Dahil non-bailable ang nabuhay na 2014 rape case na isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro, mananatili sa NBI custody ang dancer-actor

Dismayado si Vhong Navarro sa mga huling kaganapan regarding the 2014 rape case na inihain ni Deniece Cornejo na muling nabuhay at na-reverse nito lamang July 2022.  Aniya, siya naman daw ang tunay na biktima sa pangyayari.  “’Yon nga ang nakakalungkot kasi for how many years, akala namin nila attorney, ng aking legal team ay tapos na…patapos na, actually. Kaya nagulat kami after ilang years parang ito uli nabuhay [ang kaso] at parang ako pa ’yong nababaliktad, ako ’yong biktima,” pahayag n’ya nang makausap s’ya ng media habang naka-detene sa NBI.

PHOTOS: @ vhongx44 on Instagram & @ onlydeniececornejo on Facebook

Dismayado si Vhong Navarro sa mga huling kaganapan regarding the 2014 rape case na inihain ni Deniece Cornejo na muling nabuhay at na-reverse nito lamang July 2022. Aniya, siya naman daw ang tunay na biktima sa pangyayari. “’Yon nga ang nakakalungkot kasi for how many years, akala namin nila attorney, ng aking legal team ay tapos na…patapos na, actually. Kaya nagulat kami after ilang years parang ito uli nabuhay [ang kaso] at parang ako pa ’yong nababaliktad, ako ’yong biktima,” pahayag n’ya nang makausap s’ya ng media habang naka-detene sa NBI.

Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) ang comedian-dancer at TV host na si Vhong Navarro nitong September 19 para magpiyansa ng P36,000.

Kasunod iyan sa paglabas ng Taguig City Metropolitan Trial Court Branch 116 ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness na inihain ng dating modelong si Deniece Cornejo noon pang 2014.

Matatandaang nagsampa ng kaso noong 2014 si Deniece laban sa It’s Showtime co-host dahil sa umano’y tangka nitong panggagahasa sa kanya. Kaugnay ito sa insidenteng naganap umano sa condo unit n’ya. That same night, nagtamo rin ng matitinding pasa sa mukha si Vhong dahil sa pangugulpi naman ng mga kaibigan ni Deniece sa pangunguna ng negosyanteng si Cedric Lee.

Depensa noon ng kampo ni Deniece at ng negosyanteng si Cedric Lee, ginulpi nila ang Kapamilya TV host dahil nahuli nila ito sa akto sa tangka nitong panghahalay kay Deniece. 

Iginiit naman ni Vhong na binugbog at kinikilan s’ya ng grupo nina Deniece at Cedric. Eventually ay kinatigan ng korte si Vhong at na-convict ang dalawa. 

Ibinasura rin noon ng Prosecutor’s Office at Department of Justice (DOJ) ang apela ni Deniece na muling i-review ang two counts of rape na isinampa nito laban kay Vhong dahil wala umanong probable cause. 

However, nito lang July ng kasalukuyang taon ay binaliktad ng Court of Appeals ang naunang desisyon ng DOJ at ipinag-uutos ang pagsasampa ng kaso laban sa aktor.

At ngayong gumulong na ang kasong isinampa ni Deniece laban kay Vhong, naglabas ng pagkadismaya si Vhong dahil s’ya naman daw talaga ang biktima sa nangyari.

“’Yon nga ang nakakalungkot kasi for how many years, akala namin nila attorney, ng aking legal team ay tapos na…patapos na, actually. Kaya nagulat kami after ilang years parang ito uli nabuhay [ang kaso] at parang ako pa ’yong nababaliktad, ako ’yong biktima,” pahayag n’ya nang makausap s’ya ng media habang naka-detene sa NBI.

“Parang ang hirap paniwalaan. Ako, mula 2014 inilahad ko ’yong lahat ng nangyari. Wala akong tinago. Sinabi ko lahat. Alam ng Panginoon ’yon na nagsasabi ako nang totoo. Kaya ngayon ang bigat ng loob ko kasi bakit ganito?”

Ganu’n pa man, napatawad na raw n’ya ang kampo nina Deniece sa ginawa nito sa kanya noon dahil gusto na n’yang makapag-move on. 

“Ako kasi ang gusto ko lang naman mangyari… Kaya ko naman silang patawarin. Actually, napatawad ko na sila,” aniya.

Bagama’t mahirap daw para sa kanya ang humingi ng apology dahil lalabas na umaamin s’ya sa ibinibintang sa kanya, bukas umano s’yang makipag-usap para ma-settle ang gusot na ito sa pagitan nila ni Deniece.

“Mahirap kasi na magkakapatawaran kayo pero meron kayong kailangang gawin. Halimbawa, kailangan mong mag-public apology. Kung kailangang hilingin ’yon. No. 1, hindi ko kayang gawin ’yon kasi hindi ko naman ginawa kung ano ’yong binibintang sa akin. E ’di, parang ang dating inamin ko ’yon, ’di ba? Pero kung gagawin namin para matapos ito, urungan ng kaso, baka p’wede nating mapag-usapan,” lahad ni Vhong. 

Sagot naman dito ng abogado ni Deniece na si Atty. Ferdinand Topacio sa panayam sa kanya ng TV5: “Kung si Mr. Navarro ay mahahatulang walang kasalanan, that is the settlement. Kung s’ya ay mahahatulang may kasalanan, ’yon na rin po ang settlement. At the settlement should be in accordance with the dictates of the law.”

Samantala, ilang oras matapos magpiyansa si Vhong para sa kasong acts of lasciviousness ay inilabas naman ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 ang panibagong warrant of arrest laban sa kanya. This time, para ito sa kasong rape na isinampa pa rin ni Denise against him.

Non-bailable ang kasong ito kaya’t mananatili muna sa kustodiya ng NBI ang aktor.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Vhong Navarro posts short but sweet birthday message for wife Tanya Bautista; fondly says "ikaw na ang huling mag-mamay-ari ng puso ko!"

Pika's Pick: Vhong Navarro spreads good vibes as he channels Captain Ri in an edited photo of Korean Drama Crash Landing on You

Pika's Pick: Vhong Navarro is one proud dad to son Fredriek who just graduated college

 

 

Komedyanteng si Mura, paika-ikang nagsasaka sa Bicol; Vhong Navarro, handang magpadala ng tulong

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.