Masaya ang Gonzaga sisters na sina Toni at Alex na makasama ang comedian-TV host na si Melai Cantiveros as upcoming film nila na The ExorSIS, na official entry Metro Manila Film Festival.
Ang comedy-horror movie, na produced ng TinCan Production ni Toni Gonzaga, ay released through Viva Films.
Sa virtual media conference ng pelikula nitong Biyernes, December 3, sinabi ng Magandang Buhay co-host na grateful s’ya na mapasama as nasabing movie ang mga itinuturing n’yang close friends sa industriya.
“Sobrang akong s’werte talaga dito sa show business world na nakatagpo ako ng mag-sissums talaga. Hindi, Bai basta-basta ang mag-sissums na ’yan lalo na si Ate Toni,” pahayag ni Melai sa press.
“Kaya thank You, Lord. Hindi naman basta-basta na maging kaibigan mo sina Ate Toni at Alex, uy! Sobra talaga akong grateful.”
Para naman as comedienne-vlogger na si Alex, tila lucky charm ng movie nila si Melai kaya masaya daw silang bahagi ito ng kanilang upcoming film.
“Kami, happy kami kasi si Melai mahal na mahal ng taumbayan. Mula PBB, Your Face Sounds Familiar, Magandang Buhay, talagang hinahanap-hanap [siya] ng buong sambayanan,” ani Alex.
Natatawang kumontra naman dito ang TV host na tubong-General Santos City na halatang natutunaw as mga pahayag as kanya.
“’Wag kayong maniwala d’yan kay Alex kay ganyan talaga ’yan s’ya sa akin. Ewan ko na lang. Basta ako sobrang grateful ako sa magkapatid kasi lahat ng movie nila sinasama nila ako kaya thank you.”
At as puntong ito na ipinaalam ni Alex sa media na talagang nasa plano nila na isama si Melai as mga gagawin nilang pelikula under TinCan Productions ng ate n’yang si Toni.
“’Di ba, ate, [sa movie na] Mary, Marry Me (2018) kasama si Melai tapos supposedly may gagawin tayong movie but because nagka-pandemic parang magsa-suffer ang mga eksena kaya hindi na natin ginawa?” reveal ni Alex.
“Kasama rin [dapat] si Melai doon. Kapag gumagawa tayo ng movie talagang it’s a must na dapat kasama pa rin si Melai.”
Lalong na-overwhelm si Melai as mga dagdag na pahayag ni Alex.
“Grabe talaga sila Ate Toni at Direk Paul [Soriano]. Hindi ko na talaga kinakaya,” sabi n’ya habang tila hindi mapakali as kanyang kinauupuan na kitang-kita as Zoom.
“Ako naman, ang dream ko, talagang makapag-produce ng starring role ni Melai,” pagbabahagi naman ni Toni na lalong ikinagulat ni Melai.
“Matutuloy na ba ’yong project n’yo na papalitan nyo na ’yong TinCan ng MelaiCan?” pabirong singit na tanong ni Alex na kinatawa nilang lahat.
At nang maging seryosong muli ang usapan, inilahad ni Toni na ang mister daw n’yang si Direk Paul ang nag-encourage as kanya na pasukin na rin ang pagpo-produce ng pelikula.
“Si Paul po ’yan. Lagi s’yang nagpu-push as akin na kaya kong gawin ’to. Kaya ‘Can.’ Kasi, ’di ba, Tin po ang tawag sa akin ng mga ka-close ko dahil Celestine [ang name ko]. So, parang, ‘Tin can do it, Tin can also venture into something different,” paliwanag n’ya as pagkakabuo ng TinCan Film.
Dagdag pa ng Kapamilya TV host-actress, “Sabi n’ya, ‘So you can grow as an artist. Para alam mo what goes behind the scene, what goes behind production, para hindi ka lang artista.’”
Dahil dito ay mas lumalim daw ang paghanga at respeto n’ya as mga taong nagtatrabaho as likod ng camera.
“Maganda po kasing experience na part ka sa nag-produce ng pelikula kasi mas tumaas ’yong respeto mo, ’yong paghanga mo sa buong production people kasi mare-realize mo na ang kabuuan ng pelikula ay hindi lang sa artista,” esplika pa ni Toni.
“Hanggang utility, hanggang cameraman, hanggang gaffer, hanggang light men, lahat importante ang role nila. So, nagkaroon ng deeper love and appreciation and respect sa film set nu’ng nag-start na po akong mag-produce,” pagtatapos n’ya.
Mapapanood ang The ExorSIS na pinagbibidahan nina Toni, Alex, at Melai simula as araw ng Pasko, December 25, in cinemas.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber