “Actually gano’n kami sa isa’t-isa. Talagang pag hindi namin nagustuhan, ‘ay, pangit...ay, hindi maganda.’” 

“All-out siya,” pa-totoo ni Ken sa pagka-prangka ni Rita. Kaya naman may nagtanong kung hindi daw ba napipikon ang aktor sa ka-loveteam na obviously ay mas prangka sa kanya.

“Hindi. Kasi kailangan ko ng gano’n,” say ni Ken. “Kasi walang nang gagano’n sa akin, e. Kasi s’yempre ’yong mga naka-paligid sa’yo, laging magaganda ang sinasabi. Ayon naman pala hindi na pala. So, si Rita ’yong nagsasabi sa akin ng totoo, na, ‘Pangit mo ngayon.’ Ganyan. ‘Ang pangit ng boses mo...’”

Kahit daw ba naka-makeup si Ken, ay “napapangitan pa rin” si Rita dito? Susog ng isang nagtatanong.

“Minsan kasi foundation day,” prangka at babaeng-baklang hirit ni Rita. “So, parang hindi nakaka-lalaki ’yong mga gano’n, minsan ’yong buhok...” 

Kung siya raw ang masusunod ay may gusto kasi ni Rita na walang make-up si Ken or konti lang. Pero wala naman daw choice si Ken dahil “requirement po ’yon, hindi po kami p’wede walang makeup.”

“Pero okey lang, ’yong ano lang, wag naman ’yong todo,” banat pa rin ni Rita. 

“Kakausapin niya ’yong make-up artist ko,” sakay naman ni Ken.

Mukang sa sobrang closeness ng #RitKen, keri na talaga nilang mag-okrayan nang walang pikunan.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ken Chan at Rita Daniela, overwhelmed sa pinakitang kabaitan sa kanila ni Coco Martin sa pagkikita nila sa airport; kabaligtaran ng naranasan nila kay Alex Gonzaga?

Ken Chan and Rita Daniela answer pikapika's Random Questions!

Ken Chan at Rita Daniela, sobrang mami-miss ang isa't-isa

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.