Pinayuhan ng kanyang mga fans and supporters ang komedyanteng si Vice Ganda na huwag kaligtaan ang magpahinga matapos siyang magpahiwatig ng pagkapagod.
Sa kanya kasing recent Twitter post ay humingi ng lakas si Vice sa Itaas. Napagod na daw kasi siya pero marami pa umano siyang nakapilang commitments sa mga susunod na araw.
"Really exhausted. Oh Lord pls give me all the extra strength that i will need for the days to come. And please bless my health oh Lord. I dont want to get sick," dasal ni Vice sa kanyang tweet last December 19.
Maliban kasi sa daily noontime show niya na It's Showtime ay abala siya ngayon sa promotion ng pelikula nila ni Ivana Alawi na Partners in Crime na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.
Makailang beses nga siyang naispatan na nagmo-motorcade at babad sa init ng araw sa iba't ibang lugar sa Kamaynilaan at Antipolo, Rizal.
Umani naman ng suporta ang Kapamilya TV host-comedian sa kanyang tweet. Pinayuhan din siya ng kanyang mga tagahanga na i-prioritize ang kanyang kalusugan kapag naramdaman na niyang kailangan niya ng pahinga.
"Alagaan mo kalusugan mo please, mag pahinga ka kapag na fe-feel mong pagod ka. Give some time for yourself at alagaan mo ang sarili mo, take a break if you need to. It’s not selfish to take care of yourself, mahal:(," payo sa kanya ng isa niyang Twitter follower.
Sang-ayon naman dito sa isa pa at sinabing unahin ang pahinga kapag nakaramdam na ng pagod para makapag-recharge ng katawan.
"Please be selfish sometimes if that's good for your health you need to rest atleast please. We understand how hard for you the pressure, stress they giving to you take care of yourself mahal! I love you give yourself break," saad naman ng fan niya sa comment section.
"Mag pahinga ka kung d na keri, ikaw na nag sabi pag pagod mag pahinga baka san pa mapunta yang kapaguran mo lumalala yan manonood pa ako syo 💗, mag pahinga ka my Queen please," pahayag naman ng isa pa.
As of this writing ay wala pang tugon si Vice sa mga naging concern sa health niya.
Anyway, mapapanood ang comedy film na Partners in Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi simula sa Araw ng Pasko, December 25, in cinemas nationwide.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber