Dahil sa dami ng mga pabaon ng girlfriend na si Jennylyn Mercado para sa lock-in taping niya, Dennis Trillo, nag-reak: "Parang ayaw na nga n'ya akong pauwiin."

PHOTO: @mercadojen on Instagram

PHOTO: @mercadojen on Instagram

Naghahanda na ang tinaguriang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo para sa pagbibidahan n'yang teleserye na Legal Wives kung saan may pagka-sensitibo ang topic pero maganda umano ang pagkakasulat.
 
Gaganap kasi si Dennis dito bilang Muslim na mula sa lahi ng mga Maranao at makakapangasawa ng tatlong babae.

Sa interview ng 24 Oras kay Dennis last November 24, sinabi niyang nabigla daw s'ya nu'ng una sa kanyang role. 

"Parang nabigla ako nu'ng umpisa," pag-amin ng multi-awarded GMA actor. "Pero nu'ng nabasa ko naman 'yong script, sabi ko, 'A, okey. Ang ganda ng ginawa nila dito.' Mai-in love ka sa bawat character. Mai-in love ka sa kultura."

Patikim pa ni Dennis sa kanyang magiging character na si Ishmael: "S'ya 'yong tao na iidolohin mo dahil iba 'yong paninindigan n'ya. Iba s'ya magmahal. At bawat tao sa paligid n'ya kaya n'yang pakitunguhan kaya rin siguro nabigyan s'ya ng pagkakataon ng tatlong iibigin dito sa kwento dahil mapagmahal s'yang tao."

Tatlo ang magiging leading ladies ni Dennis sa serye na sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali. Legal naman at tanggap sa kultura ng mga Muslim ang pag-aasawa ng mga lalaki ng higit sa isa. 

Malapit na din daw ang kanilang lock-in taping. At kung s'ya daw ang masusunod, tanging mga damit at bike lang ang gusto n'yang dalhin. 

Pero iba daw ang gustong mangyari ng girlfriend n'yang si Jennylyn Mercado.

"Si Jen kung ano-ano 'yong mga pinadadala sa akin," pagsisiwalat pa ng aktor. "Pinadalhan n'ya pa ako ng portable washing machine na may dryer, lutuan na maliit... Kung ano-ano!

"Parang ayaw na nga n'ya akong pauwiin, e. Hahaha," pagbibiro pa n'ya. 

Samantala, aalis na bukas, November 27, ang StarTruck o ang 10-wheeler truck na naglalaman ng mga donasyon mula sa naging fundraising drive nila ni Jennylyn para sa mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dennis, sarap na sarap sa cookie ni Jennylyn

Pika's Pick: The #JenDen couple (Jennylyn Mercado and Dennis Trillo) opens a cat cafe on Maginhawa Street

Jennylyn Mercado, nag-aral tumugtog ng bass guitar para sa mga future musical collabs nila ng sweetheart na si Dennis Trillo

Pika's Pick: Dennis Trillo shows support to gf Jennylyn Mercado's Descendants of the Sun TV series; Jen responds, "Thank you baby."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.