Dahil masayahin, Andrew E., hindi nagpatalo sa sakit at depression ngayong pandemic

“Kung na-depress ba ko o hindi? Nahihiya man akong sabihin but, pasensya na po, hindi po ako na-depress.”—Andrew E.

PHOTO: Viva

“Kung na-depress ba ko o hindi? Nahihiya man akong sabihin but, pasensya na po, hindi po ako na-depress.”—Andrew E.

Nagpakatotoo ang rapper-comedian na si Andrew E. nang sabihin niyang hindi umano siya nakaramdam ng depression simula nang tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa last year.

Sa virtual media conference kasi para sa upcoming comedy movie n’ya na Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan, ay natanong s’ya kung nakaranas ba s’ya ng depression at anxiety dahil sa pandemya gaya ng ibang mga celebrities. 

Madami kasi sa kanila ang nawalan ng trabaho o hindi kaya naman ay lumiit ang kita dahil naging limitado ang mga projects at raket. 

Paliwanag ni Andrew E., naging abala daw siya sa recovery ng kanyang lakas. Noong February 2020 kasi ay dalawang beses siyang sumailalaim sa surgery para tanggalan ng cholesterol blockage sa balikat.  Nag magpatupad daw ng lockdown noong March 2020 ay nagpapalakas siya dahil naka-apekto daw sa energy niya ang operasyon. 

Ang point of condition ko and thinking nu’ng nagsimula ang pandemic was hindi doon sa pandemic itself,” sagot n’ya sa press via Zoom. “Kasi ang point of condition ko was how to cure myself or how to recuperate with myself dahil galing ako mismo sa ospital, ’di ba? 

“So, nandu’n ’yong energy ko to think about, you know? How to get back to the same level of energy I was—na mabilisan—for my family. S’yempre, ako lang ang aasahan nila, ’di ba?” dagdag pa n’ya.

Nandu’n ’yong energy ko to think about ...how to get back and be in the mood of getting back kahit pandemic.”

At kahit pa umano nagupo siya ng sakit ay hindi iyon naka-apekto sa kanyang disposiyon dahil he is basically a “masayahin” at “positibong tao.”

Kung na-depress ba ko o hindi? Nahihiya man akong sabihin but, pasensya na po, hindi po ako na-depress,” pagta-tabi po ni Andrew E. 

“Because I’m a happy person, I’m a positive-thinking guy, and at the same time, palagi po akong thinking for the future so ’yong energy ko po is channeled through that kind of thinking. Kaya hindi po mae-entertain sa akin ’yong pagiging depressed o nalulungkot ako.

Kambiyong biro pa niya: “Maybe sa hitsura ko po nade-depress ako talaga. Pero bukod doon wala po.”

However, may mga hugot din naman daw s’ya sa pandemic na ginamit n’yang inspiration para makagawa ng mga kanta. 

Meron po [akong naisulat na kanta] pero minimal pa lang [ang] nailalabas,” lahad pa n’ya. “Nakagawa kami ng album entitled Katrendtaduhan… Nagawa naming ’yong ten songs, three pa lang ang nare-release ko. We got seven more.”

Samantala, mapapanood na ang comedy film ni Andrew E na Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan— kung saan kasama n’ya ang mga new sexy goddesses ng Viva na sina AJ Raval at Sunshine—simula October 8 sa Viva streaming app na Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.