Dahil natupad na ang dream ng late mom niya na maging artista siya, Alden Richards, dream naman ng dad niya ang tutuparin—ang magka-diploma siya

Nasa proseso na raw ng pamimili ng university si Alden Richards para sa kanyang business course. “Ang gusto ko kasing [kuhaning] major ay Business Economics ’cause I’m into really that lately... like stock market, cryptocurrency, anything that involves ’yong ekonomiya ng isang bansa,” pagbabahagi pa n’ya.

PHOTOS: @aldenrichardso2 & @daddy__bae on Instagram

Nasa proseso na raw ng pamimili ng university si Alden Richards para sa kanyang business course. “Ang gusto ko kasing [kuhaning] major ay Business Economics ’cause I’m into really that lately... like stock market, cryptocurrency, anything that involves ’yong ekonomiya ng isang bansa,” pagbabahagi pa n’ya.

Desidido na si Alden Richards na tapusin ang kanyang naiwang schooling para tuparin ang pangarap na diploma sa kanya ng kanyang Daddy Richard Faulkerson.

Ito ang pahayag ni Alden sa entertainment press sa kanyang virtual media conference kaninang hapon, October 15, after he renewed his exclusive contract with GMA Network and GMA Artist Center. 

Dahil almost 11 years sa s’ya sa showbiz industry at napatunayan na din ang sarili when it comes to acting, singing and hosting, natanong ang GMA prized talent kung ano pa ba ang gusto n’yang maidagdag sa listahan ng kanyang mga achievements. 

Ang gusto ko pang madagdag doon sa mga ginagawa ko is to really finish school,” sagot ni Alden. “That’s what I’ve been working on lately. I’ve been studying and collecting data kung magkaroon man ako ng free time to really finish school.”

Seryoso na daw s’ya sa pag-take ng business course. 

Ang gusto ko kasing [kuhaning] major ay Business Economics ’cause I’m into really that lately... like stock market, cryptocurrency, anything that involves ’yong ekonomiya ng isang bansa,” pagbabahagi pa n’ya. 

“It’s very interesting to see and parang with those knowledge kasi I will know if my country and other countries are performing well. So, isa ’yon sa mga plano ko in the near future.”

May tinitingnan na rin daw s’yang university pero inaayos pa daw n’ya ang schedule n’ya sa ngayon. 

“There are couple of universities na may possibilities and open for those opportunities. It’s just ’yong time management ko lang ...” dagdag-paliwanag ng The World Between Us (TWBU) lead actor.

Kasi now we just finished the soap [opera, TWBU]. Then pag labas ko meron pa akong couple of shoots na I need to accomplish. So, I will look for window time for it and I will pursue that.”

Dahil dito ay natanong pa s’ya kung bakit importante sa kanya na magkaroon pa ng college degree gayong successful na s’ya sa kanyang career bilang artista at may alam na rin naman sa pagbi-business.

Aniya, para daw ito sa kanyang daddy. Pangarap daw kasi nitong makitang nakapag-tapos siya ng pag-aaral.

Kasi kung ’yong mom ko po, ang dream n’ya sa akin is to be really successful in the field of entertainment, ’yong dream naman na diploma is for my dad,” paliwanag ng tinaguriang Asia’s Multimedia Star. 

S’ya naman ang may gusto…na sabi n’ya, ‘’J [from Alden’s real nickname RJ], kahit anong mangyari tapusin mo ang pag-aaral mo. ’Yon ’yong dream ko for you.’

Ako naman bilang anak na mahilig mag-fulfill ng dreams ng magulang, ‘Dad, bibigay ko na sa ’yo.’

K’wento pa n’ya, malaki ang pasasalamat n’ya sa kanyang namayapang ina na nangarap noon para sa kanya na makapasok sa showbiz. 

Malaking factor po [kung bakit ko sinunod ko ang dream n’ya] kasi s’ya naman ang may gusto nito,” pagbabalik-tanaw ni Alden. 

Noon gusto ko lang talaga, bilang young kid mula’t sapol with dad as the role model, sabi ko ga-graduate din ako ng college tapos magiging manager din ako kagaya ng tatay ko...[Maging] manager ng kung anumang negosyo d’yan or company. 

Pero ’yong mom ko kasi, iba. She was really a fan of telenovelas. Nu’ng may MariMar pa sa GMA, ’yong original, sabi n’ya gusto n’ya ako ’yong nakasakay sa kabayo. ’Yong mga ganu’n noong araw,” natatawang salaysay n’ya.

Wala pa daw s’yang tiwala sa kanyang sarili that time pero nagpursige s’ya alang-alang sa kanyang mom. Sadly, hindi na nito naabutan ang mga narating n’ya sa kanyang showbiz career. 

S’yempre, ako naman po parang, ‘Parang ’di ko naman kaya ’yon [kasi] ang mga nasa TV lang ’yong may hitsura, ’yong magaling umarte.’ And I didn’t have that confidence yet when I started,” pagpapatuloy pa n’ya. 

“I really owe it to my mom kasi…after po kasi nu’ng day when she was hospitalized towards nu’ng talagang iniwan na n’ya po kami…hindi man lang n’ya nakita ultimo ’yong first play na pinagbidahan ko sa school. She never really got the opportunity to see me now.”

Pero alam n’ya daw na he made her proud. At until now ay alam n’yang tinutulungan s’ya nito sa mga desisyon n’ya sa buhay. 

“But I think she’s looking down on me, up in heaven, proud and happy,” aniya. 

“And sa lahat ng desisyon ko po sa showbiz I owe it to her. I always ask her for help… And so far, sa lahat po ng desisyon ko buminggo naman. Kaya I’m really grateful to her,” pagtatapos ni Alden.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.