Dahil “extra big” si Baby Zandrine Anne, Aicelle Santos, desidido nang magpa-caesarian delivery

PHOTOS: @aicellesantos on Instagram

PHOTOS: @aicellesantos on Instagram

Malapit nang manganak ang Kapuso singer na si Aicelle Santos. Nasa last trimester na s'ya ng kanyang pagbubuntis at nakatakda nang magsilang in December. 

Nitong November 2 lang, after delighting her fans and supporters with her stunning maternity photos ay ni-reveal nila ng husband n'yang si Mark Zambrano that they will be having a baby girl at papangalanan nila itong Zandrine Anne.

Sa interview ni Kata Tibayan kay Aicelle sa 24 Oras na umere kahapon, November 18, inamin ng soon-to-be mom na nakakaranas na s'ya ng early contractions kaya kailangan daw n'yang mag-bed rest hanggang sa s'ya ay makapanganak.

At dahil kapansin-pansing malaki talaga ang tiyan ni Aicelle kaya pinili niya daw manganganak through caesarean delivery.

"Because my baby is extra big, oo, kaya parang hindi kakayanin ng natural birth," pagbabahagi ng singer. 

Dahil papalapit na nga niyang ma-meet ang kanilang first baby, nagbigay ng wish ang soon-to-be mom para dito. 

"[I wish] she's healthy upon delivery and she grows up healthy as well," ani Aicelle."Maging mabait, masunurin at maka-D'yos. And whatever her dreams will be in the future, nandito lang kami ng mommy and daddy n'ya to support her."

At dahil nga sa mga uncertainties at negativities brought by the COVID-19 pandemic, nagsisilbi daw nilang pag-asa ang paparating nilang baby. 

"Itong pandemic ang daming balitang [tungkol sa] hindi magagandang nangyayari, you know. But having Zandrine and every day naglo-look forward kami to seeing  her soon, 'yong ang nagbibigay sa amin ng hope. You know, the spark of joy and sunshine n'yo everyday."

Samantala, nakapag-celebrate na din ng one year wedding anniversary sina Aicelle Mark last November 16.

Simple lang daw ang naging celebration pero sinorpresa ni Mark si Aicelle ng isang flower arrangement na hawig sa mga bulaklak nung ikinasal sila. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mark Zambrano and Aicelle Santos are expecting a baby girl!

Pika's Pick: Aicelle Santos shows off six-months old baby bump; says she and husband Mark Zambrano are already excited to find out if they’re soon buying either toy trucks or dolls soon

Pika's Pick: Aicelle Santos is pregnant and her showbiz colleagues are ecstatic; says her future baby is her “hope that this world will become better.”

Aicelle Santos, bukas sa ideya ng reunion concert with La Diva sisters Jona (Jonalyn Viray) and Maricris Garcia

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.