Dahil nagka-miscarriage noong 2018, Jessa Zaragoza nag-aatubiling bigyan ng kapatid ang daughter na si Jayda

PHOTO: @jessazaragoza on Instagram

PHOTO: @jessazaragoza on Instagram

Binalikan ng  singer-actress na si Jessa Zaragoza ang traumatic experience n’ya nang magka-miscarriage s’ya noong 2018. 

Ito ang nangyari nang mag-guest ang tinaguriang “Phenomenal Diva” sa vlog ng kaibigang singer-actress din na si Vina Morales na in-upload sa YouTube last March 9. 

Sa video, natanong ni Vina si Jessa ng mga personal questions kabilang na ang tungkol sa unica hija nitong si Jayda Avanzado

Inamin ng 42-year-old celebrity mom na boto s’ya sa Kapamilya singer na si Darren Espanto kung ito ang magiging boyfriend ni Jayda. 

Isa pa sa naitanong kay Jessa ay kung may plano pa ba sila ng mister n’yang si Dingdong Avanzado na bigyan ng kapatid ang nag-iisa nilang anak. 

Sey naman n’ya, gusto daw ni Jayda ng kapatid pero naiisip daw n’ya na baka maulit ‘yong nangyaring miscarriage noong April 2018.

Matatandaan na in-admit ng Pinay singer via Instagram post ang kanyang unfortunate experience sa birthday greetings n’ya sa kanyang daughter who turned 15 last June 2018. 

Sobrang gusto n’ya [ni Jayda],” lahad ni Jessa kay Vina. “Kaya lang parang… Ewan ko ba. Nu’ng nagka-miscarriage kasi ako two [or] three years ago parang nagkaroon ako ng trauma. What if mamatay na naman ‘yong baby?

Akala ko k’wento-k’wento lang ‘yon, e. Pero kung ikaw ‘yong nandu’n may effect talaga. May fear,” dagdag pa n’ya.

Pagbabahagi naman ni Vina, napaiyak daw s’ya nu’ng walang ma-harvest na egg cell sa kanya nu’ng time na gusto n’yang ipa-freeze ang mga ‘yon. How much more daw kung mismong baby na ang mawala. 

“Actually, ako nga nu’ng nagpa-freeze ako ng egg tapos nu’ng second harvest ko, wala,” pagre-recall n’ya. “As in, walang na-save na eggs. Iyak ako. What more pa kaya ‘yong sa [miscarriage]?”

Oo, kasi tao ‘yon, e,” sagot naman ni Jessa.

Ilang months s’ya, sis? Sorry, I had to ask this,” pagpapatuloy ni Vina. 

K’wento n’ya, more than two months daw ang baby n’ya nang mawala ito at nalaman n’ya na lang nang magpa-checkup s’ya sa kanyang OB-GYN.

Parang mag-e-eight weeks, mahigit. Maliit pa s’ya pero kasi tao ‘yon, e,” aniya. “May heartbeat, e. Saka nalaman ko na wala na ‘yong baby doon sa araw na checkup ko for ultrasound. 

“So habang inu-ultrasound ng OB, imbes na ma-check kung anong lagay nu’ng baby, kitang-kita ko ‘yong mukha ng OB, e, na hindi n’ya masabi na,Wala ng heart beat ‘yong baby.’”

Magpa-hanggang ngayon ay sariwa pa rin daw kay Jessa ang pangyayaring ‘yon kaya nag-aatubili s’ya kung bibigyan pa ba nila ni Dingdong ng kapatid si Jayda.

Parang napi-picture ko pa rin sa mind ko ‘yong [sandaling ‘yon]… Hindi ko maiwasan ‘yong fear na what if ganu’n na naman [ang mangyari]?” pagbabahagi ni Jessa. 

Salo naman sa kanya ni Vina: “Oo nga. Pero tayo kailangan na rin natin [mag-ingat] sa age natin. High risk na rin tayo pag ganyan, ‘di ba? 

“But you know what? Thankful na rin naman tayo because we we’re able to experience motherhood. ‘Yon na lang ‘yon, e, ‘di ba? 

“But… Oo nga. Dapat may isa pa,” dagdag hirit pa nito. 

Kung ipapadala ni Lord ‘yan, s’yempre. Kung meant it na mangyari,” sagot naman ni Jessa.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bernadette Sembrano emotionally looks back at her miscarriage last 2019

LJ Moreno suffers from miscarriage with her supposedly Baby No. 4

James Van Der Beek devastated sa panibagong miscarriage ng misis

Neri Miranda shares how she healed after experiencing miscarriage four years ago

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.