Dahil may kanya-kanyang love life, Ruru Madrid at Shaira Diaz, naniniwalang “matured” na ang audience para tanggapin na iba ang kapareha nila onscreen

Napag-usapan ang new pairing nina Ruru Madrid at Shaira Diaz sa kanilang media conference para sa season 2 ng I Can See You!

PHOTOS: @rurumadrid8 (L) and @shairadiaz_ (R) on Instagram

Napag-usapan ang new pairing nina Ruru Madrid at Shaira Diaz sa kanilang media conference para sa season 2 ng I Can See You!

Sina Ruru Madrid at Shaira Diaz ang napiling magka-love team sa bagong season ng GMA drama-romance anthology na I Can See You, at pormal na silang pinakilala as cast members sa digital media conference ng show noong March 9.

During the mediacon, may isang miyembro ng press na nagtanong kung official na ba ang pagiging love team nila dahil sa kanilang pair-up para sa season 2, kung saan bibida sila sa anthology na On My Way to You!

“Siguro, I think it’s a good start po going sa Lolong. At least, kahit papaano, nagkaroon po kami ng, parang, experience ba kung paano magtrabaho ang isa’t isa,” sagot ni Ruru. “Magandang panimula po ito para sa amin, magandang b’welo, so para, at least, pagdating po namin doon sa mas mahaba pa pong trabaho, mas gamay na po namin ang isa’t isa.”

Ang Lolong, by the way, ay isang public affairs series ng Kapuso network inspired sa istorya ng pinakamalaking crocodile sa mundo na nahuli sa Pilipinas at pumanaw noong 2013. Makakasama dito ni Ruru si Shaira bilang leading lady.

“Agree po ako sa mga sinabi ni Ruru,” sey naman ni Shaira. “Kung ano man po ’yong plano ng management, okay lang po kahit i-love team kami or hindi or for Lolong po, okay lang. Masaya naman po si Ruru katrabaho and, ’yon nga, headstart din sa Lolong din po.”

Nang tanungin naman ang dalawa sa reaksyon nila noong nalaman nilang sila ang magka-love team, “sobrang happy” ang description ni Ruru.

“Hindi namin in-expect na pwede pala kaming magkatrabaho,” sabi ni Ruru. “So, noong sinabihan kami na magka-ka-trabaho po kami ni Shaira, sa Lolong pa noon na medyo matagal, medyo na-mo-move nang na-mo-move, and then nangyari nga po itong I Can See You.

“Ngayon, mas nakilala pa namin ang isa’t isa ta’s nagamay po namin ang isa’t isa kung paano magtrabaho. And she’s very professional, she’s kalog, talagang matatawa ka sa pagiging natural niyang komedyante. Basta, masaya po siya kasama and I can’t wait to work with her sa mahaba pa pong panahon,” dagdag pa ng aktor.

Magandang opportunity naman ang tingin ni Shaira sa kanyang panibagong on-screen pairing with Ruru.

“[H]indi na kami mahihirapan magkapaan pagdating sa Lolong, kumbaga alam na namin kung paano gumalaw, paano siya magtrabaho, kung ano ’yong gusto nito, ’yong ganyan and importante rin kasi, kumbaga,‘yong parang may foundation na bago sumabak doon sa big picture, ’di ba?”

Mas na-appreciate pa daw ni Shaira sa Ruru nang magkatrabaho sila sa set ng I Can See You dahil kapag napagod na daw ang aktres sa set, here comes Ruru na may energy pa sa pag-taping.

“Aminin ko, sobrang napagod ako dahil ’yong character ni Raki, very emotional siya, baliw siya, dami niyang sinasabi, daming opinyon tapos nagka-sunod-sunod din ’yong mga eksena dahil nga lock-in, nanibago rin. Pero dahil si Ruru ’yong ka-partner ko dito, nakatulong siya, in a way, na ’pag wala na akong enery, sobrang pagod na pagod na ko, siya meron pa,” sabi ni Shaira.

“’Yon ’yong isang na-appreciate ko na nakakakuha ako sa kanya ng energy talaga. True, totoo. Nakakakuha ako sa kanya and malaking bagay para sa akin ’yon para ma-survive ko ’yong panahon na ’yon kasi kung hindi nagbibigay sa’kin si Ruru, baka [...] mahihirapan at mahihirapan ka, so ’yon.” dagdag pa niya.

Very professional at laging nagpapatawa as an on-screen partner si Ruru off-cam, describe ni Shaira, na sobrang nakatulong daw sa kanya sa taping kaya daw laking excitement niya pa na makatrabaho siya lalo.

Dagdag na tanong pa ng press ay kung tingin nila na gagana pa ang chemistry nila on-screen kahit alam na ng viewers na may sarili silang real-life partners.

Maaalala na nabalitaang “Instagram official” na si Ruru at Bianca Umali, habang si Shaira naman ay boyfriend ang aktor na si EA Guzman.

Para kay Ruru, hindi na daw uso ngayon ang real-life partners bilang magka-pairing on-screen.

“There’s a lot of actors right now na talagang nagsimula sila as a love team, pero, eventually, nag-ta-transition sila sa ibang ka-love team, pero kinakagat pa rin ng tao,” paliwanag ni Ruru. “Siguro, mas aware na ’yong mga tao sa nangyayari dito na trabaho po ito. Kami, bilang aktor, our goal is to entertain people.

“Talagang inaalay namin ang dugo’t pawis namin, ang amin pong emosyon para po maganda po ang bawat eksena. Kumbaga, ginagawa po namin ’yon para sa kanila at nakikita ko rin naman right now na nakikita na rin ng tao ’yon na talagang it’s work and nandiyan sila para paligayahin tayo, para i-entertain po tayo,” dagdag pa niya.

Para kay Shaira, “mature” na daw ang audiences ngayon kaya mas naiintindihan nila kung magkaiba ang partners ng sinusuportahan nila.

“Ako, positive ’yong naiisip ko dito sa tandem namin ni Ruru, kasi from [The] Lost Recipe, parang nakita ko naman ’yong reception ng tao. Maganda, wala akong nakitang mga negative, wala akong nakitang nang-bash, so para sa akin, good sign ’yon na [...] kaya itong itawid kahit may kanya-kanya kaming personal life, mga relationship. Kaya, e. Kayang trabahuin,” sabi niya.
                
Ang On My Way To You! ng pangalawang season ng I Can See You ay magpe-premiere sa GMA-7 sa Lunes, March 22. Makakasama dito nina Ruru at Shaira sina Gil Cuerva, Arra San Agustin, Ashley Rivera, Malou de Guzman, at Richard Yap.

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.