Dahil payat na, Sharon, willing daw mag-Darna

(Right Photo): Sharon (center) with John Arcilla (who plays her husband in Kuwaresma), and Kuwaresma director Erik Matti.

PHOTOS: Melo Balingit

(Right Photo): Sharon (center) with John Arcilla (who plays her husband in Kuwaresma), and Kuwaresma director Erik Matti.

Tunay ngang malaki na ang ipinayat ni Megastar Sharon Cuneta kumpara noong nag-concert siya in September last year sa Araneta Coliseum (Sharon Cuneta, My 40 Years). Agad itong napuna ng mga members of the press na um-attend ng grand press conference ng horror flick niyang Kuwaresma last April 23.

 

Taong 2016 pa nang simulan ni Megastar ang seryosohang fitness journey niya at ngayon ay very evident na ang fruit of her labor. Malaki rin daw ang naitulong ng isang buwang lock-out shoot niya para sa Kuwaresma, kung saan very physically demanding ang karamihan ng eksena.

 

Kaya naman ngayon ay nakukuha nang magbiro ni Sharon na by the end of the year, kung wala raw gaganap na Darna, ay p’wede na ulit siya.

 

Matatandaang nag-Darna na siya noong 1986 via the movie Captain Barbel ng Viva Films. Cameo appearance lang siya noon in the said movie at willing daw siyang mag-cameo ulit para ipasa ang pagka-Darna sa mas bata.

 

“Oo kunwari si Darna napagod ipapasa ko ngayon sa mas bata, e,” natatawa-tawang tsika ni Sharon. “Si Ding tumanda na, ang pangit naman na isakay ko pa diba? So ipapasa ko na ’yong bato gano’n. Ano lang ako, cameo.”

 

Incidentally, ang Kuwaresma director na si Erik Matti din ang unang dapat magdi-direk ng Darna para sa Star Cinema. But in October 4 last year, he withdrew from the project citing “differences” from both parties. Pinalitan siya ni Heneral Luna and Goyo director Jerrold Tarog.

 

At nito lamang April 4, 2019, in-anounce naman ng napiling Darna na si Liza Soberano na siya man ay magpu-pull out na rin sa role, citing “medical reasons” naman. Diumano ay may na-fracrure itong bone finger habang ginagawa ang teleseryeng Bagani at that her doctor advised her to mind her health first.

 

Taong 2014 pa nang unang maghanap ang Star Cinema ng gaganap na Darna. Si Angel Locsin (who played it on TV in 2005) ang unang napili nila pero nag-withdraw din ito by also citing “health reasons.” Nang i-announce noong 2017 na si Liza na nga ang gaganap, nagsimula nang mag-training ang actress for the role until the April 4 development.

 

So far, bakante na naman ang slot para sa iconic role na nilikha ni Mars Ravelo.

 

In the meantime, maski si Direk Erik Matti ay namangha sa laki nang ipinayat ni Sharon to the point na kinabahan siya na makasira ito sa continuity ng isang crucial scene sa Kuwaresma.

 

“For a time nag-panic pa kami kasi bago siya mag-concert sa US, shoot namin ’yong finale [scene],” kwento ni Direk Erik. “Pero it wasn’t finished. We only shot parts of it. Pag balik, sobrang payat ni Shawie [palayaw ni Sharon] pag dating sa set. So, sabi ko magka-dugtong ’yong eksenang ’yon. Hindi naman siya magka-ibang eksena diba? Sabi ko, makakalusot ba ito? Kanina lang diba iba ’yong hugis tapos biglang payat no’ng next cut.”

 

Natatawang sumang-ayon si Sharon.

 

“’Yong pantalon ko no’ng umpisa tama lang, no’ng ending p’wede ko na siya gawing tube!  Hahaha! ’Yong jumpsuit? Hahaha!”

 

Magkaka-alaman on May 15, ang showing ng Kuwaresma sa mga sinehan.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

WATCH: Julia’s audition for Darna, hindi nga ba sineryoso ng Star Cinema?

Nadine Lustre screams iconic line ‘Darna!’

Could this Kapuso actress be the next Darna?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.