Nakakakilig pala ang behind-the-scenes shoot ng recording session nina Jayda Avanzado at ng isa sa mga closest friends n'yang si Darren Espanto para sa single na “Sana Tayo Na.”
Matatandaang last July 31 lang ay ini-release ang music video ng newest single ng dalawa sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.
Kinakiligan ng mga fans ang nasabing music video dahil maliban sa mga videos na kinunan nila para doon, siksik din 'yon sa mga never-before-seen video clips at photos nilang dalawa kung saan kitang-kita ang closeness nila.
Sumakto din kasi ang lyrics sa dalawa, na matagal nang nali-link sa isa't isa dahil sa super closeness nga nila. Up to now though ay hindi pa rin sila umaamin sa kung ano ang real score between them.
At kagabi nga, August 11, sa bagong uploaded na vlog entry ni Jayda sa kanyang YouTube channel, ipinasilip ng teen singer ang kulitan moments nila ni Darren habang nire-record nila ang kanta.
Paliwanag pa ni Jayda, medyo challenging daw ang naging process ng recording nila ng kanta na isinulat pa ng daddy n'ya—ang ang singer-songwriter na si Dingdong Avanzado—dahil virtually lang naganap ang lahat.
Last June 28 umano sila nagsimulang mag-record despite the distance dahil nga nasa Canada si Darren habang s'ya naman ay nandito sa Pilipinas. Big thanks na lang talaga sa video call at modern technology.
At kahit successful singer na itong si Darren, very open at willing pa rin s'yang matuto mula kay Jayda who served as his “vocal coach” that day.
Gayunpaman, hindi mawawala sa dalawang Kapamilya stars ang magkulitan.
Dahil nga may pagka-slang ang pronunciation ni Darren kadalasan kaya nahihiritan siya ni Jayda. Kagaya ng sabihin niya ang "wait" na naging tunog "hu-wait.” Bumanat si Jayda ng joke kaya naantala sila.
"Hu-wait?" pagbibirong tanong ni Jayda kay Darren. "Saan 'yon? 'Di ba bansa 'yon? Huwait [Sounds like Kuwait]. Joke lang. Corny ko."
Wala namang magawa si Darren sa kabilang linya kundi sakyan ang pabirong hirit ng dalaga.
"K...bye, Jayda," tugon ni Darren.
Pag serious mode ay talagang serious naman sila. And Darren didn't mind asking Jayda for tips and corrections.
"Like you have to mix between your head voice and your chest voice," turo naman ni Jayda sa Filipino-Canadian singer. "It's like a mix."
Kapag nakukuha na ni Darren ang tamang pitch, cords, at arrangement, nagtsi-cheer naman si Jayda sa binata.
"Yeah, like that," ani Jayda.
At kapag sumasablay naman si Darren, simpleng, "You were so close" naman ang ikino-comment n'ya.
At s'yempre, humihingi din ng advice si Darren kung ano bang mas bagay na atake ang gagawin sa linya no'ng kanta.
"I don't like the first one," pag-kritiko ng award-winning male singer sa sarili. “Shouldn't it be as soft as that or a bit stronger?"
Tugon ng dalaga: "A little strong... Like mix. I don't... It's hard. But I need.... One thing you can do really is understand, I know it's weird but, understand what you’re singing and say it the way you would say it. 'Sa buhay kong ito maraming nagbago.' Do you know what I mean? Like, really feel it and have that vulnerability."
May moment din na habang seryoso ang dalawa, sa pagpi-playback and giving feedback, bigla na namang nauwi sa tuksuhan.
Habang naka-play kasi ang kaka-record pa lang na linya ni Darren, nagbigay si Jayda ng komento kaya hindi n'ya ito na-pick up.
"Pardon?" tanong ni Darren kay Jayda na ikinagulat naman ng huli na kahit well-versed sa English language ay hindi pala sanay sa mga common Western expressions na ganoon.
"Ayy pardon?" nanunuksong balik ni Jayda kay Darren. "Sorry I'm not used to it."
Bilang ganti, ginaya naman ni Darren ang singing style ni Jayda, na medyo kuha n'ya, lalo na ang pagkukulot nito ng boses.
"You know what though, I don't do it on purpose," paliwanag naman ni Jayda. "It's weird. It just comes out that way."
"Yeah. It's part...like your own style," nakangiting tugon naman ni Darren.
Dahil sa kulitan marahil, hindi inaasahan ng dalawa na aksidenteng mabubura lahat ng pinaghirapan nila. Dahilan umano para mag-“mini breakdown” si Darren.
“So right after the last clip, Darren and I realized that he accidentally deleted his vocals for the entire first course. I know. So we ended up taking a break and he had a mini breakdown."
PANOORIN ang Part 1 ng recording nina Jayda Avanzado at Darren Espanto ng kanilang newest single na "Sana Tayo Na" dito: