Dahil maghihiwalay na ng “bahay,” Vice Ganda at Billy Crawford, nagkaiyakan sa Gabing Gabi na Vice

SCREENSHOT: @billycrawford, @privatebenjamin on Instagram, & Vice Ganda on YouTube

SCREENSHOT: @billycrawford, @privatebenjamin on Instagram, & Vice Ganda on YouTube

Masayang nagkuwento ng kanya-kanyang experiences ang first-time parents na sina Billy Crawford at Coleen Garcia, na kilala ng kanilang collective fans as The Crawfords. 

Sa online show na "Gabing Gabi na Vice" hosted by Vice Ganda na in-upload sa YouTube channel n'ya last September 26, sumalang bilang guests ang celebrity couple kung saan nga ibinahagi nila ang kanilang karanasan matapos silang maging mga ganap na magulang after two years of being married.

Last September 10 kasi, Coleen gave birth to a handsome baby boy na pinangalan nilang Amari Jaden.

At sa show nga, kinumusta ni Vice si Coleen weeks after ng kanyang panganganak.

"Eto, fully recovered na," pagbabalita ng 28-year-old acress sa kanilang online tsikahan. "Everything is good. Nakakalakad na ako nang maayos. Okey na. Parang ready-ing-ready na to resume. Kaya lang, siguro ang pinakamahirap ngayon, wala akong oras. Kasi maya't maya kailangang kumain nu'ng baby. Hindi kasi kami nagba-bottle feed. Talagang exclusive breastfeeding lang talaga. Pampalakas din daw kasi ng gatas kung madalas nagbi-breast feed."

Tsika naman ni Billy, mas lalo daw n'yang minahal ang kanyang misis lalo pa't na-witness n'ya ang pinagdaan nito sa panganganak. 

"Di ba sinasabi nila kapag nagkaroon ka na ng anak magbabago ang buhay mo, et cetera? Hindi, e," paliwanag ni Billy. "Kapag nakita mo ang asawa mo na nanganganak, na walang gamot na pang-pamanhid o kahit ano, trust me...babago ang papanaw, babago ang buhay [mo]. Mamahalin mo s'ya nang todo-todo. Gagawin mo lahat."

Grabeng sakit daw talaga ang magluwal ng sanggol ayon kay Coleen.

Coleen’s reply triggered Vice’s kapilyahan at agad itong sumundot kung alin ba ang mas masakit: ang lumabas si Amari o pumasok si Billy? 

Napahagalpak ng tawa ang Filipino-American singer-TV host.

"'Hoy, matakot ka kapag sinabi n'yang ako," pilyong sabat din ni Billy sa komedyante. "Natalo ako ng anak ko, 'te. Wala nang tatalo sa anak namin."

Natanong din si Coleen kung bakit pinush n'ya na manganak through water birth sa bahay at wala man lang anesthesia.  

"Nung una [pa lang], 'yon talaga 'yong gusto ko," paglalahad ni Coleen kay Vice. "Gusto ko talaga walang meds. Gusto ko talaga water birth pero sa hospital. 

"Kaya lang, ngayon kasi [may] COVID," she continued. "Bawal ang water birth sa hospital. So, hindi s'ya naging option. Tapos parang nalulungkot na lang ako nang nalulungkot kasi bawal din si Billy sa delivery room. E, gusto ko talaga nandu'n s'ya. Naging malaking deciding factor din 'yong kasama ko si Billy talaga sa moment na 'yon.

For Billy naman, hindi daw n'ya ma-explain ang kanyang naramdaman nu'ng moment na makita n'ya ang panganganak ni Coleen. 

"Once na ma-experience na makikita mo 'yong natural birth at its finest...” emphatic at emosyonal na pagbabalik-tanaw ng first-time dad. “As in 'yong makikita mo 'yong ire n'yang nasasaktan s'ya pero alam mong sinasakripisyo n'ya lahat malabas lang 'yong anak mo... 'Yong pagmamahal mo at beauty, 'yong pagkaganda ng moment na 'yon ay hindi mo mae-explain, Vice. Promise. Sa buong buhay ko never kong ipagpapalit 'yong day na pinanganak 'yong baby namin."

At matapos nga ang kanilang virtual tsikahan at kulitan, mas naging emosyonal naman si Billy nang magbigay si Vice ng mga papuri nito sa kanya. 

"Ang dami n'yong dalawang blessings," sey ni Vice mula sa kabilang linya. "Alam naming masaya kayo at masayang-masaya kami knowing na masaya kayo. Nakakabigay ng kampante sa amin 'yon na 'yong mga mahal naming kaibigan na masaya. At tsaka deserve n'yong dalawa.

"Deserve ni Billy, na dapat makuha ni Billy ['yong blessings], 'yong ganu’n, kasi alam ko e," dagdag pa ni Vice patungkol out-going co-host n'ya sa Kapamilya noon-time show na It's Showtime

At sa puntong ito ng pagsasalita ni Vice ay napaiyak si Billy. 

"Mukha lang tarantado 'yan pero mabait 'yan," pagpapatuloy ni Vice. "Mabait 'yan sa mga taong mahal n'ya. Kapag mahal n'ya mabait s'ya. 

"Kasi sa akin nga, ha, bestie-bestie n'ya lang ako pero napakabait [n'ya] sa'kin. Mahal na mahal ako n'yan. Di ba? Hindi 'yan papayag na makakanti ako. E, pa'no pa kay Coleen? Ano pa ang kaya n'yang gawin [para] kay Coleen? Kinikilabutan tuloy ako. Walang halong k’yeme."

Dito, hindi na ring maiwasan ni Vice na mapaluha.  

"E, ano pa 'yong pwede n'yang gawin [para] dun'n sa anak n'ya? Sa akin nga todo 'yan, e. Todo sa akin 'yan. Ibang level ang gagawin n'ya for Coleen.

"Hindi talaga s'ya nauubusan ng love na binibigay n'ya sa mga loved ones," pag-agree ni Coleen na yakap ng kanyang mister na sa point na 'yon ay umiiyak pa rin. 

Nang mahimasmasan ay humarap si Billy kay Vice upang suklian ang mga magagandang sinabi nito.

"I love you, Vice," pahayag ng 38-year-old celebrity dad. "Tatandaan mo 'yan. Wala akong pakialam kung anong sabihin ng kahit na sino. Basta kayo, alam n'yo kung sino kayo na ipaglalaban ko kayo ng patayan, Vice. Trust me."

Nagbiro naman si Vice para maging light ang mode ng usapan at sinabing: "Ay! 'Wag tayo umabot doon.

"Kahit na," mabilis na salag ni Billy. "Mahal na mahal ko kayo. Alam ni Coleen 'yan. Alam na alam ni Coleen 'yan dahil araw-araw ako. Araw araw ko 'to ginagawa. Pero mahal na mahal ko kayo. I love you, Vice."

Payo naman ng 43-year-old TV host-comedian kay Billy: "'Wag ka nang umiyak. Manatili kang masaya at mapayapa. At 'wag mo kaming isipin at 'wag mong isipin 'yong ibang tao. Ang mahalaga kayong tatlo.

"Pero in fairness, sa araw-araw na umiiyak kami, hindi s'ya 'yong sad na tears," ani Coleen. 

Inalala naman ni Billy ang mga naging payo sa kanya nina Vice at Vhong Navarro nang mabalitaan nga na isa na s'yang ganap na daddy. 

"'Ikaw Billy, basta, may pamilya ka na. At 'yang dala mong Amari, 'yan ang isang anghel na sasagip sa lahat ng problema n'yo. 'Yan ang angel n'yo.' Sabi ni Vhong 'yan. Sabi mo sa akin 'yan. And I will always take that. Kasi wala, e. Nandito na tayo," saad ni Billy. 

"And I just want to say thank you sa pagkakaibigan mo sa akin. Thank you sa pagkakataon na 'to. And trust me. Kahit anong mangyari tatawagan pa rin kita at sasabihin ko, 'Ikaw pa rin ang pinaka-number one bitch sa buong buhay [ko]. Promise, pinaka-totoong bitchesang nakilala ko sa buong buhay [ko]. Nagpapaka-totoo lang. I love you. You can call me at two to three o'clock in the morning."

Ang pagiging emosyonal ng magka-ibigan ay because of the fact na kumpirmado nang maglilipat-bakod si Billy sa TV5. Matagal din ang pinagsamahan nila sa It’s Showtime at dala ng pandemic at pagsasara ng ABS-CBN, may mga desisyon sila sa buhay na nangangahulugang kailangan muna nila maghiwa-hiwalay.

Pero ani Vice, susuportahan n'ya pa ang former co-host at kaibigan dahil mananatili ito sa puso niya bilang kanyang "kapamilya." 

"Galingan mo sa trabaho at... Alam mo sa pamilya, meron ka talagang kapatid na lilipat ng bahay," sey pa ni Vice. "Pero porke’t lumipat s'ya ng bahay hindi mo na s'ya kapatid, hindi mo na s'ya kapamilya, hindi mo na s'ya mahal. Maaaring lumipat s'ya ng bahay pero family pa rin tayo."

Muli na namang naiyak si Billy dahil sa tinuran ni Vice.  

Pagpapatuloy ng komedyante: "Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo mapunta, family kita. Magkapamilya tayo. At mahal na mahal kita. Kahit magkatapat man 'yong mga bahay natin, family tayong dalawa, 'di ba? Magkakawayan tayo sa magkatapat nating bahay at susuportahan natin ang isa't isa."

"Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal ko kayo," full of love naman na tugon ni Billy sa kaibigan.  

PANOORIN ang kabuuan ng Gabing Gabi na Vice with the Crawfords! dito: 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Coleen Garcia gives birth to baby boy Amari; celebrity friends express excitement towards her bundle of joy

Coleen Garcia recalls how she delivered first-born Amari

Billy Crawford celebrates one year of “pure happiness” without alcohol and cigarettes

 

Pagpapalitan nina Vice Ganda at Ion Perez ng monthsary gifts, nag-trending 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.