Dahil chubby at “morenang-morena,” Gabbi Garcia, dumanas ng santambak na rejections sa showbiz noon

Ngayong almost eight years na sa showbiz industry ang morenang si Gabbi Garcia, na-overcome na raw n’ya ang insecurity ng pagiging morena at masaya daw s’ya na unti-unti nang nagiging diverse ang local showbiz industry dahil nagkakaroon ng chance ang mga gaya n’ya.  “Kumbaga, mas open na ang mundo ngayon which I’m so, so proud of. And also, I’m happy that I’m able to contribute. I’m able to represent all the young girls who are insecure, who are having troubles accepting their flaws and their skin color."

PHOTOS: @gabbi on Instagram

Ngayong almost eight years na sa showbiz industry ang morenang si Gabbi Garcia, na-overcome na raw n’ya ang insecurity ng pagiging morena at masaya daw s’ya na unti-unti nang nagiging diverse ang local showbiz industry dahil nagkakaroon ng chance ang mga gaya n’ya. “Kumbaga, mas open na ang mundo ngayon which I’m so, so proud of. And also, I’m happy that I’m able to contribute. I’m able to represent all the young girls who are insecure, who are having troubles accepting their flaws and their skin color."

Bago marating ang estado ng kanyang showbiz career ngayon ay ilang rejections daw ang naranasan ng aktres na si Gabbi Garcia at muntik na daw n’yang isuko ang pangarap na maging artista noon dahil doon. 

Ito ang inilahad ng Kapuso actress sa kanyang virtual media conference matapos ang muli n’yang pagpirma ng contract sa GMA Artist Center recently. 

Makailang ulit n’ya kasing nabanggit doon na maraming beses daw s’yang na-reject sa mga pinuntahan n’yang auditions in the past kaya natanong namin kung sumagi ba sa isip n’ya na i-give up na lang ang dream n’yang maging artista.

Dito napa-throwback nang slight ang aktes. 

“Ikuwento ko lang ha. When I was younger...I started auditioning when I was four years old. So, pangarap ko ’yan before to be out there at a very young age. But then ’yon nga, nu’ng bata kasi ako iba ’yong definition ng society sa maganda,” pagbabalik-tanaw ni Gabbi.

“Nu’ng time na ’yon chubby ako, na morenang morena ako, na Pinay na Pinay,” pagpapatuloy n’ya. 

“Maybe I wasn’t that lucky to be able to land something. So, ang daming rejections talaga. Nagkaroon naman ako ng opportunity when I was around 12 years old. Tapos na-reject ulit ako.”

Doon na daw s’ya muntik nang sumuko sa showbiz at magpursige na lang sa pag-aaral para maging piloto. 

“After that ayoko na. Tigil na talaga. Hindi na talaga. Maybe this isn’t for me. Baka iba ’yong path para sa akin. Saka nag-focus ako sa studies ko kasi I wanted to be a pilot that time,” lahad ni Gabbi.

Kung kailan naman daw halos naubos na ang pag-asa n’ya sa pangarap na makapag-artista ay saka naman daw kumatok ang Kapuso network sa pinto n’ya. 

“Come 2014, I was 15, doon dumating ’yong opportunity ng GMA. Nagulat ako na everything ran smoothly,” pagre-recall pa ni Gabbi. 

“Sinabihan ako na ‘Punta ka sa GMA building. '[Mag-]present ka ng isang song. Mag-ready ka ng isang monologue.’ And then after a week I got a call back. And then after a week, nakaharap ko na sina Ms. Annette [Gozon], sina Tito Joey [Abacan]. And then after a week, ‘Hello. Ito ba si Gabriella Lopez kasi pipirma ka na ng kontrata.’ 

“So, parang ako, ‘Grabe ang bilis.’ Parang meant to be. In an instant talaga nag-go na ako kasi after so many years of screening, finally ito na talaga. GMA gave the opportunities talaga. They opened the doors for me.”

At ngayong almost eight years na s’ya sa showbiz industry at kahit papaano ay meron na ding napatunayan, masasabi daw ni Gabbi na na-overcome na n’ya ang insecurity sa pagiging morena. 

Masaya daw s’ya na unti-unti nang nagiging diverse ang local showbiz industry at nagkakaroon ng chance ang mga gaya n’ya. 

“I love and I’m proud of my skin [color] lalo na ngayon the industry is starting to be more diverse. Nakikita ko kahit sa [beauty] pageants, ’di ba?” pahayag n’ya.

“Kumbaga, mas open na ang mundo ngayon which I’m so, so proud of. And also, I’m happy that I’m able to contribute. I’m able to represent all the young girls who are insecure, who are having troubles accepting their flaws and their skin color." 

Dagdag pa ng aktres, “I am able to represent them on TV and on social media. For me kasi, representation is so, so important. Growing up kasi ang papanoorin mo mga morena din noong araw like sina Ms. Judy Ann [Santos-Agoncillo]. Papanoorin mo tapos, ‘Ah, p’wede pala ’yong ganu’n.’ Kumbaga, ‘May chance pala ako sa industry.’

“Like me, I’m also able to inspire other girls na p’wede [makapasok sa showbiz] kahit na [morena]. It’s not all about your skin complexion,” pagtatapos ni Gabbi.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.